x51: One Crazy Resolve

30K 662 42
                                    

x51: One Crazy Resolve

[HAZELNUT's PoV]

Kinabukasan sa work ko, maganda ang mood ko. Kung makangiti ako, todo 100%. Kung magsalita ako, cheerful-as-usual. Kung kumilos ako, parang wala lang akong problema.

Yun eh, 'PARANG WALA' lang naman. Meron talaga akong problema, alam nyo yan. Pero hindi ko na yun gustong problemahin pa! Malakas ang pakiramdam ko eh, na maaayos rin ang problema kong yun mamaya-- mamaya pag makaharap ko na si CJ.

Speaking of CJ, kaninang umaga lang kami ulit nakapagtext-text mula nang maihatid nya ko kahapon. Pero yung palitan namin ng text, hindi na yun gaya ng dati na..uhm..puro kalandian.

Seryoso at saglit lang ang pagtetext namin kanina. Una, nag-good morning sya at kinamusta ako. Syempre, nag-good morning din ako at sinagot ang pangangamusta nya. Sinabi ko na okay na ko ngayon. 'That's good' naman ang sinagot nya, with matching 'See you later.'

'See you later' daw.. Naexcite ako na makita sya nang sabihin nya yun.

PERO, hindi naman sya nagpakita sa branch namin sa buong shift ko. At dun na ako nakaramdam ulit ng lungkot.

Sa buong shift ko, wala akong CJ na nakita.. Patikim ba sakin toh sa nalalapit namin na paglalayo?

Isang araw pa lang na wala sya, isang araw ko pa lang syang hindi nakikita pero nakaramdam na ko ng pagkalungkot. Paano pa kaya pag araw-araw ko na syang hindi nakikita? Paano na kung ang araw-araw na yun ay bumilang na ng linggo? Ng bwan? Ng.. Ng taon?

Bumigat nang sobra ang loob ko sa mga naisip ko. Kinailangan ko tuloy na huminga nang sobra ring lalim, bago ko naisara itong locker ko. Tapos, natulala ako.

Si CJ..

Namimiss ko na sya agad..

"YUHUU! MA'AM HAZEEEL!"

"PST! PST! HAHAHAHA!"

"UMUWI NA TAYO WUI!"

UGH! YUNG TATLONG PUSHER! GINULO NA NAMAN ANG PAG-EEMOTE KO! >___

Pero ah. Laking pasasalamat ko din sa tatlong yan. Dahil din kasi sakanila kaya gumaan ang pakiramdam ko ngayong araw. Kaya nga lang, wala silang alam sa pinagdadaanan namin ngayon ni CJ.

"Oo! Andyan na!" Nakangiti ko silang nilapitan sa may pintuan. Then sabay-sabay na kaming lumabas nitong steak house.

As usual, tsismisan kami habang papalabas. Hanggang sa nauwi ang tsismisan sa pagpupustahan nung tatlo. Tinanong kasi nila ako kung susunduin ba ko ni CJ ngayong gabi. Eh sabi ko, hindi ko alam-- na totoo namang hindi ko alam. So ayun. Nagpustahan silang tatlo kung nasa labas ba si CJ para sunduin ako o wala. Tsktsk. Pagpustahan ba raw ang manager namin.

At pagkalabas namin..

"YEEEY! NANDYAN SI SIR CJ! PANALO AKO! HAHAHAHA!" tumalon-talon si Cyrhel habang tinuturo si CJ na nakasandal sa gilid ng kotse nito at nakangiti samin. "Pano ba yan Gie at Loyda! May eat-all-siomai-I-can ako sa inyo ah! Hahahaha!"

"Ano ba yan! Bakit kasi WALA ang sinagot mo, Gie?! Nadamay tuloy ako sa pagkatalo mo!" Luh! Manisi ba raw si Loyda?!

"Why blame me?! Eh ikaw ang nagpush ng plano na dapat parehas lagi ang sagot natin sa mga pustahan para pag matalo si Cyrhel, sya lang ang matatagang manlibre sating dalawa! Diba?!" depensa naman ni Gie! And huwatta revelation!

"Aha! May ganyan pala kayong plano laban sakin huh?!" nagpamewang si Cyrhel. "Pero di bale! Push nyo pa yan! Nanalo naman ako ngayon eh at ako ang may unlimited siomai ngayong gabi! Hahahaha!" at bigla nya akong binalingan ng tingin. "Oh Hazel! Dun ka na kay Sir CJ, daliii! Aalis na rin kami para mag-siomai! Hihihihi~"

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now