x42: One Crazy Get-away (part5/5~)

36.9K 677 86
                                    

x42: One Crazy Get-away (part5/5~)




[HAZELNUT's PoV]


TAHIMIK AT SERYOSO. Yun ang mga salitang the best na magdedescribe samin ni CJ ngayon. Sya, tahimik at seryoso sa pagdadrive. Habang ako, tahimik at seryoso sa pag-eemote.


Haaay.. Kainis lang kasi talaga..


Naiinis na nga ko sa pagbitin ni CJ sakin kagabi tapos bumalik pa yung inis ko sa fake relationship namin. Yung nanay naman kasi nya na tigre, kung anu-ano pa ang pinagsasabi sakin. Kesyo di na raw sya mangingialam sa desisyon ng anak nya at good luck na lang daw sa relasyon namin..tsk. Buti ba sana kung kami talaga ng anak nya. Kaso.. HINDI eh..


UGHHH. KADEPRESS NA AHHH. At pag ganito, gusto kong matulog na lang.


Sinandal ko ang ulo ko sa bintana nitong sasakyan para makatulog ako. Pero ni hindi ko na nagawang ipikit ang mga mata ko nang makita ko ang nilikuan namin ni CJ. Lumiko sya at pumasok sa parking lot ng isang water theme park!


T-TEKA TEKA TEKA! ITO YUNG THEME PARK SA FLYER NA BINABASA KO KANINA AH?!


Hinanap ko yung flyer sa upuan ko. Pero sa sahig ko na yun nakita. Kinuha ko yun at muling binasa.


SEASIDE ADVENTURE-- ito ang pangalan ng theme park na nandito sa flyer at ito rin ang pangalan nitong pinuntahan namin! WAAA! IISA NGA LANG SILA! Hihihi. Kaexcite namaaan~ Pero.. bakit naman pala pumunta dito si CJ?


Tinignan ko si CJ nang maipark na nya itong kotse. Nakangiti sya. Tumingin din sya sakin at nagkatitigan kami. 


"Tara, pasyal muna tayo dyan." nakangiti pa rin nyang yaya.


Napakurap ako. "Pasyal?"


"Oo. Uhm eh, kung papayag ka lang pala.. If not--"


"PAYAG AKO!" napasigaw ako na ikinagulat nya. "May dolphins dyan eh diba?! Yung malaki pero cute na isda na lumalangoy at tumatalon?! Yung katulad nitong nasa flyer?!"


Itinapat ko sa mukha nya yung flyer na may picture ng mga dolphin na lumalangoy at tumatalon. Natawa naman sya nang mahina.


"Yup? They got those dolphins here.." sagot nya. "Even sealions."


"Waaa~ Pati sealions~ Gusto ko sila makita CJ!" *u*


Natawa ulit sya. "Then let's get in there now at baka di na natin maabutan yung mga gusto mo makita. Di ko pa naman alam ang show sched nila."


"Edi dalian na nating pumunta dun!" madali kong tinanggal ang seatbelt ko at naunang bumaba ng kotse. Ganun din ang ginawa ni CJ na nakatodo ngiti.


Dala ang mga bag namin, pumasok na kami sa loob nung theme park. Si CJ ang bumili ng tickets tapos dalawa naming tinignan yung show schedules. Kasalukuyan na palang nagaganap yung sealion show. At yung dolphin show, TAPOS NA! Huhuhu.. TnT


Pero may dolphin encounter pa naman! Yun yung pwede naming lapitan yung mga dolphin sa dagat tapos pwede rin namin silang hawakan at pakainin! Sabi ni CJ, yun na lang ang gagawin namin mamaya. Di naman ako umangal kasi parang exciting din yun! So sa ngayon, dun na muna kami sa sealion show.


Sa isang covered area ginaganap yung sealion show tapos may stage dun kung saan sila nagpeperfom ng mga tricks.


Hindi ganun karami ang audience ngayon. Since hindi naman bakasyon, very considerable na rin tong dami namin. Tsaka kahit ganito lang ang bilang namin, sobrang umiingay pa rin ang paligid dahil sa palakpakan at hiyawan namin sa bawat pabidang ginagawa nung mga sealions! Hihi! Ang kyowt talaga nila lalo na pag gumagapang! Naalala ko tuloy si Andy beybe. Minsan, parang ganyan sya kumilos eh!


Di na kami umupo ni CJ sa panonood. Mas masaya kasi pag nakatayo tsaka busy rin akong kumuha ng pictures! Then nung matapos na yung palabas, may nagsabi na pwede raw lapitan yung mga sealion at magpapicture kasama sila! WEEE!


"CJ!" tawag ko sakanya sabay abot ng cellphone ko. "Kuhanan mo kami nung sealion!" *u*


"Sure." natatawa nyang kinuha ang cellphone ko at nilapitan na namin yung stage. At katuwa lang! Meron agad na sealion ang lumapit samin! Pero di naman as in lapit kasi may bakod na humaharang sa stage.


"Halu Ms. Sealion!" bati ko dun. "Ay, babae ka nga ba o lalaki?"


"Babae po sya, ma'am." natatawang sagot nung lalaking trainer. Kahit si CJ, rinig kong natatawa sa likuran ko. Eh ano bang nakakatawa ah? ToT


"Hazel. Kuhanan ko na kayo ng picture." sabi ni CJ.


"AH OO! Dali, daliii! Hihi." agad akong nagpose sa tabi ng sealion at nag-PEAAACE SIGN! ^u^v


"One more." sabi ulit ni CJ tapos nilabas nya ang cellphone nya. So dalawa na ang gamit nya pangkuha ng picture. "One.. Two.."


Tinigil ko na ang pag-peace sign ko at ngumiti na lang ako nang bongga! ^___^


"Three." huling bilang ni CJ at ayun. Nakuhanan na nya ko.


Nilapitan ko sya. "Ikaw naman CJ! Kuhanan din kita kasama si Ms. Sealion!"


"Ah, no. Ayoko." nakangiti nyang tanggi sabay balik sakin ng cellphone ko. "Tara na lang dun sa may dagat para sa dolphin encounter."


"WAA! SIGE-SIGE! DUN NAMAN TAYO SA MGA DOLPHINS!" pagsang-ayon ko naman sakanya tapos nagmartsa na kami paalis nitong pinagganapan ng sealion show.


Dumiretso kami sa may beach nitong theme park. Pagkalabas namin dun, may tagabantay na nag-abiso samin na magpalit ng damit kasi mababasa raw kami. Eh oo nga naman. Lalapitan namin yung mga dolphin sa mismong dagat kaya malamang lang na mabasa kami. Buti na lang kamo dinala namin ni CJ ang mga bag namin na naglalaman ng mga damit namin kundi, babalik pa kami sa parking lot para lang makapagpalit ng damit.


Nagpunta kami ni CJ sa magkahiwalay na CR na naroon lang din sa beach para magpalit ng damit. Kaso medyo problemado ako. Ano naman ba kasing isusuot ko? Yung red hot two-piece swimsuit ba? HALA! AYOKO NGA! BAKA PATI YUNG MGA TRAINER MAAKIT SAKIN! EH ANG GUSTO KO LANG NAMAN AKITIN EH SI CJ NOH!


Pero wala na kong choice.. Wala na kong ibang pwede masuot eh.. T3T


AY! OO NGA PALA! May katerno nga pala na shorts ang two-piece kong yun! Susuotin ko na lang yun para hindi masyadong daring.


Sinuot ko na nga yung two-piece ko at pati yung maong shorts na katerno nito. Tapos tinignan ko ang sarili ko sa may salamin


AYAAAN. Pwede na diba? Alam ko nakakaakit pa rin ako pero at least, nabawasan yung naeexpose sa sexy kong katawan.


Nagretouch na rin ako nang unti bago lumabas ng CR.


Sa labas, naabutan ko si CJ na nakasandal sa tabi ng pintuan ng CR ng boys at nakatitig sa cellphone nya. Nakapagpalit na rin sya ng damit syempre. Kanina naka-printed white shirt sya at jeans then ngayon, naka-plain black shirt na sya at cargo shorts. Napatitig ako saglit sakanya dahil sa porma nya. Lakas lang ng dating nya eh.


"Torolets CJ!" sigaw ko pagkalapit ko sakanya.


Napaayos naman sya ng tayo sabay tingin sakin. Wala syang naging reaksyon sa suot ko. Walang pagkamangha o pagkaakit o pagkagulat man lang. HMP. Pero ah, nagawa nya kong tignan mula ulo pababa.


"Uhm.. Don't you have any tshirt you can wear over that?" tanong ni CJ sa tono na parang ayaw nya itong suot ko na pang-itaas.


"Wala eh..?" medyo nakaramdam naman ako ng hiya. Feeling ko lang, hindi appropriate tong suot ko sa gagawin namin. Syempre, halos naka-bra lang ako.


"Ito na lang. I got one spare shirt here." may kinuha syang nakatiklop na tshirt mula sa bagpack nya at inabot yun sakin.


Niladlad ko yun pagkakuha ko. Plain white shirt lang toh. At dahil kanya toh, syempre malaki ang size. Pero pwede na toh!


Doon mismo, sinuot ko yung tshirt nya. Malaki nga yun sakin pero ayos na ayos lang talaga! Ang sarap nga sa feeling nito eh, yung magsuot ng damit ni CJ. Feeling ko lang, yakap-yakap nya ko..


"Cute.." sabi bigla ni CJ kaya napatingin na ko ulit sakanya. Nakangiti sya sakin. "C'mon. Balik na tayo dun sa labas."


Tumango lang ako at sabay kaming bumalik sa beach. Doon, kailangan pa pala naming maghintay saglit para sa turn naming lapitan yung mga dolphin.


Tahimik lang kami habang naghihintay sa may silong. Pero yung pagkatahimik namin, di na katulad kanina nung nasa kotse kami. Mga nakangiti kasi kami ngayon at andun yung saya.


Nung turn na namin, pumunta na kami sa may parang 'daungan'. May trainer dun na nag-assist samin sa paglapit namin sa dalawang dolphin na nasa dagat. AT ANG DAMI KO LANG TUWA SA DALAWANG DOLPHIN NA YUN! HIHI! ANG KYOWT-KYOWT NILA SA MALAPITAN!


Magkatabi kami ni CJ na lumuhod dito sa gilid ng 'daungan' para mahawakan sila. Medyo nakakailang sila hawakan kasi madulas ang balat nila pero nakakatuwa pa rin! Mas nakakatuwa pa nung may itinurong command samin yung trainer. Sinubukan ko namang gawin ang command na yun sa isang dolphin-- nagsabi ako ng 'SPIN' kasabay ng pag-hand gesture ko paiikot at ayun! Nagspin nga yung dolphin! HAHAHA! VERY VERY GOOOD! Dahil sumunod sya sakin, binigyan ko sya ng reward na pagkaing isda! ^O^


Masunurin ang mga dolphin na toh. Pero minsan, mga pasaway rin sila! Sa likot nila eh natatalsikan na kami ng tubig! Maya't maya ko tuloy pinupunasan ang mukha ko, tulad ngayon! >___<


Uh eh, di lang pala ako ang nagpunas sa mukha ko. Bigla na lang kasing tumulong si CJ. Gamit ang isang kamay nya, nakangiti nyang pinunasan ang basa sa bandang noo ko. Sa ginawa nyang yun, naestatwa ako. O///O


"Sir, Ma'am!" tawag bigla nung trainer! UGHHH! Panira ng moment! "Malapit na po matapos time nyo! Hindi po ba kayo kukuha ng litrato?!"


OO NGA PALA! NAKU! Salamat pinaalala nya!


Nilabas ko ang cellphone ko at muling inutusan si CJ para kuhanan ako ng picture kasama ang mga dolphin. Sya rin, kinuhanan ko. At meron ding kuha na magkasama kaming dalawa. HIHI~ Salamat talaga sa trainer na yun na syang nag-alok na kuhanan kami ng picture ni CJ nang magkasama.


Masayang natapos ang dolphin encounter namin. Nagpalit na kami ulit ng mga suot after nun tapos nagyaya si CJ na kumain ng late lunch.


Pero sa daan namin papuntang food court nitong theme park, may babae ang biglang humarang samin.


"Hey CJ!" masayang tawag nitong babae na naka-corporate attire at mukhang kaedaran namin. Para rin syang may lahing Chinese. Medyo singkit eh at.. at aaminin ko.. Maganda sya.. =___=


"Jana?" sabi naman ni CJ na natulala na dun sa babae. Hmpf.


"Ako nga! Long time no see huh?!" at nakipagbeso pa yung Jana sakanya! ARGHH!


"Yea, it's been so long." nakatodo ngiti si CJ. Kitang-kita ko ang sobrang pagkatuwa nya sa muling pagkikita nila ng babaeng yan. "Matagal ka na bang nag-istay dito sa Pilipinas? And what are you doing here?"


"Nope. I've been here for just a couple me months. Oh and I'm working here. You know, one of my obligations as the heiress of this family business of ours." kibit-balikat na sagot nung Jana. Tss. Edi sya na ang heiress ng bonggang business na toh! =___=


Natawa naman si CJ. "I see. We're actually doing the same in life. Taking care of our own family businesses."


Natawa rin si Jana sa sinabi ni CJ. Hala sige lang. Magtawanan pa kayo. HA-HA-HA-HA.


"I'm not surprised to hear that. I knew you'd end up taking care of your family business." napatingin bigla sakin si Jana. Parang nagulat pa sya at nahiya. "Woah, sorry! May kasama ka nga pala!"


"Ah, right!" kung maka-react naman si CJ! Wag nya sabihing nalimutan nya rin na may kasama sya?! "Jana, she's Hazel--"


"Hazelnut Guillermo!" putol ni Jana sa sinasabi ni CJ. "I know her! She's your girlfriend, right?"


Aba.. Bukod sa buong pangalan ko, alam nya rin na girlfriend ako ni CJ?


"How did you know that?" pagtataka ni CJ. Mukhang nabilib din sya.


"From my mom. Regular customer kaya ang nanay ko ng steak house nyo and she grew very fond of Hazelnut and of your relationship as well." nakangiting paliwanag ni Jana. In fairness, yung ngiti nya, di parang pang-shiny-hard-plastic tulad ng kay Lintang Tuko.


"Wow.." mukhang bilib pa rin si CJ kay Jana. Tapos tumingin sya sakin. "Hazel, sya naman pala si Jana. She's a childhood friend of mine, back when we were still in US."


"Ah.." pilit akong ngumiti. "Hello.."


"Hi." sagot sakin ni Jana at inalukan ako ng shakehands. Tinanggap ko yun. "Nice meeting you, Hazelnut."


"Ma'am Regalado!" sigaw ng isang lalaking empleyado na biglang sumulpot mula sa kung saan. "Magsisimula na po ang meeting in 5 minutes!"


"Ah, okay! Papunta na ko!" sigaw din ni Jana sabay bitaw sakin. Tapos tinignan nya kami ni CJ with a nanghihinayang-look. "Sorry guys! Gusto ko pa sana kayong makakwentuhan but I'm very busy right now. Maybe next time, okay?"


Nagmamadaling nakipagbeso ulit si Jana kay CJ. Pero pati sakin, nakipagbeso sya!


"Bye guys! And please, enjoy lang kayo dito!" nagwink pa sya bago umalis.


Pagkaalis nya, tumuloy na kami ni CJ sa food court. Nakakainis nga lang kasi hindi na nawala ang ngiti ng virus na toh mula nang magkita sila nung Jana na yun.


"Sobrang saya mo yata sa pagkikita nyo ni Jana ah.." bati ko nang makapwesto na kami sa isang table.


"Of course. After almost ten years, ngayon lang kami ulit nagkita eh and it felt very great. Seeing her brought back happy memories from our childhood."


"Ganun.." yun na lang nasabi ko. Kabwiset eh. Happy memories daw. Anu-ano naman kayang memories yun?


"Order na ko ah, Hazel. What do you want to eat?"


"Kahit ano na lang.." walang-gana kong sagot.


"Hmm.. Okay.." masaya nyang inikot ng tingin ang mga food stalls na nasa paligid. Tapos tumayo na sya't umalis.


Pinanood ko syang kumilos, mula sa paglalakad nya hanggang sa pagpila nya sa isang food stall. Nakatayo na lang sya at nakatalikod pa pero.. PERO BAKIT NAKAKA-IN LOVE PA RIN SYANG TIGNAN?! Nakakagigil sya! Parang ang sarap nya yakapin at kagatin! GRRR!


Oh, bigla syang may kinuha sa bulsa nya. Cellphone nya yun na agad nyang tinapat sa tenga nya. So may tumawag pala sakanya.


Kinausap nya yung tumawag sakanya habang nakapila sya.


Maya-maya, napatingin sya sakin-- WITH A VERY SERIOUS LOOK.


Saglit lang naman nya kong tinignan nang ganun tapos humarap na ulit sya sa pila at binaba na ang cellphone nya.


Nakakapagtaka.. Bakit kaya nya ko tinignan nang ganun?


Pagkabalik ni CJ, may dala na syang tray na may dalawang plato ng kanin at dalawang bowl ng sinigang na sugpo! WAAA! HAYLABIT! Tagal ko na kayang di nakakakain ng sugpo! *O*


Inayos yun ni CJ sa table namin at pagkaupo nya, nagsimula na kaming kumain!


Tahimik kami sa pag-kain. Pero masaya ako ah! Sarap-sarap ng kinakain namin eh! Ewan ko na lang kay CJ. Parang may malalim syang iniisip.


Halos sabay kami natapos ni CJ sa pagkain. Ngayon, nagpapahinga na lang kami at inuubos ang iced tea namin.


Si CJ, seryoso pa rin at abala sa cellphone nya. Minsan may binabasa sya, minsan nagtatype. Siguro work-related yang mga nagtetext sakanya kaya ganyan sya kaseryoso.


Sa panonood ko sa ginagawa nya, di ko tuloy mapigilang mag-imagine. Naimagine ko na pag maging asawa ko na sya, paniguradong magiging good provider sya. Sa sipag at pagka-responsable ba naman nyang yan-- OOPS! NAPATINGIN SYA SAKIN AT NAGKAGULATAN PA KAMI!


Tumingin ako sa ibang direksyon. Kaconscious eh! HULING-HULI AKO SA AKTO NA PINAGPAPANTASYAHAN SYA!


"Hazel.." mahinahong tawag ni CJ.


"Hm?" uminom ako ng iced tea habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon.


"I.. I wanna tell you something.."


Dun na ko napatingin sakanya. Yung itsura nya, ano eh..seryoso pa rin pero slight na lang. At nakatingin sya nang diretso sa mga mata ko.


"Ano yun?" tanong ko.


"Uhm.. Tungkol sa babae na missing piece ng buhay ko.. I think I already found her.."


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Saglit din akong napatigil sa paghinga.


"That girl.." tuloy nya pa. "It's--"


"T-TEKA LANG!" pagputol ko sa sasabihin nya with matching taas ng isang kamay. "Teka lang..please? Ano kasi..kasi kailangan kong mag-CR? E-Excuse muna ha? He-he-he.."


Nagsigh sya at kamot ng batok. "Okay.."


Tumayo na ko at mabilis na nagtungo sa CR. Pagkapasok ko roon, sa may lababo ako lumapit at humawak.


Nakayuko ako, medyo hinihingal at NATATAWA.


Bakit ba kasi ako nagmadaling pumunta dito eh hindi naman ako na-c-CR?! Adik lang?! HAHAHAHA. Ang saya ah.


Masaya ako para kay CJ. Nakita na raw nya ang babaeng missing piece ng buhay nya eh. Siguro si Jana yun. Siguro kaya sila nagkita kanina kasi sinadya talaga yun ng tadhana. Ang galing noh? At ang saya-saya talaga! Makakawala na kasi ko sa fake relationship namin at sasaya na sya nang bongga!


Nakangiti akong humarap sa salamin at tinitigan ang sarili kong repleksyon. Pero sa pagtitig ko sa sarili ko, bigla na lang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang yung puso ko, sumisigaw na dahil sa sobrang sakit na kanina ko pa pilit na di pinapansin.


Masakit.. Masakit na nakita na ni CJ ang missing piece ng buhay nya.. Bakit kasi ang bilis? Sana man lang next week nya pa nakita ang babaeng yun o di kaya sana sabay naming nakita ang missing piece ng buhay namin para FAIR.. Kaso, hindi eh.. Sya lang ang nakakita ng para sakanya.. Paano naman ako? Sinasadya ba ng tadhana na masaktan ako nang ganito sa paghihiwalay namin?


Gamit ang dalawang kamay ko, tinakpan ko ang mukha ko at tuluyan na kong umiyak. Umiyak lang ako nang umiyak. Hanggang sa bigla na lang akong natawa. Ay takte laaang. Di kasi ako sanay na magdamdam nang ganito kalupit dahil sa isang lechugas na lalaki. Parang naninibago tuloy ako sa sarili ko.


Napabuntung-hininga ako sabay punas sa mga luhang iniyak ko. Buti walang ibang tao ngayon dito at walang nakasaksi ng pagdadrama ko kundi, nakuuu! Maglalaslas na ko nun!


Dalawang beses muna akong huminga nang napakalalim bago ako lumabas ng CR at naglakad pabalik sa table namin ni CJ.


Pero bigla akong huminto sa isang pwesto kung saan natatanaw ko si CJ na nakatalikod at nakaupo sa silya nya. Parang bumigat ang mga paa ko kasabay ng muling pagbigat ng loob ko. Parang..ayoko na.. Ayoko na syang harapin at kausapin dahil paniguradong maiiyak lang ako ulit nun.


Tama, ayoko na.. Sapat nang malaman ko na nakita na nya ang missing piece ng buhay nya at oras na para maghiwalay na kami ng landas..




[CJ's PoV]


"Hazel..ikaw ang babaeng missing piece ng buhay ko.. So now, I wonder.. Will you let me court you?" I paused, then messed up my hair in frustration.


Habang nasa CR kasi si Hazel, pinapractice ko na ang pag-amin ko sakanya. But I didn't like how my every word sounds!


Tsk. Nakakainis. Dapat kanina ko pa toh nasabi eh! Ang lakas-lakas na ng loob ko kanina but then..ugh. It was a wrong timing.


Huminga ako nang malalim para mawala ang inis ko at para bumalik ang lakas ng loob ko.


It's okay, CJ.. Relax and magagawa mo rin yan..


I did try to relax here on my seat while waiting for Hazel.


And yes, wala nang makakaawat sakin. I'll take a risk and confess to her NOW. Salamat na lang sa pangungumbinsi sakin ni Alexis kanina na umamin na raw ako.


Alexis, he called me earlier only to pass time. Pero nang malaman nya na magkasama kami ni Hazel ngayon dito sa Subic, he told me that this is now my chance to confess to her. Nung una ayaw ko pa kasi natatakot pa rin ako. But Alexis threw one question at me that hit me so hard-- 'If you're not going to take a risk now, when the heck will you do it?'


Naisip ko, oo nga. Kung hindi ngayon, kailan pa ko kikilos?


Dahil dun, narealize ko nang dapat may gawin na ko. Oo, may mahal na ngang iba si Hazel at wala syang balak na magpaligaw sa ibang lalaki pero gusto ko pa ring mag-baka sakali. If she rejects me once or twice, I'll still pursue her. If she rejects me thrice, then I'll give up. Strike out na yun. I gotta accept the fact that she cannot love me back. But as of now, ayoko nang mag-aksaya ng oras.


Speaking of oras, ang tagal naman yatang bumalik ni Hazel mula CR?


Ilang minuto pa kong naghintay. Until nainip na ko at pinuntahan na ang CR ng girls. Gusto ko sanang sumilip sa loob but of course, I couldn't do that.


Dun ko na lang ako naghintay sa tabi ng pintuan ng CR nila-- FOR SEVERAL MINUTES AGAIN.


Hazel's already taking too much long. Naiinip na talaga ako at nag-aalala kaya tinawagan ko na ang phone nya. It rang too many times before she answered it.


"Hazel?" tawag ko sakanya kasi di sya nag-hello.


"Oh..?" her voice was very low.


"Are you okay? Ang tagal mo na sa CR eh.."


She chuckled. But her chuckle didn't sound like she's okay. "Sorry CJ.. Wala na ko dyan sa CR.. Ah, di lang pala dyan sa CR kundi wala na talaga ko dyan sa theme park.."


"WHAT? How..HOW COME?"


"Malamang kasi umalis na ko kaya wala na ko dyan.."


"HAZEL, ANSWER ME SERIOUSLY." I demanded.


"Seryoso ako CJ! Totoong umalis na ko dyan! Nasa bus na nga ko pauwi samin eh!" she raised her voice a bit but I think I heard it break at the end.


"Hazel--"


"Basta, pauwi na ko at hayaan mo na lang ko CJ.. Basta.. B-Basta!" SHIT! SHE'S CRYING! "Basta ayaw na muna kitang makita, basta ayaw na muna kitang makausap, basta asikasuhin mo na lang yang babaeng missing piece ng buhay mo para makumpleto at sumaya ka na! O-Okay?"


"Hazel, that girl--"


"Good luck na lang ah?" sabi nya pa and it felt like there's pain in her voice. "Geh na, bye.."


"Hazel, wait! Lis--" DAMN IT! BINABAAN NA NYA KO!


Tinawagan ko sya ulit pero di ko na sya makontak dahil pinatay na nya ang phone nya! CURSES!


I pulled my hair, looking around and feeling lost.


Bakit.. Bakit ba bigla na lang nagkaganun si Hazel?




xxxxxx TBC~

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now