Chapter 23

45 0 0
                                    


"Yan 'yun oras na sinulatan natin ng titi ang mukha ni Alexa!"


Malakas ang tawanan namin dito sa bar ng biglang nag-open up si Eunice ng topic tungkol sa mga kahayupang ginawa namin noong first year college pa kami. Ikinukwento niya ito sa mga lalaki para may masabi lang. Medyo may tama na rin ako kaya lumalakas na rin ang tawa ko,


"At dahil doon, nahilig na rin sa sex itong si Alexa!" sabi naman ni Eunice,


"Vlog ang interest ko, hindi pornograpiya!" mabilis na umiling si Alexa,


"I doubt it," Xen nodded.


"Ulol!" Alexa yelled to Xen. 


Habang nagkukuwentuhan sila, madalas akong napapasulyap kay Carlo. Tumatawa rin siya sa mga kwentuhan nila Eunice. For me, he never changed. Medyo nag mature lang siya kaunti at mas lumaki ang katawan, and couldn't deny na mas pumogi siya. But, he is still a liar in my mind, 'no!


Duh, why I am looking at him...punyeta, itong alak na ito! Nakaka-bwisit!


Habang nakatingin ako sa kanya, pansin ko ring nakatitig siya sa akin pero mabilis niya rin iyong binawi. His stare makes me blush, punyeta di ako lasing, tipsy lang! Sinampal-sampal ko tuloy ang sarili ko,


"Hoy! Bakit natulala ka nalang diyan bigla?" siniko ako ni Eunice, muntik pa matapon ang alak.


"May naisip lang ako," I giggled, "Siya..." I pointed Carlo, gulat naman silang napatingin lahat, habang ako naman ay nakakaramdam ng pa-iba sa katawan,


"Dude, she was thinking of you!" tinapik-tapik siya ni Clark, ngumisi naman siya at umiling,


"Yes, I'm thinking why he cheated on me!" tuminis ang boses ko, napaawang naman ang labi nilang lahat, at napatakip. Carlo was still sitting like an idiot!


Sumandal nalang ako sa couch at ngumuso. Nakita kong sinenyasan ni Eunice si Carlo na tumabi sa akin at bumulong na lasing na raw ako. Di ko maintindihan, mukha na akong nahihilo


I could hear Carlo's footsteps going towards me, iminulat ko ng bahagya ang mata ko at tinitigan siya,


"Uy, wag kang lumapit!" matamlay na sabi ko, "Baka makita tayo ni Gwen, ayoko maging kabit,"


Hindi siya nagsalita sa halip, nakatingin lang siya sa akin.


"Bakit wala si Gwen, saan siya?" tanong ko muli kay Carlo. Inalalayan niya akong tumayo dahil nahihilo na ako,


"She's in America, bukas ata ang uwi," sabi ni Carlo. Tumango-tango lang ako kahit di ko masyado naintidihan ang mga sinabi niya,


Humarap ako kay Eunice, "Uwi na ako.." pagpapaalam ko,


Beyond The Lenses (Asia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon