Chapter 16

48 1 0
                                    


Sunday ngayon at napagpasiyahan namin ni Carlo na magsimba. First mass ko ito together with my boy friend kaya nakaka-excite tuloy na magsimba kahit minsan di ako nakikinig sa sermon ni Father.


Punuan ang simbahan ng Quiapo ng makarating kami, malapit na rin kasi ang pista dito kaya naghahanda na rin sila. Nasa likuran kami umupo ni Carlo ng may biglang umilaw sa aking isip,


"Catholic ka ba?" bigla kong tanong sa kanya,


"Huh? Oo, bakit mo natanong 'yan?" he looks at me curiously,


"Diba sa Vietnam may folk religion kayo?" tanong kong muli sa kanya,


"My mom brings me here in Manila when I was 5 months old, dito na rin ako pinabinyag."


"Ay ganoon? Mabuti na lang at di ka nasunog sa pintuan ng simbahan pagpasok natin,"


"What the hell?" he glared at me,


"Anong what the hell? Nasa simbahan tayo, Carlo. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo. Dapat heaven," I rolled my eyes,


"Gusto mo ba ng heaven?" he teased me by saying it seductively, Ano ba itong lalaki na ito, kahit nasa loob ng simbahan di maalis ang kagaguhan,


"Carlo, ano ba.." I acted to cry, "Please, gusto ko ng peace of mind, hindi fuck of mind? Okay?!"


Tumatawa lang si Carlo matapos kong sabihin iyon. Natahimik na lang kaming dalawa ng magsimula na ang prusisyon sa misa. Tumayo na kaming dalawa at nagkanta ng Papuri.


"Iba yung naririnig ko," Carlo said, napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin,


"Yung memes ba? Naku, Carlo. Magpabasbas ka na." inirapan ko siya at pinapaypayan ang sarili


"Sabi nga sa Romans 12:9, : 'Don't just pretend to love others. Really love them. Hate what is wrong. Hold tightly to what is good." sabi ni father sa kanyang homily,


"Exactly, father." sabi ko habang pinapaypayan ang sarili, Carlo was leaning at mukhang di nakikinig,


"Anong exactly? Ganyan ka ba sa akin?" he whispered to me,


"Oo naman, di naman ako nagpepretend sa nararamdaman ko, mahal naman kita. Mahal na mahal, tsaka tama yung sinabi ni Father na hate what is wrong, so I hate Gwen, she is wrong," I rolled my eyes,


"Nandamay na naman ng taong walang muwang," rinig kong sabi ni Carlo, di ko nalang siya pinansin, at nagpatuloy sa pakikinig ng may biglang sumundot sa likod ko. Pagtalikod ko, I saw Alexa.


"Huy, anong ginagawa mo dito?" halos lumakas ang boses ko sa gulat ng makita si Alexa.


"Vlogging." she rolled her eyes, "Malamang nagsisimba, kayo ha kanina ko pa kayo pinapansin. Naka-record na sa camera ko," she giggled.


Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now