x40: One Crazy Get-away (part3~)

30.5K 570 64
                                    

x40: One Crazy Get-away (part3~)




[HAZELNUT's PoV]


Itong halikan namin ni CJ ngayon, hindi ito katulad ng ginawa namin noon sa birthday party ng tatay nya.. Mas demanding ang halik nya ngayon.. Mas malalim at..parang iba sa pakiramdam? AH BASTA! Kung anumang klaseng halik itong binibigay nya sakin, ganun din ang binabalik ko sakanya!


Parang wala na ring katapusan itong paghahalikan namin. Para kaming uhaw o gutom sa labi ng isa't isa. Ni hindi na nga namin pinapansin itong pwesto namin dito sa sahig sa pagitan ng isang sofa at ng center table. Nasa ibabaw ko pa rin sya habang ako, nakakulong sa magkabilang braso nya at nakahawak sa mga balikat nya.


"Mm.." Luh! Bigla akong napaungol nang maramdaman ko ang isang kamay ni CJ na humawak sa bewang ko-- as in bewang sa loob ng damit ko! Kakaiba ang paghawak nya dun eh! Mainit pero nakakakilabot. Para akong nakukuryente pero masarap sa pakiramdam. At parang nagdedemand pa ang loob ng katawan ko ng higit pa sa ginagawa ni CJ sakin ngayon.


Yung halik naman ni CJ, nawala na sa mga labi ko. Ang kanang side na ng mukha ko ang hinahalikan nya-- pisngi ko, tenga ko, leeg ko-- kasabay ng paggala na ng kamay nya sa katawan ko!


"CJ.." again, napaungol ako. Dapat SHET masasabi ko eh pero ewan ko ba at ungol na naman ang lumabas sa bibig ko. Ganun yata talaga pag ginagawa nyo na TOH ng mahal mo eh noh? 


Nawala na rin ang hawak ko sa mga balikat ni CJ. Naipalupot ko na ang mga braso ko sa leeg nya at halos idiin ko pa ang mukha nya sa leeg ko.


Nakakabaliw naman toh. Para akong nawawala sa katinuan dahil sa sensasyon na nararamdaman ko sa mga ginagawa ni CJ sakin. Hanggang sa bigla na lang syang huminto sa paghalik. Maging yung paggala ng kamay nya sa katawan ko eh inihinto nya. At unti-unti, nararamdaman ko na parang dinadaganan na nya ko. ACK! Di pala 'PARANG'! 'TOTOO' palang dinadaganan na nya ko!


"Ugh, CJ.." binalik ko sa balikat nya ang paghawak ko. "Masarap sanang magkadikit tayo nang ganito pero..uhm..ang bigat mo ehhh.." >//3//<


Hindi umimik si CJ. Nanatili lang syang nakadagan sa katawan ko. Ang mukha nya, nasa leeg ko pa rin at ang kamay naman nya na nasa loob pa rin ng damit ko ay hindi na talaga nya iginalaw pa ulit.


"C-CJ?" marahan kong niyugyog ang mga balikat nya. "Wui?"


Di pa rin sya umimik. Pero medyo nakikiliti ako. Yung hininga nya kasi, tumatama sa leeg ko! Tapos.. HUMILIK SYA! ASDFGHJKL!


"HOY CJ!" napasigaw na ko. "TULOG KA NA?!"


Hindi na naman sya kumibo! AAAH! THIS-CAN'T-BEEE!


Niyugyog ko nang malakas ang mga balikat nya at muling sumigaw! "CJ! GUMISING KAAA! HUBARAN MO NA KO AT DALHIN SA KAMAAA! YUN NA NEXT MONG DAPAT GAWIN DIBA?! WUUUI! TAKTE KA! PAG DI KA GUMISING, HAHALAYIN KITA! SIGE KA!" 


ARGHHH! HUMILIK LANG ULIT SYA!


"CJ!" pilit ko syang tinulak paupo para makabangon na ako. Nang maisandal ko na sya sa paanan ng sofa, nakita ko na ang itsura nya. POTEK! Tulug na tulog sya! PERO HINDI! HINDI DAPAT AKO MABITIN! Kaya naman niyugyog ko ulit nang malakas ang mga balikat nya. "GUMISING KA CJ! WAG MO KO BITINIIIN! WUUUI! LECHUGAS KA NAMAN OH! UGHHH!"


Tumigil na ko sa pagyugyog sakanya. Walang silbi eh! TSK! Inis akong tumayo at inis syang tinignan.


"BWISET KA CJ! ISA KANG PAASA! UGH! I HATE YOU!" sigaw ko ulit with matching duro-duro sakanya. "HMP!"


Tinalikuran ko na sya at pumasok na ko sa kwarto ko. Bwiset, bwiset, BWISEEET! Gusto ko magsisigaw dahil sa inis. Para nya kasi akong pinahiya! AH NAKUUU. Binibigay ko na nga tong sexy kong katawan sakanya tapos..UGHHH! BWISET TALAGA SYA! BAKIT BA KASI GANUN KALAKAS ANG EPEKTO NG ALKOHOL SA VIRUS NA YUN?!


Padabog akong humiga ng kama. Itutulog ko na lang tong inis ko. Pero ang hirap naman matulog! Dumaan ang ilang oras nang nakasimangot pa rin ako at patuloy na nagtatanim ng galit sa utak ko!


Di nga ko makatulog pero inaantok na ko. At yung utak ko, biglang gumulo. Bakit ba kasi ako nagagalit? Dapat nga magpasalamat pa ko na walang nangyari samin kasi mali yun diba? Hindi kami kasal ni CJ. Ni hindi nga talaga KAMI eh. At hindi nya ko mahal. Pero..sinabihan nga nya pala ko ng I love you kanina ah? 


Bumilis ang tibok ng puso ko sa naalala ko. Natutuwa ako eh. PERO WAG KA MATUWA, HAZELNUT! Hindi lahat ng nagsasabi ng 'I love you' ay nagmamahal talaga! May nagsasabi rin nyan para makuha lang ang kailangan at gusto nila! Tulad ni CJ! Lasing sya at frustrated kaya malamang, nasabi nya lang yun kasi gusto nyang may mangyari sainyo, kasi kailangan nya yun bilang isang lalaki!


Di..Diba?


Huminga ako nang malalim. May relief na kong nararamdaman sa hindi pagkatuloy ng muntikang mangyari kanina samin ni CJ. Pero yung isipin ko na kalokohan lang ang pag-'I love you' nya sakin? Masakit yun at sobrang nakakasama ng loob..


Unexpectedly, nakatulog din ako-- nang may sama ng loob. At nang magising ako nung umaga, may sama pa rin ako ng loob. Feeling ko nga, ako naman itong nilalabasan ngayon ng itim na aura. TTT_TTT


Agad kong kinuha at tinignan ang cellphone ko. 8AM pa lang pala at may message galing kay Mama. Nag-good AM lang naman sya. Binati ko rin sya para naman malaman nya na buhay pa ko. Tapos naghilamos na ko at nagpuntang sala. Nandun pa rin si CJ, mahimbing na natutulog at nakadapa na sa sofa.


Natulala ako sakanya. Maalala pa kaya nya ang nangyari kagabi?


Tsk. Sa pag-alala ko naman sa mga nangyari kagabi, parang gusto ko tuloy kunin yung bote ng alak na nasa center table at ipukpok yun sa ulo ni CJ. Kainis talaga kasi eh. TTToTTT


Pero dahil mahal ko sya, di ko yun gagawin.. TSK.


Nagpalit na lang ako ng damit sa kwarto ko at lumabas nitong bahay na tinutuluyan namin. Nagugutom na ko at trip kong mag-pig out so inikot ko tong resort at naghanap ng makakainan. Buti merong cafe dito. Doon ako tumambay at kumain ng almusal habang nakatulala sa dagat. Ang ganda ng view nung dagat mula dito oh. Pero di ko naman maappreciate.


Patuloy lang ako sa todong pag-kain ng sandwich, pag-inom ng kape at pagtulala sa dagat. Kain-inom-tulala. Kain-inom-tulala. Kain-inom--


"Oh.. Look who's here.." maarteng salita ng kung sinumang babae na biglang lumitaw sa gilid ko.


Walang gana akong tumingala para tignan itong babae at.. isang TIGRE pala tong lumapit sakin.




xxxxxx TBC~

uhm.. hehe.. kadisappoint UD na toh noh? alam na alam ko, hindi ganito ang inexpect nyo na mangyari eh.. XD sensya na lang po sa mga nadisappoint~ hehehe.. ^^v

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now