DEAR GOD

415 4 7
                                    

Original date: February 15, 2019
Edited: April 18, 2020

Dear God,

Bata pa lang ako gusto ko na makaranas ng mala-fairy tale na lovelife, hindi ba nga Lord, makailang beses akong sumubok mag boyfriend dahil hindi ako makahintay sa tamang panahon? Pero dumating ako sa time na isinuko ko na ang lahat Sa'yo pero may mga oras pa rin na nagtatanong ako kung talaga bang meron kang inilaan para sa akin. Talaga bang may dadating? Talaga bang may hinihintay ako? At may naghihintay para sa akin? Kung magiging mala-Yeng Constantino, o kaya Toni Gonzaga, o kaya Moira-Joshua yung lovelife ko? Kasi Lord, simple lang naman talaga ang gusto ko, yung makakilala ko yung someone na gusto mo talaga para sa akin. Yung storya na orchastred mo at hindi ko kinamay yung storya ng buhay ko, yung buhay pag-ibig ko. Kaya Lord andito ako para manalangin Sa'yo.

Panginoon, una sa lahat yung man of God, yung may takot Sa'yo, yung kaya akong ipagpalit para Sa'yo, yung mas mahal Ka kesa sa akin. Pangalawa, yung nagse-serve din Sa'yo, yung may ministry, yung trabaho niya pwedeng makahelp sa ministry namin in the future, I pray for a guy na mahal din ang ministry na meron ako at pareho kami ng ministry, hindi kami mag-aaway pagdating sa ministry na yun dahil pareho namin itong mahal. I pray for a guy na may malaki din puso pagdating sa pagtulong sa ibang tao, hindi magaatubiling magbigay at tumulong kung anong pwede namin itulong at meron kami at buksan ang bahay namin kung kinakailangan.

Yung mahilig din po sa bata at hindi mahihiya na magturo at makipaglaro sa mga bata, yung masasabi ko na siya na talaga dahil nakikita kong magiging mabuti siyang Tatay sa kambal or triplets hahaha! Lord, personal ko po itong prayer, negotiable naman ito pero gusto ko sana Doctor para yung trabaho niya ay pwede sa ministry at malaki siyang help sa Church kapag may missions. I pray for a guy na matalino mag-isip at magsalita na pagdating sa pagpapalaki ng anak ay pwede namin i-share sa ibang tao, pati sa pagbuo ng pamilya din.

And Lord I pray na yung lalaki na kaya akong i-offend, just to correct and rebuke me. Dahil alam ko ginagawa niya lang yun para sa ikakabuti ko, para sa ikakaayos ng character ko. Yung lovestory, Panginoon, na hindi ako takot na i-kwento sa ibang tao dahil ikaw ang gumawa nito. Yung orchastred mo, Panginoon. Storya na hindi ko kinamay pero ikaw ang gumalaw, storya na magugulat na lang ako/kami sa kung paano mo i-uunfold yung magic ng ginawa mo. Lord, palagi mo din ingatan ang puso ng taong nilaan mo sa akin, parehas mo kaming ihanda at baguhin ang puso namin para kapag handa Mo na pagtagpuin ang path namin dalawa ay hindi na kami mahihirapan dahil pareho na kaming ayos dalawa. Someone na masarap kasama at hindi mabo-boring ako at ang magiging anak namin.

Yung tanggap at mahal ako hindi lang si present at future na ako kundi pati si past na ako, yung patuloy na naggrow Sa'yo, Lord. Panginoon ingatan Mo po siya, ipreserve Mo ang puso at purity Panginoon. Yes pati pala responsible din and committed sa Lord. Man enough and matured enough pagdating sa relationship and sa paghandle sa akin. And please, Lord, marunong makisama, hindi ako maboboring and listener po kahit sobrang drama ko at minsan non sense na hahaha at hindi magsasawa na pakinggan ako. Prayer warrior din and ilalaban at ibababad ako sa prayer.

I pray for someone na makikita ko ang heart Niyo sa kanya, yung hindi dahil sa itsura nya kundi dahil sa puso na meron siya pagdating Sa'yo, Lord. Someone na mahal din yung ginagawa ko para Sa'yo, yung ministry ko, suportado ako. Someone na hindi lang matatapos ang pag pursue sa akin kapag kasal na kundi magpapatuloy ito Panginoon hanggang sa kami'y tumanda na. At higit sa lahat mahal din yung magulang ko, may respeto at pag-galang sa kanila, at marunong umintindi. Yung matured mag-isip at kilala ako, gentleman din po Panginoon at romantic pero Lord hindi naman yung O.A na haha! Isa pa hindi din po madamot Panginoon kundi giver, and kayang intindihin yung pagiging masungit ko lalo na kapag tinotopak ako dahil sa pabago bago ng mood. And hindi ako mamahalin at magugustuhan dahil lang sa itsura ko kundi dahil sa puso ko, yung dahil Ikaw ang nagturo sa kanya na ako yung babaeng nilaan Mo para sa kanya.

Pero bago Mo po siya baguhin ay ako muna ang baguhin Mo ayon sa mga dalangin ko. Gawin Mo akong karapatdapat sa kanya, at bawat panalangin niya ay maging ako. Ikaw na po ang bahala Panginoon. Balutiin Mo po ng Iyong banal na dugo kaming dalawa at ang aking panalangin. In Jesus' name, I pray. Amen.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now