WRITTEN: 10.23.2011
POEM:
I.
Tinanggap mo ako, Diyos
Nang walang alinlangan
Binago kahit hindi maganda ang nakaraan
Nagmukha man kahiya-hiya
Sa harap ng karamihan
Hindi mo ako kelanman iniwan
II.
Patapon man akong ituring ng iba
Basurang napakahalaga ko naman sa Iyo, Ama.
Kung ang buhay ko'y dating walang kwenta
Pagmamahal mo ang Siyang nagpakita
Direksyon sa aking mga mata
III.
Pupurihin ka
Sasambahin ka
Itataas pangalan Mo, Diyos na aking Ama
Salamat, Ama!
Salamat, Ama!
IV.
Ikaw pa rin ang siyang nagbigay
Kulay sa aking buhay
Mga mata ko'y iyong minulat
At pinakita na hindi pa huli ang lahat
Ako'y binago mo ng tuluyan
At binigyan ng pangalan
Tuna'y na ako'y basurang napakahalaga
Sa Iyo, aking Ama
YOU ARE READING
PURPOSE (Book 1 - Completed)
SpiritualCompilation of My Preaching, Devotion, Manuscript and Poem. And my online journal and prayer request to God.