SECOND LIFE

45 2 0
                                    




September 5, 2020



A lot of you didn't know that currently I'm in a roller coaster stages of life. I've been battling with many problems, trials, struggles and hardships, from my work, business, family and my spiritual life. Nasa point ako ng life ko na okay kami ng Panginoon, pero hindi kasing init ng dati, nasa part ako ng life ko na palagi ko naman kinakausap ang Panginoon pero alam ko sa sarili ko na kulang ako sa faithfulness and obedience. Kumbaga hindi ako nanlalamig, hindi din sobrang init. Aaminin ko sobrang uncontrollable ng mga situation, ng emotion and ng sarili ko. Okay ngayon then ilang araw hindi na naman, cycle, paulit-ulit, hindi ko alam nasaan ako o anong nangyayari sa akin, hindi ko alam kung pagod ba ako or overwhelmed or meron pang iba. Pero one thing I know is sobra kong nami-miss si Lord, nami-miss ko yung dati, nung una ko Siyang makilala, yung init nung dati, yung joy, yung peace, yung DATI, yung as in DATI nung bago pa lang akong Kristyano, nung panahon na buhay pa ang Nanay ko, nung panahon na nakakalabas pa ako ng malaya at makakapunta sa Simbahan.


Hindi ko maintindihan pero okay naman kami ng Lord, pero sobra ko Siyang nami-miss, siguro dahil na din sa dami ng nangyayari sa paligid ko, yung DATI kong oras para sa Kanya ay ngayon ko-konti na lamang. Alam ko kung may mangyari man sa akin ay hindi sa langit ang punta ko hehehe dahil na din sa mga kalokohan ko lately, hindi na ako nakakahingi ng tawad sa iba ko pang ginawa lately. And ilang araw ko na din realization yung ang mga namatay na mahal natin sa buhay, marami sa kanila ay hindi alam na malapit na silang pumanaw and that moment na-realize ko na ako, anytime pwede akong kunin ng Lord, oo alam ko matagal pa ang buhay ko pero sure ba ako duon? Anytime pag talagang oras ko na, pwede na lang akong pumanaw. Pero ang tanong handa ba ako? Duon ko na-realize at sobrang natauhan na final destination ang langit, wala ng pangalawang pagkakataon, wala ng chance na makakahingi ka pa ng tawad sa lahat ng kasalanan mo. Kapag napunta ka sa impyerno, wala na, duon ka na forever. Isipin natin, dito nga sa lupa na buhay tayo at pwede pa magbago ay nahihirapan na tayo sa mga nangyayari sa buhay natin at gusto natin takasan, paano pa kapag nasa kabilang buhay na tayo at hindi sa langit ang destinasyon natin.


Duon ako nagising sa pagiging unfaithful ko at lalo akong nagising nung gabi ng Sept 5, nakaramdam ako ng cramps sa leeg ko na halos ikasakit ng ulo ko at panga. Sumama bigla ang pakiramdam ko at hindi ako makagalaw, nahihilo, ang bigat ng pakiramdam, hindi ko alam kung uupo o hihiga ako, pakiramdam ko isang maling galaw ay magsusuka din ako. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin, sinubukan kong pumasok sa kwarto ko at nahiga pero para akong nalulunod, hindi ako makahinga, napaka uncomfortable ng feeling, paulit-ulit na higa at tayo ang ginawa ko, kasabay ng pag-iingat na baka umilit yung cramps baka umatake pa yung iba kong sakit. Sumabay pa na antok na antok na ako pero hindi ako makatulog dahil yung buong katawan ko ay punong-puno ng takot, takot na baka pag tulog ko ay hindi na ako magising. Hindi ako takot mamatay ang takot ako ay hindi ko alam saan ako pupunta, dahil na din sa mga unrepented sins ko recently. Takot na takot ako, sobrang takot na nuon ko lang naramdaman. Dahil kung mamamatay man ako'y natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa Tatay ko dahil mag-iisang taon pa lang si Mama na namatay.


Bakit ganito ang naiisip ko? Hindi ko alam, nagsabay siguro yung realization ko before about final destination and yung biglaan nangyari sa akin. Sabayan pa na ilang araw ko na gusto ipagbilin yung Tatay ko sa mga kaibigan ko, na kung sakaling bata pa ako'y kunin na ako ng Lord ay iparamdam nila sa Tatay ko yung pagmamahal na hindi ko na pwede pang iparamdam. At balik tayo sa nangyari sa akin nung sept 5, dahil sa nangyaring yun ay nanalangin ako sa Lord, dahil alam ko talaga nung mga oras na yun pwede na akong kunin ng Panginoon. Nanalangin ako na hindi pa ako handa at bigyan ng pagkakataon na magpagamit muli sa Kanya, maging faithful muli sa Kanya at ayusin lahat ng bagay na inaayos niya para sa akin ngunit sinisira ko. Nanalangin ako na patawarin niya din ako sa lahat-lahat ng kasalanan ko at palayain niya ako sa kung ano man o sino man ang humahawak ng buhay ko at Siya ang humawak dito ngayon. After that sinabi ko sa Panginoon na ito ang second life ko, hindi dahil 50/50 ako sa ospital kundi dahil sa binuhay niya pa ako at gumising ulit para maging maayos ulit ang buhay ko sa kanya.



At alam kong unti-unti din akong makakabalik sa kanya, malayo man ang tinakbo ko palayo, babalik akong muli. Kahit gaano kahirap, alam ko na kasama ko Siya. Kaya bumalik ulit akong magsulat, bumalik gumawa ng mga storya na Siya ang sentro, bumalik ulit sa Kanya.



Suportahan niyo din ako sa mga ginagawa ko, sana ay mai-share niyo pa ang mga storyang sinusulat ko at itong mga account ko.


https://www.wattpad.com/user/aybisidiihttps://www.facebook.com/aybisidii.fb


https://www.youtube.com/channel/UCcUuEWVHt7jO_Bs0PJj7SQAhttps://www.wattpad.com/story/174115275-boring-life-of-happy-joy-on-goinghttps://www.wattpad.com/story/145984737-jan-yuni-short-storyhttps://www.wattpad.com/story/219874459-not-the-girl-on-goinghttps://www.wattpad.com/story/121397462-13-4-love-completedhttps://www.wattpad.com/story/81119288-love-is-not-over-completedhttps://www.wattpad.com/story/121506010-one-shot-compilation-by-aybisidiihttps://www.wattpad.com/story/176669937-purpose




And lastly, may we remind ourselves that our final destination is in Heaven, yes, we can invest legacy here on earth but let's also invest treasures in heaven as well. Treasure in heaven matters, surrender, repent and go back to Him.

May you find you way back home. And for those of you who's also struggling with their relationship with Jesus and need someone you could talk to, don't hesitate to send me a message, may it be through my facebook page or here in my wattpad account. Thank you so much and God bless!

PURPOSE (Book 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon