KATULAD NG ISANG BATA

443 6 1
                                    

WRITTEN: 04.10.2018

DEVOTION:

"Wow!! Ang laki! Ngayon lang ako nakakita niyan!" Habang nakatingin ang 6 years old ko na pamangkin sa isang crane na nadaanan namin pauwing probinsya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow!! Ang laki! Ngayon lang ako nakakita niyan!" Habang nakatingin ang 6 years old ko na pamangkin sa isang crane na nadaanan namin pauwing probinsya.

Mixed Emotion. Natatawa ako sa kanya na may halong yabang, syempre sa tagal kong nabubuhay dito sa mundo imposibleng 'di pa ako nakakita ng crane. Buong biyahe namin pauwing probinsya puro 'wow' ang pamangkin ko sa bawat bagay o hayop na makita niya. Hanggang sa bigla ko nalang naisip na, kaya talagang gustong-gusto ni Jesus ang mga bata, napaka-pure at innocent ng heart nila.

Simpleng mga bagay pero nakukuha nilang ma-appreciate, tuwang-tuwa sila kahit na sa atin na mga malalaki ay common na. Then, na-realize ko na, ganoon din ang heart na dapat meron tayo, full of joy, appreciative and thankful. Madalas dahil sa nangyayari sa buhay natin hindi na napapansin yung small things na pinapakita ng Lord sa life natin. Masyado tayong naka-focus sa problems and hindi na natin nakikita yung ginagawa ni Lord sa atin sitwasyon.

Children appreciates everything with joy and gladness. Yes, hindi sila mahirap i-please. Maraming bata ang kahit simpleng bagay lang masaya na, hipan mo lang yung pisnge ng baby tuwang-tuwa na siya. Bigyan mo ng piso ang bata masaya na, my point here is matuto tayong mag-appreciate ng bawat bagay, mapamaliit man ito o malaki, matuto tayong makita yung mundo sa kung paano ito nakikita ng Panginoon. Matuto tayong tignan ang sarili natin at problema natin the way God sees it & don't take things for granted, pag-gising mo sa umaga 'wag agad yung problema yung i-appreciate mo, si Lord muna then yung Family mo, yung kama mo. Maraming tao nananalangin para sa mga bagay na meron ka ngayon, wag mong sayangin yung buhay na binigay ng Lord sayo and yung chance na binigay ni God para i-appreciate mo yung bawat bagay at hindi ito i-take for granted lang. Maging thankful sa meron ka at pahalagahan ito, 'wag mong gawin kung kelan huli na ang lahat bago mo mai-appreciate yung tao o bagay na meron ka.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon