Epilogue

100 1 0
                                    


"Today, I'll going to appoint the Studio Director, Stephanie Kassandra Grossman as the newly Chairman of the Abs-cbn Cinema Productions,"


Lumakas ang hiyawan at palakpakan dito sa SMX. Nagkaroon kasi ng annual recognition at executive gathering ng mga nagtataasang posisyon. Nag-retire na kasi si Sir Keith as a chairman kaya ako na ang ipinalit sa kanyang pwesto,


"I'm so proud of you, Iha. You made the productions, fantastic!" Sir Keith congratulated me


"Salamat, Sir Keith. sa pag-mentor sa akin sa loob ng ilang taon." I said politely and give him a smile,


"At dahil diyan, ikaw nanaman ang magrereyna sa industriya ng pelikula," pahabol niya pa


Being in the film industry was not easy. Ikaw ang maatasan sa pagpili ng pelikula, ikaw ang magvivisualize ng screenplays, at ginagabayan mo ang technical teams katulad ng cameraman, writers, at mga producers. Ikaw rin ang maatasan sa pagpili ng karakter sa kwento. At the end, magiging worth it din lahat ng pinagaksayahan mo. You'll just sitting at the couch watching your own masterpiece.


Nasa may pub kami ulit sa Taguig dahil inimbita ko muli ang gang para sa isang selebrasyon. Habang tumatanda ka, mas namimiss mo ang samahan ng magkakaibigan. Mabuti nalang at kumpleto sila ngayon at may oras na inilaan para sa gabing ito.


Carlo was in Cebu right now. Simula ng nag-aminan kami ng feelings muli. Wala tuloy siyang tigil sa kanyang mga banat. Sinabi niya sa akin na liligawan niya raw ulit ako, di na rin ako pumalag doon dahil ayon naman ang gusto niya.


From: Babe

Sure ka ha na walang lalaki na kasama sa bar. uwu


To: Babe

Eh ano sila justin, seve at kyo? duh


From: Babe

Ok fine basta ako pa rin ang lab mo :<


To: Babe

Carlo alam mo bang sira na utak mo alam mo na yan mahal na mahal kita!


From: Babe

 lol i love u so much mwah


Ibinalik ko na sa bulsa ang phone ko saka nilapitan ang gang. Mukhang bumabalik lang kami sa pagiging teenager. Nakita ko si Eunice na umangkas kay Seve, si Alexa naman kay Justin at si koreanong Kyo naman ay nag-uber, ayaw atang mabahiran ng dumi ang porselanang mukha.


"I miss you guys!!" sumigaw ako ng lapitan ko sila,


"Group hug tayo.." Justin interruped.


"Group hug, parang kinder." inis na sabi ni Eunice,


"Eh, ba't nagagalit ka? Iniwan ka ba ng jowa mo?" hirit ni Seve


Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now