DISCONNECT YOURSELF FROM THE WORLD

555 9 2
                                    


DATE: July 5, 2017

DISCONNECT YOURSELF FROM THE WORLD

DEVOTION


Acts 17:27

God did this so that they would seek him and perhaps reach out for him and find him, though he is not far from any one of us.


Dumating ka na ba sa time na puro problema tapos wala ka nang naiintindihan? Ang daming pumapasok sa utak at isip mo at hindi mo na marinig ang Panginoon? Hanggang sa unti-unti nang nawawala yung alab na meron sa puso mo para sa Panginoon at pakiramdam mo napakalayo na ng Panginoon sa'yo?

Lahat nang nararanasan mo naranasan ko rin. Dumating pa ako sa time na dahil sa mga 'yan lalo akong napalayo sa Panginoon, mas lalong dinagdagan yung problemang meron ako. Pero may ilang bagay na binigay sa akin ang Panginoon nung panahon na tanging iyak na lang ang naidalangin ko sa Kanya.


1. PRAY

- I'll be honest hindi sa lahat ng oras nakakapagdasal ako at ito ang gustong-gustong pinipigilan ng enemy sa atin. Ang magdasal. Dahil kapag nagdadasal tayo kumokonek tayo sa Panginoon, dahil kapag nagdadasal tayo nakikipag-usap tayo sa Panginoon. Nagkakaroon ng changes sa atin at sa sitwasyon natin. Napansin niyo ba na kapag nagdadasal tayo, lahat ng bagay ay nag fall into its perfect position? Kapag nagdadasal tayo o sinisimulan natin ang araw natin sa panalangin ay may kakaibang lakas tayo? May kakaibang panlaban kumbaga para tayong may bitamina para sa isang buong araw? Ganon kapag nananalangin tayo, iba natin paano tignan bawat bagay, mas madali na sa atin magbasa ng bible kapag tayo ay babad sa panalangin. Mas madaling gawin ang iba pang pinagagawa ng Lord kapag tayo ay babad sa presensya Niya, kaya din kasi tayo minsan nawawala sa linya ng puso ng Panginoon ay dahil na rin sa unang tayong nanlalamig sa panalangin.


2. FASTING

- Kaya din hindi natin maintindihan si God ay dahil connected tayo sa mundo. Wala tayong naririnig kundi ang sigaw ng mundo. Kapag nararamdaman ko na masyado na akong naka-connect sa mundo, dumi-disconnect ako or nag fa-fasting. Minsan hindi lang naman ito tungkol sa pagkain pero sa mga bagay na kumukuha ng atensyon mo sa Panginoon. Mas maririnig mo ng maayos ang Panginoon kapag nagbigay ka pagkakataon na marinig Siya. Kapag inalis mo yung focus mo sa ibang bagay at sa Kanya ka lang nag focus. Maraming ways para makapag fasting, again, hindi lang ito about food. Pwedeng facebook fasting, no phone fasting, depende iyan sa dealing Niyo ng Panginoon.


3. WORSHIP

- Kapag nagwo-worship tayo lumalapit tayo sa Lord, nasa loob tayo ng presensya N'ya at lahat ng bigat na meron tayo unti-unting gagaan. Kapag nag wo-worship tayo nawawala ang atensyon natin sa bagay sa paligid natin, o sa problema na meron tayo, nakakapag pahinga tayo at kumo-konek tayo sa Panginoon.


4. PRAISE

- Hindi mo pa man nakikita yung resulta ng pag-surrender mo sa Lord, problema man 'yan o pagsubok, praise Him na. Kumbaga wala pa man yung resulta nagpapasalamat ka na, dahil alam mo at kilala mo ang Panginoon, at alam mo ang kaya Niyang gawin sa buhay mo at problema mo at sa sitwasyon mo. Hindi naman kasi pwedeng nagpupuri ka sa Lord pero ang utak mo nasa mundo pa din, kapag tayo ay nagpupuri ang buong atensyon natin ay nasa Panginoon, sa kagalingan at kabutihan Niya sa buhay natin.


Disconnect yourself from the world and connect yourself to God. Lahat ng nararanasan mo allowed by God iyan, not just for you to learn, not just for you to grow, not just because God knows you can pass the test, not just because God knows you can, He allowed it because He wants you to seek Him, to find Him, to connect yourself again to Him. Masyado na tayong connected sa mundo kaya nagpapatong patong na ang problema na meron tayo. Nawawala ang fire, passion at focus dahil hindi mo na sini-seek si God, disconnected ka na sa Kanya, connected ka na sa mundo. Wag natin hayaan na sa mundo tayo naka connect, tandaan ang mundo ay playground ng enemy, ibig sabihin mahihirapan ka talaga pag duon ka naka-connect. Hindi tayo para sa mundo kundi para tayo sa Panginoon, laban kahit mahirap, connect lang ng connect kahit ilang beses pang ma-disconnect!

PURPOSE (Book 1 - Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum