PINATATATAG SA TRABAHO

63 3 0
                                    

June 13, 2020

Nasa sitwasyon ako na wala akong choice kundi harapin, nabuhay ako na palaging sumusuko kapag nahihirapan o pag ayoko na. Hindi ako naturuan ni Mama na lumaban o magtiis at harapin ang challenges, kasi nga ayoko nun. Kapag ayoko na ng isang bagay, tumatakbo ako o sumusuko kasi meron sasalo sakin which is si Mama. Pero hindi na ganon ang panahon ngayon, wala akong choice kundi magpatuloy dahil wala kaming kakainin kapag nag resign ako, yung responsibilidad ko sa Tatay ko kailangan kong tayuan.

Kaya alam ko na lahat ng nangyayari ngayon, plinano ng Lord sa mga oras na to. Yung covid, yung wala akong sideline, yung isang kahig isang tuka kami, yung trials sa office lahat yun nakita niya. Alam niya na kung meron akong sideline ay magreresign ako, alam ng Lord na kung hindi covid at madali maghanap ng trabaho ay magreresign ako. Alam ng Lord na kung di kami magugutom at may aasahan kami bukod sa sahod ko ay magreresign ako dahil lang nappressure ako sa boss ko at sa work ko. Kaya din hindi nya pinalipat sila Kuya ay alam nyang dedepende na naman ako sa kanila at magreresign ako.

Tatakbo ako at susuko at di haharapin ang hirap at rejection, aayaw ako at hindi matututo. Dahil ang magiging rason ko ay basta makatakas lang sa konting trials, dahil ayoko talaga ng pagsubok. Ayoko na napapahiya ako, ayoko na narereject, ayokong nagkakamali, dahil nga may pagka perfectionist din. Ayoko na kapag di na ako masaya ay magpapatuloy pa ako. Pero hindi na ganon, ngayon narealize ko na tinuturuan ako ng Lord na dumepende sa kanya sa lahat. Kahit pa tungkol sa trabaho ko na hindi ko naman course.

Gusto nya ipakita sa akin kung sino sya bilang Tatay at Diyos ko, gusto nya din matuto ako na harapin ng buong tibay lahat ng pagsubok at wag matakot mapahiya paulit ulit, at wag matakot. Gusto nyang may matutunan ako at hindi yung aalis ako na wala na naman akong natutunan. Gusto nyang mag grow ako hindi lang spiritual pero emotionally at mentally. Hindi nya ako pababayaan at iiwan, kasa-kasama ko siya sa laban. At kita niya bawat iyak at lungkot at pusong basag. Magiging maayos na din ang lahat.

Hindi ko pa din susukuan na mag dswd o kahit anong tungkol sa tao, duon pa din ako magttrabaho. Duon pa din ang gusto ko, pero sa ngayon dito muna ako hanggang sa matuto ako. Hindi lang pagdating sa auditing pero pagdating sa hamon ng buhay at kung paano harapin lahat ng pagsubok at paano maging mapagkumbaba, at tumatag ang puso kahit paulit ulit nakakarinig ng masasakit na salita na makakapag pababa ng meron ka bilang tao.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now