x35: One Crazy Quarrel

34.6K 644 74
                                    

dedic porr -- @rimachungit :) 

- - - - - 

x35: One Crazy Quarrel 




[HAZELNUT's PoV] 


WORK! WORK! WORK! 


Yes. Ako ay nasa work ko ngayon! ^__________^ 


"Hi Miss Marquez! Good afternoon po!" bati ko sa isang babae na kakapasok lang nitong steak house. She's on her mid-30s pero wala pa syang asawa. At isa sya sa mga regular customers namin na nakaclose ko na! 


"Oh, hi Hazel!" nakangiti nya ring bati sakin. "Table for two please?" 


"AYIEEE~ Mukhang may katagpo ngayon si Miss Marquez ahh~" tukso ko sakanya na ikinatawa nya. Yung tawa nya pa, pang-dalagang Filipina ang dating. Ang hinhin! "Anyway, table for two, this way po!" 


Habang nililead ko sya papunta sa isang table na for two, nagchikahan kami. Ganito naman ako lagi sa mga regular customers namin eh! Well except dun sa mga pa-VIP much. 


Yung tungkol lang naman sa 'katagpo' ni Miss Marquez ang napagchikahan namin. Old friend pala nya yun na nagkataon pa na isang LALAKI! Homaygaad. Natukso ko tuloy sya na THIS IS THE MOMENT NA FOR HEEER.


"Ikaw talaga Hazel." tumatawang umiling si Miss Marquez nang paupuin ko na sya. "By the way, how are you and CJ?" 


Natigilan ako sa pagbanggit nya sa pangalan ng virus na yun. Naalala ko kasi yung pinagdadrama ko kagabi. Pero nagawa ko namang ibalik agad ang 100% smile ko! ^__________^ 


"As usual, nagmamahalan pa rin po kami ni CJ! Ay, SIR CJ nga po pala dapat itawag ko sakanya pag nasa work kami. HEHEHEHE" sinenyasan ko na ang isang waitress para lumapit samin. Lumapit naman yun agad-agad. "I'll leave you to her now, Miss Marquez. Babalik na po ako sa pwesto ko." 


"Sure! Thanks Hazel!" 


Tumango na lang ako kay Miss Marquez then tumalikod na ko at naglakad palayo. 


Sa paglalakad ko, mabilis na nawala ang ngiti ko. Tsk. Medyo bitter pa rin kasi ako pag naaalala ko ang FAKE RELATIONSHIP namin ni CJ. 


PERO HINDE! OKAY LANG AKO! KERI KO PA TOH! ANG SARAP-SARAP KAYA MAGING FAKE GIRLFRIEND NI CJ! Hihihi. Like kaninang umaga, tinext ako nun eh at kinamusta ang pakiramdam ko. Medyo kinilig ako dun ah. May 'see you later' pa kasi syang sinabi! 


Napahinto naman ako nung malapit na ko sa entrance. May lalaki kasi akong nakita na nakatalikod at parang may hinahanap sa kabilang side nitong steak house. 


Huminga muna ako nang malalim at ngumiti nang bongga bago ko sya nilapitan.


"Good afternoon sir!" bati ko dun sa lalaki na humarap agad sakin. "May I help you-- SHAIDER?!"


Di ko na napagilang sumigaw at ituro itong lalaki na si SHAIDER aka ALEXIS pala! Yung wafu at playboy na pinsan ni CJ! 

"Hey, Hazel.." sa gulat nya eh natulala sya sakin. Pero with a smile ah! "Ditong branch ka pala naka-assign ah.. So, how are you?" 


"I'm fine thank you! Eh ikaw Shaider kamusta na?!" 


Natawa sya. Ako naman ay napatakip ng bibig! WAAA~ HAZEEEL! NASA WORK KA UYY! SO TALK FORMALLY SA MGA CUSTOMERS BAGO KA PA MAHULI NI MATANDANG DALAGANG SUPERVISOR! 


"I'm fine too, Hazel." natatawang sagot ni Shaider. "Thanks for asking back." 


"Ehhh hehehe Sir? Bakit nga po pala kayo nandito?" maayos at pormal ko nang tanong sakanya. "Are you looking for someone or are you here to dine in?"


"Ah. Uhm.. Dine in?" Luh! Parang di pa sya sure sa sagot nya ah! 


"Dine in! Then let me take you to a table sir! Come with me!" 


Natatawa pa rin syang sumunod sakin nang hanapan ko sya ng table. Eh bakit ba tawa pa rin sya nang tawa?! Adik lang?! 


"Here sir!" hinatak ko yung isang silya sa isang table na for two. Umupo naman agad doon si Shaider. 


"Thanks Hazel." nakangiti nyang sabi. 


"You're welcome sir!" ^O^ 


May waitress na lumapit samin at inabutan sya ng menu. Iiwanan ko na sana sila kaso.. 


"WAIT, HAZEL." pigil sakin ni Shaider. 


Huminto ako at lumingon sakanya. Sinara na nya yung menu at binalik yun kay waitress. 


"One cowboy steak and lemon soda for my drinks, please." order nya kay waitress.


"Got it sir!" sagot ni waitress sabay alis. Dun na binalik ni Shaider ang tingin nya sakin.  


"Hazel, is CJ here?" tanong nya sakin. 


"No sir. Wala po sya dito." sagot ko naman. Pero oo nga noh? Hapon na pero wala pa si CJ dito. Bakit kaya? Dati-rati, lagi kaming magkasunod na pumapasok eh. 


"Oh.. And oo nga pala Hazel.. Sorry ah?" 


Nalilito ko syang tinignan. "Sorry po saan?" 


"Sorry for messing your night with CJ. You know, nung birthday party ni Uncle Greg. I know I made CJ feel uneasy that night." 


Napangiti na ko. "Sows, wala lang yun Shaider! Naging okay rin naman kami agad nung gabing yun!" 


Ngumiti na rin sya. "Glad to hear that.." 


"Ikaw, okay ka lang ba after nun? Bigla ka na lang kasi nawala sa party eh." 

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now