PAG-AMIN

59 2 0
                                    

Panginoon,

Ang dami kong sablay. Pagod na po akong gumawa ng kasalanan na harap-harapan kong ginagawa, ayoko na po umiyak dahil sa parehong kasalanan. Gusto ko na pong magbago, gusto ko na pong ayusin ang buhay ko. Gusto ko na pong maging anak Niyo nang buong buo. Yung isinuko sa Inyo buong buo lahat, yung hindi kalahati kundi lahat. Gusto ko na pong patawarin yung mga taong nakasakit sa akin, mga taong nasaktan ako ng hindi nila namamalayan at mga taong nasaktan bulgaran akong sinaktan. Gusto ko pong mamuhay Ka sa akin at ibigay Sa'yo ang buhay ko. Gusto ko na pong patawarin ang sarili ko sa lahat ng kapalpakan ko at sablay na desisyon ko. Patawarin niyo po ako kasi hindi ako naging mabuting anak sa Inyo, ang tagal ko ng Kristyano pero bumabalik pa din po ako sa kasalanan. Tulungan Niyo po akong magbago, tulungan Niyo pong umayos ang buhay ko, tulungan Niyo po ako na Kayo ang magpatakbo sa buhay ko. Ayoko na pong maging ganito, pagod na ako sa sarili ko, gusto ko na pong tuluyang lumiwanag ang buhay ko at mabuo ang mga nasira. Panginoon, baguhin Mo po ako ayon sa nais Mo. Handa akong sumunod simula ngayon, tulungan Mo lamang po ako. Hindi ko kayang gawin mag-isa, kailangan ko po Kayo, kailangan ko po ang tulong at kamay Niyo sa buhay ko.

Ito po ang aking dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen.

PURPOSE (Book 1 - Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon