xx7: One Crazy Bonding

40.9K 722 105
                                    

xx7: One Crazy Bonding

[HAZELNUT's PoV]

Spell busog?

M-A-G-A-N-D-A-N-G, space, H-A-Z-E-L!

Oo, maganda ako. At oo ulit, busog ako. BUSOG NA BUSOG NA BUSOG! Ang dami ko kayang nakain na white spag!

Busog na nga ko pero ito ako, kumakain na naman.

Si virus kasi, niluto agad yung popcorn at fries na pinabili ni Andy beybe kanina so ngayon, pinagsasaluhan naming tatlo yun habang nanonood ng TV.

Sa sahig kami nakaupo at nakasandal sa sofa. Si Andy, nasa gitna namin ni virus. Pinapanood namin yung Toy Story 3. Dameng tuwa nga ni Andy eh kasi may tren sa umpisa nun at kapangalan nya pa yung may-ari nung mga laruan. Pero habang tumatagal, di na nya pinapansin yung movie! Nagfocus na lang sya sa pag-kain ng fries! Takaw lang ng bata na toh ba..

Isa pa yang si CJ. Todo kain lang nung caramel popcorn habang enjoy na enjoy sa pinapanood. Maya't maya pa sya tumatawa nang mahina kaya maya't maya rin akong napapatingin sakanya. Eh nakakaano nga kasi yung tawa nya diba? Nakaka..kakainis!

Tapos sinosolo nya lang yung popcorn. Ang damot. Ang takaw. Buti pa si Andy, sinusubuan ako ng fries! Try nya kayang subuan ako ng popcorn noh para mabawasan ang inis ko sakanya!

Err.. HAHAHA! Nahihibang ka na naman, Hazelnut! HAHAHA!

Ikakain ko na lang itong namumuong panibagong kahibangan ko. Sinabayan ko si Andy beybe sa bonggang pag-kain ng fries.

"Hihi.. ANG FAST MO MAG-EAT PO MOMMY HAZEL!" natatawang bati ni Andy. 2 fries per second ba naman ang speed ko sa pag-kain eh!

Natigilan na lang ako nang napatingin sakin si virus. Nakangiti sya!

"May ice cream pa tayo. Gusto nyo ba kainin na rin natin yun?" tanong nya.

"WAAA! ICE CREEEEAM! GUSTO KO NA YUN PO DADDY!"

Lalong ngumiti si virus sa sagot ni Andy tapos nagpunta na syang dining.

Ahuhu~ PAGKAIN NA NAMAAAN~

Ehh ayoko na. Magpa-pass na ko kumain. Nanganganib nang mawala ang perfect figure ko ehh.

Pagbalik ni virus, dala na nya yung 3-in-1 ice cream. May dala rin syang tatlong kutsara..kutsara lang ah walang baso o lalagyan.

"Yan na." sabi ni CJ nang buksan nya yung ice cream. Binigay nya samin ni Andy yung dalawang kutsara.

Tinitigan ko yung kutsara. Eh ano bang gagawin ko dito?

"YEEEEY!" nagsimula nang kumain si Andy beybe nang diretso dun sa lalagyan!

"MMM.." pati si virus! Dun na kumain!

Natulala ako sa dalawang toh. Ang baboy lang nila huh? Walang serving-serving? Walang baso-baso? Sana naman ginamit namin ulit yung bear mugs.

Si CJ bumalik sa panonood habang kumakain. Si Andy todo kain pa rin ng fries at ice cream at ako..tulala lang talaga ko sakanila.

Napakurap na lang ako nang muling tumingin sakin si CJ. Mukha syang nagtataka.

"Bakit di ka kumakain, Hazel?"

"Ah, uhmm.. Busog na ko eh.." nilapag ko yung kutsara sa ibabaw ng center table. Totoo naman eh. Busog na ko at inaalala ko ang sexy kong katawan. Tsaka ayokong kumain nang ganyan noh. Salu-salo.

"Tss.. Baby, subuan mo ng ice cream si Mommy Hazel."

BRRR.. Hanubehh toh?! Nawala nga yung goosebumps ko sa pagtawag nya sakin ng HAZEL pero pumalit naman yung MOMMY HAZEL!

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now