LOVE AND PURITY FEST 2021

73 3 9
                                    

LOVE AND PURITY FEST VIRTUAL CONFERENCE 2021

DATE: February 25, 2021

Edited: February 26, 2021 (Sorry, sobrang hilo na ako kagabi kaya hindi ko as in nasulat lahat and hindi ko nailagay mga iba ko pang gusto i-share, 4am kasi gising ko today kaya hehehe bangag na bangag ako kagabi. May hangover pa sa LPF hihi!)

(I THINK LONG POST ITO HAHA! So read at your own risk.)

BEFORE  LPF 2021

DANIEL'S FAST -

February 18 & 25, 2021 - I attended these two virtual conference, not expecting anything. To be honest what I really expected was to get blessed and hear more of God's word for me, well I got what I expected but.. BUT beyond that God also gave me something more than that. Pero bago ang lahat, naka Daniel's Fast na ako nung February 16, dahil may pinapanalangin ako sa Lord, about sa personal na bagay, and natutunan ko lately dahil nga ito yung life verse ko ulit, yung Matthew 6:33 na bago ko nga naman ikwento sa iba or iask yung iba na ipagpray ako ay bakit hindi muna kami ni Lord yung mag usap about sa desire ko and prayer ko and kapag na-consult, nababad, naipag fast ko na tsaka ko siya ikwento sa iba. And nung nagplan nga ako ay ito ang binigay ng Lord na sagot Psalm 40:1-2 I waited patiently for the LORD; he turned to me and heard my cry. He lifted me out of the slimy pit, out of the mud and mire; he set my feet on a rock and gave me a firm place to stand.



LOVE AND PURITY FEST - 

Paulit-ulit akong binasag ng Lord, just like last year. Isusulat ko din dito yung learnings ko all through out this week kung paano ako inaayos ng Lord, hindi ko maalala paano ako unang kinatagpo ng Lord pero ang natatandaan ko is nanuod ako ng preaching, dahil usually tuesday talaga ako nanunuod ng preaching ng lifegiver bali replay nalang duon ako unang niyakap ng Lord. Duon unang pinabalik. Ramdam ko bawat message Niya sa akin, nung una tamang kinig lang ng preaching and tamang aray lang sa bawat message na tumatama sa akin pero nagulat ako dahil nung last na preaching ni Coach Diane Bustos, duon ako ngumawngaw habang nasa office ako. Dahil nga love month expected na love din ang topic, and expected ko na din na sasabihin yung word na "Will you say yes?" dahil nga ang preaching is about marriage pero little did I know, God was planning something for me.

Something that's sweet and romantic with a little twist of grace and redemption. Dito ako kinatagpo ng Lord ulit, kahit na umo-okay okay na yung relationship ko sa Lord, hindi Niya hinayaan na hindi iparamdam sa akin yung pagmamahal Niya. I know isa ako sa mga taong nagppray na for the two, naghihintay for the two lalo na nung dumating ang feb 14, isa ako sa mga taong hindi nakaiwas magkumpara, kahit na alam ko na kumpleto ako sa Lord and andiyan ang pamilya ko to celebrate it pero ang enemy panira e, inatake niya ako and nagkaroon ng mga small question na bakit ang tagal, bakit wala pa, anong feeling na maka-receive ng flowers, ano experience na may magpropose sa'yo, ano kaya ang experience ng may manligaw and may magkagusto sa'yo tapos ay God's will pa, ano kaya feeling ng ipagpray and i-share sa facebook na ikaw yung answered prayer niya. But then after ko magtanong ay nag shrug off nalang ako ulit and balik reality na. Pero hindi ito pinalampas ng Lord kaya nung sa preaching ni Coach Diane ay duon binuhos ni Lord yung surprise niya sa akin.

Dahil buong akala ko iaask ni Ate Diane ay "will you say yes?" pero nagulat ako nung iask niya na "will you marry me?" and that moment ramdam na ramdam ko na si Jesus yung nagtatanong sa akin. And duon na ako umiyak, duon na ako hindi nakapag pigil na ngumawa sa Lord, duon na binasag ng Lord yung heart ko, duon Niya ipinaramdam sa akin na hindi ko kailangan maramdaman sa ibang tao yung feeling nang may nagpro-propose sa'yo dahil kaya iyon gawin ni Jesus. Jesus asked me! And yung moment na umiiyak ako habang nakatakip yung dalawang kamay ko sa labi ko ay para ba talagang yung moment na inaask yung babae ng boyfriend niya, yung moment na surprise siya, ganoon ganoon yung pakiramdam lalo na sa part na nag 'yes' ako sa Lord, nag yes ako sa proposal ng Lord and mahal ako ng Lord! And that moment I prayed na hindi ko makalimutan yung pinaka moment na yun namin ng Lord na bago man dumating si the two ay na-experience ko na yung dapat ko ma-experience sa kanya and hindi na ako hahanap pa dahil si Jesus lang sapat na.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Where stories live. Discover now