WHAT THE ENEMY WANTS (THIS PANDEMIC)

68 0 0
                                    

03.15.2021

WHAT THE ENEMY WANTS (THIS PANDEMIC)

Yesterday night, I was listening to Lifegiver's Online Preaching (Replay at 7:00 p.m. via Youtube) and as I've said in my previous post, I just attended Lifegiver this 2021, technically a newbie/ a new member of the Church.

To be honest, nahihirapan ako kumonek. I need to adjust lalo ngayon na pandemic, mas mahirap mag build ng relationship, mahirap makakilala ng mga ka same mo na faith.

And then I realized na, ito yung pinaka ginawa ni Covid-19 sa atin mga Christians ngayon na new normal, ito ang ginawa sa atin ng enemy, Christians.

Based sa akin itong observation and personal experiences.

1. Isolate - Dahil nga hindi tayo makalabas at more, more, more lang sa bahay ay may tendencies na hindi na tayo makisalamuha, para bang dahil sa sitwasyon natin naging more on 'me' tayo. Inisolate ang sarili sa mundo at sa mga tao, ayaw natin makipag-usap, puro sarili natin ang pinakinggan lalo na ang lies ng enemy.

2. Not able to connect - Hindi dahil hindi makaconnect or walang makakausap pero nasa moment tayo na ang hirap kumonek sa ibang tao dahil busy tayo sa bagay-bagay sa life natin na ayaw natin paistorbo. Tambak ang problema sa trabaho, pamilya at sa sarili na hirap tayo magkaroon ng social life lalo na at lahat online.

3. Weaken the relationship and the strength of Christians - Mas malakas tayo kapag nakakahugot tayo ng lakas galing sa testimonya ng ibang tao, kapag nakakapag share tayo ng struggle natin, kapag may nakakaintindi at nakikinig sa atin. Pero dahil sa pandemic, naputol yun. Dito tayo nanghina dahil puro sarili natin ang naririnig natin, dito tayo nahirapan sa atin pananampalataya lalo na at mag-isa tayo, walang 'tap' sa balikat ng mga kapwa natin Kristyano.

Sobra ko kayong naiintindihan dahil pinagdaanan at pinagdadaanan ko din ito. Tested ang pagiging Kristyano at anak ng Diyos, ginamit ng kalaban ang pandemya para panghinain ang mga Kristyano, dito tayo sinubok ng todo. Sa panahon na Diyos na lamang ang makakausap, masasandalan at matatawag mo. Hindi naman tayo iniwan ng mga taong nuon ay kasama natin sa laban, sadyang ngayon pare-parehas tayong sugatan at pilit lumalaban. Dito natin mas matututunan, kung anong klaseng Diyos ang ating pinaniniwalaan.

Sa panahon na bibliya, salita Niya, panalangin at pananampalataya lamang ang tanging sandalan natin, dito tayo tinuruan. Oo, kailangan natin ang mga kapatiran natin pero hindi tayo nag-iisa, andyan pa din ang Diyos. Pero, mas maganda kung hindi natin puputulin ang komunikasyon at patuloy tayong lumaban ng sama-sama. Kailangan natin ang Diyos pero kailangan din natin kumonketa sa mga taong gagamitin Niya para palakasin at patatagin tayo sa panahon ng pandemya. Huwag sana tayong, mawalan ng pag-asa, huwag piliin lumaban ng mag-isa, dahil sa panahon na mag-isa, duon tayo aatakihin at pababagsakin.

Kumonekta tayo sa source natin at sa mga taong ginagamit ng Diyos para maging source din natin ng lakas at tibay.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now