x27: One Crazy Confrontation (part2~)

31K 690 129
                                    

dedication porr -- @143andy :) 

- - - - - 

x27: One Crazy Confrontation (part2~) 




[HAZELNUT's PoV] 


(O o O) 


Nakanganga akong natulala kay tigre-- KAY TIGRE NA NANAY PALA NI CJ! 


AMPOTEEEEK.. Alam nyo ba, nakita ko na sya dati sa FB! Nung nang-istalk ako kay CJ tapos napadpad ako sa graduation pics nya, ayun! Nandun sya! Nandun silang pamilya! 


PERO BAKIT DI KO MAN LANG SYA NAMUKHAAN KAHAPON? 


BAKET, BAKET, BAKEEET? BAKET KO KINALABAN ANG FUTURE MOTHER-IN-LAW KO? TTToTTT 


Huh? WAIT! Anong FUTURE MOTHER-IN-LAW ang pinagsasabi mo dyan, Hazelnut?! >___< 


"Wait, CJ dear." tinaas ni tigre ang isa nyang kamay na para bang pinapahinto nya si CJ sa paglapit sakanya. At yung mataray nyang tingin, sakin pa rin nakatutok. "Look at this.. We meet again.." 


HOLOOO~ Di ako makareact! Di rin ako makakilos! I'M SCARED.. >x< 


Si CJ naman, napatingin sakin with slightly-shocked expression. "Nagkita na kayo ng nanay ko?" 


Huhuhu.. Kahit sakanya, hindi ako makasagot.. Kahit tango, di ko keri.. >n< 


"Oh yes my dear son. Nagkita na kami ng babaeng toh kahapon." mariin nyang sabi nang nakatingin pa rin sakin. "Hmm.. Is she working in our steak house?" 


"She is." sagot ni CJ na mukhang nagtataka. 


"AH, GOODNESS GRACIOUS." maarteng napahilot ng ulo si tigre. Hala sya! 


"Mom?" 


"FIRE HER, CJ." utos pa ni tigre! Hala ako! 


Ay, teka-teka-teka. Ano naman pala sakin kung ipa-fire nya ko? Eh magreresign na nga ako bukas noh! =3=


"WHAT? What the heck are you talking about Mom?" may inis na sa tono ni CJ! Hala sila! 


"I WANT YOU TO FIRE HER. This girl has no manners, don't you know that? ISKANDALOSA SYA. If you only know how she made a scene yesterday JUST BECAUSE OF A MERE BLOUSE na nasa akin na pero gusto nya pa ring agawin. Imagine that, nang dahil lang sa isang damit, nagwala na sya at kung anu-ano pang salita ang binato nya sakin-- SAKIN PA NA ASAWA NG MAY-ARI NG PINAGTATRABAHUAN NYA. Aren't you afraid that she might also freak out here while working? Hihintayin mo pa bang magkagulo dito dahil sakanya bago mo sya paalisin huh?" 


TTT3TTT 


Grabe naman magkwento si mother-in-law-- este, mother-ni-virus! Hindi naman ako gumawa ng eksena kahapon ah! Hindi rin ako ang nang-agaw at kasalanan nya yun kung bakit ko sya nasabihan ng kung anu-anong salita! At malay ko rin bang asawa sya ng may-ari nitong pinagtatrabuhan ko! Kung alam ko lang eh edi sana hindi ko sya pinatulan! Baka nga pinagsilbihan ko pa sya! 


"Mom.." parang pinipilit maging kalmado ni CJ. "I can't fire her just because you told me so.. Kung anuman ang hindi magandang nangyari sainyo kahapon, that has nothing to do with her work. And lastly, I trust her. Well just so you know, Hazel is actually one of the best staffs we ever had." 


*O* 


He trusts me? And I'm one of the best staffs they ever had? ALL SAID BY CJ? 


KYAAAAAAA~ >///< 


Parang nagdadalawang isip na tuloy akong magresign bukas! Hihihi-- ACK! GUMISING KA SA KAHIBANGAN MO, HAZELNUT! >___< 


Ay, si tigre oh! Natameme! HAHAHA! Hindi nya yata kinaya ang pagpahiya sakanya ng anak nya! HAHAHA! Anyare sa sinabi nya kahapon na I'll see how bad it is to mess with a tigress like her? Eh wala naman akong nakita ah? Pft.. HAHAHA! LALALALA~ 


"You.. You called her HAZEL?" mahinang sabi ni tigre. 


"HAZEL is her name, Mom." sagot ni CJ. 


Nagsmirk si tigre. "Kaya pala.. Kaya pala ganyan mo na lang sya ipagtanggol.." 


Tinaasan sya ng isang kilay ni CJ. Habang ako, dalawang kilay ang naitaas. Hanube kasing pinagsasabi ng tigreng toh? 


Si tigre, disappointed na tumingin kay CJ. "So what Shane told me earlier is true huh? That a staff here named HAZEL is your GIRLFRIEND.." 


O_____O 


Parehas napalaki ang mga mata namin ni CJ. Nagkatinginan din kami pero agad kong inalis ang tingin ko sakanya. 


S-Sinabi pala yun ni lintang tuko sakanya?! S-SAKANYA pa?! >___< 


"Shane..told you that?" tunog nagulat at hindi makapaniwala si CJ. 


At dahil sa tanong nyang yun, nagpanic ang kaluluwa ko! 


Dahan-dahaaaan, naglakad ako patagilid hanggang sa makapagtago ako sa likuran nya. 


(/x\) 


Huhuhu.. 


Bakit ba ngayon pa nabunyag ang kalokohan ko? Bakit sa ganitong paraan pa? BAKEEET? Huhuhu. Di ko toh napaghandaan! 


"Yes she did. Di mo ba alam? Nagkita rin sila nyang GIRLFRIEND mo kahapon. Salamat nga sa kadaldalan ng babaeng yan eh, nalaman ni Shane na may nililihim pala kayong relasyon at sa wakas, nalaman ko na rin na may pinalit ka na pala kay Rachellyn." 


*GULP 


A-Ayun. Napalunok na lang ako. Huhu. I'm busted. Alam na ni CJ ang kalokohan ko. >n< 


Di na sumagot si CJ. Galit kaya sya? Di ko makita reaksyon nya eh kasi nasa likuran nga nya ko pero malamang lang na magalit sya. TnT 


"But what really is wrong with you huh, Chris John?" patuloy sa pagdada si tigre. "After mo pumatol sa isang disgrasyada, sa isang staff ka naman natin pumatol ngayon?" 


DISGRASYADA? Si CHELLE ba ang tinutukoy nya? O___O 


A-Aba lang talaga makapang-mata ang tigreng toh! Di ko toh mapapalagpas! Pati nanay ni Andy beybe ko eh minamata nya! 


Mula likuran ni CJ, lumabas na ko at hinarap si tigre! 


"Grabe lang po talaga kayo makapanglait ng tao noh?" umpisa ko. "Ano naman po ba sainyo kung pumatol si CJ sa isang disgrasyada ah? O kahit sa isang staff nyo lang? IS IT REALLY THAT WRONG? Dapat po ba syang humanap at pumatol sa isang PERPEKTONG BABAE na sa tingin nyo ay katulad nyo? Oh wait.. PERPEKTO NGA PO BA KAYO PARA MAGSALITA NANG GANYAN?" 


Natulala sakin tong dalawa. Ayos sila ah, mag-ina nga talaga! Parehas ng reaksyon eh oh! HAHAHA! May namana rin pala tong si virus sa tigre nyang nanay! Pero waley, mas kamukha nya si Dad nya! HAHAH-- 


AMP. Napatakip ako bigla ng bibig. (O x O) 


A-Ano bang pinagsasabi ko kanina? Bakit ko na naman pinatulan ng sagot si mother-in-- ARGH! MOTHER-NI-VIRUS?! 


Stupid Hazel! >___< 


"Uhm..HAHAHAHA!" tumawa ako. "W-Wag nyo na pong pansinin yung tanong ko! HEHEHE! Uhm, ehh, ang gusto ko lang naman pong sabihin eh MAGANDA kayo, MAYAMAN, SOPISTIKADA, PERFECT NA PERFECT! Kaya dapat lang na ganyan din ang patulan ni CJ eh! At wag na po kayo mag-alala! K-Kasi yung sinabi ko po kay Shane na tungkol sa relasyon namin ng anak nyo? Hin--" natigilan ako kasi bigla akong hinatak sa kamay ni CJ at tinago sa likuran nya! 


"IT'S TRUE. What Shane told you is true but what is it to you huh, Mom?" HOLOLO! Anong pinagsasabi ni CJ sa nanay nya?! "I have my own mind to make my own decisions so kung sinuman o anumang tipo ng babae ang minamahal at karelasyon ko ngayon, wala na po kayong pakialam dun. Hazel may be just a staff of ours in your eyes but for me, she's more than that. She's my girlfriend, I love her and you won't be able to do anything about it." 


HUWAAAAT?!! (O//o//O) 


"Lets go, babe." hinatak ako ni CJ palayo sa nanay nya na natameme na lang ulit. 


PERO ANO NA BANG NANGYAYARI SAMIN? HAYM CONFUUUSED!! O////O 




xxxxxx TBC~ 

hanunangabangnangyayareee?! haymkonfyusttu! @o@ 

at sarreh kung short ud lungs itetch at bitin na naman ah! MEHEHEHE.. XDDv 

there. THANKSPORRREADING~ comment/vote! ^O^v

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now