x49: One Crazy News

30.4K 597 43
                                    

x49: One Crazy News

[HAZELNUT's PoV]

Kinaumagahan pagkagising ko, agad akong napangiti. Bakit naman ako hindi mapapangiti? Eh nakatulog na nga ako nang kayakap itong si CJ, tapos nagising din ako nang kayakap pa rin sya! At gising na pala ang virus na toh. Hinihimas nya kasi ang ulo ko at ang sarap lang~

"Hm.." hinigpitan ko ang yakap sakanya.

"Oh?" napatigil si CJ sa paghimas sa ulo ko at niyukuan ako. "Gising ka na?"

Umiling lang ako nang nakapikit pa rin.

Natawa naman sya. "But it's already 9AM. Tara bangon na tayo."

"Mauna ka munang bumangon.." antok kong sagot.

Natawa ulit sya at bumalik sa paghimas sa ulo ko. Tignan mo toh. Ang galing makasabi ng bumangon na kami pero sya mismo, ayaw bumangon! Pero di ko rin naman sya masisisi. Nakakatamad talaga kumilos eh. Sobrang nakakatamad lalo na't ang sarap lang ng yakapan namin ngayon. Sana araw-araw, ganito kami.

*tok tok tok

LUH! Dahil sa kumatok na yun sa pinto nitong kwarto ko, agad-agad akong napalayo kay CJ!

"OH PAPA?!" sigaw ko sa kumatok na alam kong si Papa. Agad din akong napaupo at ayos ng buhok. "G-GISING NA PO KAMI!"

Umupo na rin si CJ. At pinagtatawanan nya ko! ABA!

"Hazelnut ko?" salita naman ng isang babae na binuksan na yung pinto at sumilip samin. Si Mama pala yun!

"M-MAMA?!" bumangon ako at tumakbo para yakapin sya. Namiss ko kaya tong totoo kong nanay! Kahit na hindi ako lumaki na sya ang kasama ko, naging malapit pa rin naman ako sakanya. At love ko sya kagaya ng pagmamahal ko kay Mama Margie! "Mamaaa! Inaasar po ako ni CJ!"

"Ha?" tumawa si Mama at tinignan si CJ na tumayo na rin mula sa kama. "So ikaw na pala si CJ na manliligaw nitong anak namin ni Marlon.."

"Hm. Ako nga po. Good morning po.." nakangiti pero nahihiyang bati ni CJ kay Mama.

"Good morning din sayo, hijo.. Ah, nakapaghanda na nga pala ako ng almusal kaya maghilamos na kayong dalawa." bumitaw na ng yakap sakin si Mama at hinawakan na lang ang isang pisngi ko. "Dali at gusto ko kayong makakwentuhan bago pa kayo umalis pabalik ng Maynila."

Ay! Oo nga pala! Maya-maya, aalis na rin pala kami ni CJ! Eksaktong tanghali flight namin pabalik ng Manila eh!

"Okay ba?" nakangiting paninigurado samin ni Mama.

"Opow.." nakapout kong sagot.

Nauna nang bumaba si Mama. Sumunod naman kami ni CJ dala ang mga panghilamos namin. At pagkahilamos namin, dumiretso pwesto na kami sa kainan para mag-almusal.

Si Papa, hindi na pala namin makakasabay kumain. Sabi kasi ni Mama, pinaalis na raw nya si Papa para mag-bukas at magbantay sa shop nila. Haish. Ang bossy lang talaga ni Mama kay Papa. Pero alam ko rin naman na hindi pa sila bati kaya sadyang hindi sila nagsasama ngayon. Baka mag-away lang din sila sa harapan namin ni CJ eh pag magkataon. Dati kaya pag binibisita ko sila, ganun sila madalas! Minsan naman, sobrang sweet nila sa isa't isa. Pero mas madalas talaga yung magka-away!

Habang kumakain, talagang nakipagkwentuhan si Mama samin. Halos parehas lang din ang mga tanong nya sa mga tanong ni Papa kay CJ kagabi. Yun bang kung paano kami nagkakilala, kung anong work nya, kamusta pamilya nya, blahblahblah. 'Lighter' nga lang ang dating ng pagtatanong ni Mama. Di tulad ni Papa na kung magtanong eh parang pasimpleng naninindak.

Sa gitna ng kainan at kwentuhan namin, biglang tumunog ang cellphone ni CJ. Nang icheck nya kung sino ang tumatawag sakanya, napansin kong nawala ang ngiti nya.

XNUT (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon