Chapter 6

73 0 0
                                    


"Bingi ka ba?"


Napakurap-kurap ako bigla ng makita si Carlo sa harap ng table ko. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mesa habang galit na nakatitig sa akin, inayos ko tuloy ang pagkakaupo ko. Di kasi matanggal sa isip ko ang sitwasyon ni Sav, kagabi pa ako di nakapag-concentrate, 'eh!


"Po, sir? May sinasabi po ba kayo?" I moisted my lips, at kinuha ang mga papel sa gilid ko.


"Yan, nakatanga lang! Lutang ka pa ba hanggang ngayon?"


"No po, Sir!" mahina kong sabi sa kanya at nagpatuloy na sa trabaho.


"Yun naman pala! Bakit di mo pinapansin yung sinasabi ko, ha?!" inis siyang napasabunot kaya gumulo tuloy yung buhok niya. "Anong gusto mong tawagin ko sa iyo, baby, sweetheart, darling?"


"Dami mo namang sinasabi! Ano po kasi 'yun?" sabi ko, ang kapal naman ng mukha niya, pinapapili pa ako doon sa tatlo, pwede namang wifey kasi siya naman ang hubby ko, eme!


"I said, tapos na ba yung pinapagawa ko sa iyo last week?" he asked


"Yes, it's done!" I gave him the flash drive.



"Make sure that this outturn is readable, at malinis!" bulyaw niya pa habang binubuksan ang file sa kanyang macbook, at this time nakaupo siya sa chair sa harap ko.


Nakatitig lang tuloy ako dito kay Carlo habang busy siyang nagbabasa ng plot ko. Kung mapapansin, talagang pogi naman itong boss namin kaso ang init palagi ng ulo, at ako palagi ang pinag-iinitan. Bakit kaya di niya pinag-iinitan itong si Gwen? Siguro pinag-iinitan niya lang sa kama. 


"Why are you staring me like that?" muntik tuloy akong mapatalon sa gulat ng napansin niyang nakatitig ako sa kanya. "Are you a starving tiger?"


"Kapal, hindi kaya." bulong ko. "Ikaw nga mukha kang aso,"


"What did you say?" he glared at me.


"Hindi po, sir, inaantay ko lang yung reaction niyo sa ginawa ko."


Di niya na ako pinansin at nagpatuloy pa rin siya sa pagbabasa, naging abala nalang ako sa pagtytype ng mga gawain dito sa opisina, baka sabihin niya pang pinagnanasaan ko siya, ano ba ako, si Gwen? Ang layo ko naman para maging sidechick, chicks pwede pa.


Dahil sa tagal niyang mag-basa, binuksan ko na lamang ang phone ko upang mag-Instagram at Facebook, di niya naman mapapansin na nag-sosocial media ako, dahil busy siya. Habang si Gwen naman ay tanaw kong nanood ng Netflix sa kanyang pc, masumbong nga siya.


Nakita ko yung IG Story ni Savannah. Sinundan ko pala siya kagabi sa Instagram dahil gusto kong makahagilap ng balita sa kanya, para naman makapag-usap silang dalawa ni Seve, at beke nemen may pa plot twist ang love story nila miss maldita meets mister basagulero.


Ang sosyal talaga nitong si Savannah, nagawa pang mag-selfie sa palengke. Hindi mahahalata na may sakit itong babaeng ito, ano kayang sakit niya at napaka-confidential, anong akala niya sa akin, nagpapakalat ng sekreto? Excuse me, mas trusted pa ako kaysa kay Eunice, char.

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now