Chapter 10

63 0 0
                                    


"What did you say?"


Niyugyog ko ang braso ni Carlo upang marinig ko ang sinasabi niya, confused din daw siya. Saan ba siya nalilito?


"Stephanie, tumahimik ka!" he gestured to be quiet, "Galvin is here,"


Napairap na lamang ako at saka tumango, di tuloy ako mapakali at tila balisa ako sa sinabi niyang naguguluhan siya sa akin, sa pinapakita niya he seems guilty on it, na parang may pumipigil sa kanya upang magsalita.


Pagkatapos ng meeting, umuwi na rin si Sir Galvin dahil may meeting din siya sa Manila. Nauna na akong naglakad palabas sa carpark ng hindi hinihintay si Carlo. Nakakainis siya, tumahimik daw ako, edi tatahimik na!


"Why are you running so fast? Tapos iniwan mo ako!" habol sa akin ni Carlo, "Mahilig ka bang mang-iwan? Huh?"


"Ano kasi, medyo busog ako at—" natigil ako sa pagsasalita ng may tumawag bigla kay Carlo.


"Gwen?" he answered the call, when I heard the name tumalikod ako bigla sa kanya,


Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko towards him, I look annoyed when someone talks to him, especially girl, and especially the sidechick named Gwen.


"Did you check the machine or the engine?" Carlo said in the other line, habang ako ay nanatiling nakatayo sa tapat ng kotse niya, "I'm on my way, I'll pick you up,"  sabi ni Carlo at ibinababa na ang phone.


"Ano yun?" pag-oosyoso ko, habang naka-krus ang braso.


"Nasiraan ng kotse si Gwen around Makati, di siya makakapunta sa work dahil doon,"


"Eh bakit hindi siya mag taxi o grab, 'o 'di kaya mag uber?" I suggested.


"Maarte yun lalo na pag public transportation," sabi ni Carlo,


"Arte arte pang nalalaman, 'eh private naman ang taxis!" I crossed my arms and looking outside the window,


Di na sumagot si Carlo at nag-drive na papuntang Makati, talagang naiinis na ako kay Gwen, alam kong gumagawa lang siya ng paraan para makasabay ang long time no see niyang fubu.


Pagdating namin sa Makati, nandoon nga siya sa isang tapat ng gasoline station at sumisilip sa ilalim ng kanyang kotse, di niya ata napansin ang kotse ni Carlo, kaya nagmadali akong pinindot ang car horn, dahilan upang magulat siya.


"Anak ng puta!" I heard Gwen cursed, patago naman akong napahagikgik at si Carlo ay nagulat din


"Kung ano kasing sinisilip sa ilalim, wala naman ata doon ang problema, boba!" umirap ako,


Bumaba si Carlo sa kotse upang tingnan ang sirang kotse ni Gwen, nakita ko pang naka-akbay si Gwen kay Carlo na akala mo naman matagal ng hindi nagkita, ang totoo ba Gwen, landi ba o nagsira-siraan ka lang

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now