Chapter 9

54 1 0
                                    


"I like you,"


Paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko habang sabay kaming kumakain ni Carlo, pakiramdam ko kanina pa namumula ang pisngi ko sa kilig, si Carlo kasi bigla-biglang nagsasabi ng ganyan,


"Seems you are quiet now, Stephanie?" Carlo scissored the silence between us,


"Ano bang gusto mong pagkwentuhan?" I said, ready to open a topic,


"Your lifestyle, how you get through in college?" he asked me back,


"Di mo ba narinig sa Magandang Bahay kanina? Need ko bang ulitin?"


"Naka-focus lang kasi ako how the way you talk, di ako makapag-concentrate," he said,


"Enebe, bakit ka kasi nakatingin sa akin," pabebe kong sabi, 


"Seryoso na kasi, Stephanie." he chuckled even he's annoyed.


"What should I tell you, ba?" I said while chewing the food,


"Anything, geez!" he rolled his eyes and continue to eat, waiting me to speak,


"Hay naku, paulit-ulit!" umirap ako, "As I tell the people earlier, dapat mag-eengineer ako kaso nga I'm so much obob in science and math, so napunta ako sa Mass com, kasi nga may math pero kaunti lang, atleast I survived, kaunting buwan nalang makakapagtapos na ako,"


"So in the four years in college, are you now passionate with the industry?" he asked,


"Oo naman, sa apat na taon na yun, ang dami ko ng natutunan, marami na akong hirap na kinaya, at sa apat na yun, nahanap ko ang tunay kong pangarap," I smiled and remembered those times na kahit nadapa ako, nakikita ko sa isip ko ang goal ko na makakapagtapos at makakamit ko ang pangarap ko,


Carlo was listening while I'm telling him my story, for me it is not inspiring unlike him, before he step on these milestone, he was already sure of his dreams. Kasi ako, laging nag-iisip ng negativity sa buhay, hanggang sa may mga tao sa paligid ko na handang makinig, at handa akong tulungan.


After we eat, ako na ang nagpasyang maghugas. Nakakahiya naman sa kanya dahil dito na ako makikitulog, mukha naman akong senyorita. Pagkatapos kong maghugas, nagbanyo na ako at nagpalit ng damit na binili ko kanina sa mall, mabuti't nagkasya ang isang libong pera ko, sa sobrang clumsy at katangahan, pati susi naiwan.


Bahala na, ang importante nandito ako sa boss ko, he's my knight in shining armor, char.


Savior ganon? Si Papa Jesus lang ang savior ko, 


"Sa sofa na ako matutulog," I said habang naka-upo na sa couch at hinahawakan ang box pillow


"Doon ka sa bed, ako na dito!" he suggested, napasingha nanaman ako dahil mauuwi nanaman sa arguement ang katulad ng mga ganito,

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now