Chapter 4

73 2 0
                                    


"Maayos naman kaya ang pagpapakilala mo o postura mo?"


Kanina pa ako tinatawanan nila Eunice at Alexa habang ikinukwento ko ang nangyari sa akin kahapon sa Abs-cbn, Pag naalala ko ang mukha ng Carlo na yun, parang ang sarap niya ibalik sa kulungan kung saan nababagay ang mga walang awa na katulad niya!


Nandito kami sa may Korean restaurant ulit at kumakain ng lunch, galing pa si Alexa ng PUP. Eunice texted her para may kasabay kaming dalawa. Yung tatlong mga lalaki naman ay busy sa kani-kanilang school at internships. Justin told me last night that he was accepted in the interview, I texted him, 'sana all.'


"Si Carlo kasi yung boss, sa maniwala ka o sa hindi." Umirap ako habang niluluto ang meat.


Gulat ang tumama sa reaksiyon ng dalawang gagita, hindi sila makapaniwala na si Carlo ang assistant director ng film production department.


"Yung lalaki na nakausap mo sa UA and P?" Eunice asked. "Oo nga pala, may connections ang family niya sa Abs-cbn, 'di mo ba knows?"


"Anong akala niya? Basta-basta na lamang ako ma-rereject? No way!" kinuyom ko ang kamao ko, kung gusto niya ng gulo, ibibigay ko sa kanya!


"Baka mas lalo kang di tatanggapin niyan? Accept it already, beh." Alexa held my hand. "Meron pa namang ibang sikat na film productions diyan."


"Simula ng pumasok ako sa UP, isa na 'yan sa mga gusto kong mangyari, apat na taon akong naghintay para makapag-trabaho man lang sa network na gusto ko, ayaw kong magtapos na hindi man lang nakaka-langhap sa network." sabi ko sa sarili ko. Nakikipaglaro ba siya? Game ako at kahit ilang beses niya akong pagtitripan, seryosong trabaho ang pinunta ko at hindi kagaguhan lang, para sa akin to at para sa ikabubuti ko.


Tomorrow, I woke up early again to go back in the network. Pag-akyat ko naabutan ko ulit si miss Andrea the secretary na abala sa pagpa-pile up ng mga files, nagulat siya ng bigla niya akong makita.


"Stephanie, bumalik ka talaga?" she laughed. "Bad mood si Sir Carlo today, nandiyan siya sa loob ng office." She whispered at halatang kinakabahan.


"I don't care if he is in the good mood or not. I really need a clear statement." Matapang na sabi ko.


"Diba, narinig mo na? Rejected ka na?" nakapamewang na si Andrea at halatang na-stress na sa kakulitan ko.


"Wala nga akong pakialam kung rejected, gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit ganun-ganun na lang. Siguro yung ibang interns na ni-reject niya, ganoon din ang gustong tanungin. We deserve justice," bulyaw ko kay miss secretary.


Di ko na naintindihan ang sumunod na pinagsasabi niya dahil pumasok na ako doon sa board room, nakita ko si Carlo na busy sa pagsusulat sa desk, mukhang bad mood nga siya dahil naka-kunot ang kanyang noo, hindi naman bagay sa kanya.


"Pst." I called him, napatingin siya sa akin at biglang nanlaki ang mata, di niya inaasahang nandito ako.

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now