Chapter 2

100 1 0
                                    


"Boba! Yan tuloy at nawalan na ng gana si Stephanie kaysa sa akin!"


Niyugyog ni Alexa ang balikat ko habang namumula na ang pisngi niya, mukhang tinamaan na din ata siya ng alak, si Eunice  naman ay bumaba tumayo upang luminga-linga sa paligid.


"Bes, yun ba? Yung naka puting shirt na may jacket na black?" tinapik ako ni Eunice  kaya tinignan ko din yung mga nakita niya. "Yun din sila, may kasama pang girls na mukha namang mga hipon."


"Medyo kilala ko yung isang girl, nakita ko na yan siya 'eh or I think she's a vlogger!" sabi naman ni Alexa na nakatitig din sa kanila. Napako ang tingin ko doon sa lalaking medyo nakatatak na nga sa aking isipan, pilit kong inaalala kung nakita ko na ba siya.


"Pogi yung nakasalamin," sabi ni Eunice, katabi niya yung tinutukoy ko. "Ikaw ba Alexa, sino ba diyan?"


"Yung singkit!" mabilis na sabi niya ng makakita nga ng chinito. Tumatawa pa ito habang nakahawak ng baso, mukhang emperador yung tinutungga nila. Matitibay ang tiyan!


"Wala akong gusto diyan!" mabilis ko ding sabi at tumalikod na, naalala ko na nga siya.


Yung lalaking matagal umorder sa SB. Siya nga, at bakit ba siya nandito? Matapos niya akong inisin, may gana pa siyang magpakita dito. O, baka siya naman ang inisin ko tonight? Magpanggap na naka-sex niya para magulat yung dalawang babae na sa palagay ko baka girlfriend niya yung isa diyan o di kaya ka-sex niya din.


"Meron na pala akong gusto..." I smirked, napatingin naman sila Alexa at Eunice sa akin at naguguluhan. "That guy who wears black polo, black shorts with Nike dunk low panda." 


"Grabe direk, iba ang pinapantasya!" pumalakpak pa sa akin si Eunice, "Infairness, galing mo din pumili. Lapitan mo na!" utos niya pa sa akin.


Di ko nalang pinansin si Eunice at tumungga pa ng alak hanggang sa naubos na yung apat na bucket. Maya-maya pa isa isa ng bumaba ang mga lalaki dahil sasayaw daw sila sa dance floor. Samantalang naiwan kaming tatlo na mga babae dito at mukhang may maitim pa na balak itong dalawang babae.


"Order pa ako?" Alexa giggled, namumula na ang mukha niya habang ngumunguya ng chicharon na dala dala kanina ni Seve. "Bababa na ako, wait!"


"Sama ako, naiiihi kasi ako." sabi naman ni Eunice, napailing-iling naman ako habang naka krus ang mga binti. Nakakaramdam na rin kasi ako ng konting pagkahilo at antok. Tinamaan na din ata ako ng alak.


Ilang minuto pa at napansin kong di pa bumabalik ang dalawang hindot kaya naabutan ko sila sa kabilang table na nagtatawanan,  kausap yung dalawang lalaki, yung dalawang babae naman ay nakikisawsaw ngunit 'di pinapansin ni Alexa. Samantala yung lalaking nakita ko nakaraan ay abala sa pag-cecellphone. Hindi siya chikadoro!


Tumayo na ako sa kinauupuan ko upang pabalikin na yung dalawang babae dito, nakakahiya naman sila. Baka kung ano nanaman ang pinagsasabi nila at baka mamaya may mangyari pa. 


"Hello," yun na lang ang nasabi ko, kaya napatingin silang lahat sa akin. Tumayo naman si Eunice na may ngiti sa kanyang labi.

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now