Carlo teaches me this things,


One, plant forgiveness instead of dissatisfaction. Masarap sa pakiramdam ang taong walang kinikimkim na galit. Kagaya ng nangyari sa amin noon. Di niya magawang magalit kahit may kasalanan ako..o kami. Sa halip, di niya pinapansin ang galit at tinutuon ang kapatawaran. Nang sa gayon, makaka-alis ka sa bangungot.


Two, hate what is wrong, and love what is good. Marahil nagkakamali tayo, di natin maiwasan na di mainis. Yan ang narinig namin sa sinabi ng pari noong sabay kaming nag-misa ni Carlo. Ang mali pwede pang itama pero ang tiwala, mahirap ng ihanap.


Habang tinutulungan ko sila Paula at Genievieve, bigla namang nag-text si Carlo,


From: Carlo

pupunta ako ng hospital mamaya, sasama ka?


Nag-reply naman ako kaagad,


To: Carlo

yes po


Wala pang ilang minuto, nag-reply na siya.


From: Carlo

I'll pick you up at 6:30 pm, may meeting pa kasi ako..see you! love u!


To: Carlo

enebe carlo nagbublush ako cheeeh luv u tu 


Matapos kong tulungan sila Paula, naipasa na rin nila ito sa head. Malaki tuloy ang pasasalamat nila sa akin. Bilang nakakataas sa posisyon, dapat tinutulungan mo rin pataas ang mga kasamahan mo. Balang araw, ikaw rin ang tutulungan nila kapag pakiramdam mo nasa ilalim ka.


6 pm nag text na si Carlo sa akin na nasa may parking na siya at naghihintay. Kaagad na akong nagtungo sa parking lot at nakita ko siyang nakapamulsa habang may hawak na yosi. He even use that now? Di pa naman ako sanay,


"Hello, love!" he greeted me. "Musta ang araw mo?"


"Okay lang.." tinignan ko siya, "Bakit ka nagyo-yosi?"


"Di mo gusto?" pinitik-pitik niya ito saka tinapon, "Okay, I'll going to stop it,"


"Wala naman akong sinabi." napairap ako, "Simula ng naging tayo, di ka naman nagyoyosi, 'eh!"


"Palagi akong nagyoyosi simula ng naging single ako, nagiging anxious at malungkot ako, at ngayon na bumalik ka sa akin, ititigil ko na din ito," itinapon niya sa gilid ang yosi niya.


"Ewan ko sa iyo!" hinawakan ko ang pisngi ko at pansin na nag-blush ito.


"You make me calm, 'eh." dagdag niya pa,


"Kalma ka diyan! Sino ba ako sa iyo?" umusok ang ilong ko.


Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang nagdedemand nanaman ako dahil sa mga ginagawa niya. Sino ba ako, di niya naman ako girlfriend. 

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now