x52: One Crazy Gift

34K 638 109
                                    

dedic porr -- @khemarie

sya^ ang may gawa nung cover na nasa multimedia! hihi.. ganda much dun ni Ate Hazel.. *u* THANKS MUCH PO AH! ^O^

- - - - -

x52: One Crazy Gift

[HAZELNUT's PoV]

Six days..

Sa six days na lang na pananatili ni CJ dito sa Pilipinas, nilubus-lubos na namin ang pagbobonding. Busy man kami sa work namin sa araw, sa gabi pag-uwi naman kami pilit na bumabawi. Sa first day-- or night-- nag-date kami sa bar kung saan kami unang nagkakilala. Second, nag-stargazing kami sa Sunken Garden. Third, nag-baywalk kami plus Luneta(dahil dun sa fountain!). Fourth, nag-night shopping kami sa Divi. Fifth, nag-date kami sa isang banchetto.

And yung sa sixth day? Ito. Ginagawa pa lang namin. Dahil day-off ko ngayon and last day na ng pagstay nya dito sa Pilipinas, napagkasunduan naming mag-date na lang sa isang mall-- kasama si Andy beybe!

Sinundo muna namin si Andy sa school nito atsaka kami dumiretso sa mall. Tapos nagmeryenda naman kami sa McDo.

"Baby." tawag ni CJ kay Andy na napakalikot sa tabi nya. Patinging-tingin kasi yun dun sa palaruan na puro bata.

"Hihi! Nadapa! Hihihi!" LUH! ITONG BATA NA TOH! PAGTAWANAN BA RAW YUNG BATANG NADAPA DUN SA PALARUAN?!

"Andy? That's bad.. Wag mo sya pagtawanan.." Wag daw pagtawanan pero sya mismo, natatawa! "C'mon. Ubusin mo na tong McFlurry mo. Then we'll go to Toy Kingdom."

"TOY KINGDOM, DADDY?!" mabilis napalingon si Andy kay CJ with twinkling eyes. Ugh! Kyowt much! Gusto ko tuloy sya panggigilang yakapin! "BIBILI PO IKAW NG NEW TOYS KO PO?!"

"Yes, yes. Ibibili kita kung uubusin mo na toh."

Dali-dali namang kumilos si Andy para ubusin yung McFlurry. Habang si CJ, nakangiting napatingin sakin. Nginitian ko lang din sya kasabay ng pagsipsip ko sa aking McFloat.

Hmm.. Nag-iisip ako eh. Actually, for six days ko na tong iniisip. Iniisip ko kung ano bang magandang ibigay kay CJ. Gusto ko kasi syang bigyan ng something bago sya umalis. Something na madadala nya sa Amerika at something na magpaparamdam sakanya na kasama nya pa rin ako kahit magkalayo na kami.

After naming kumain, nagpunta nga kaming Toy Kingdom. Yung mag-daddy, ang saya-saya lang habang naglalakad nang magkahawak-kamay. Pero ako, solo flight lang sa likuran nila. Todo nag-iisip pa rin ako sa kung ano bang ibibigay ko kay CJ eh.

Tsk. Aalis na bukas si CJ pero wala pa rin akong maisip na ibigay sakanya. Hanubanaman toh. Nakaka-pressure!

Nag-ikot kami dito sa Toy Kingdom. As in ikot! Halos lahat ng aisle at sulok ng lugar na toh, inikot namin eh! Juskow. Si Andy beybe naman kasi, nahihirapang pumili ng laruang ipabibili nya.

Pero maya-maya, may isang laruan din ang kumuha ng atensyon ni Andy at maging ng atensyon ni CJ. At yun ay isang medyo malaking remote-controlled car na dine-demong laruin ng isang salesman!

"WAA! HIHI! GALING-GALING!" tumalon-talon pa si Andy nung rumampa yung kotse. Si CJ naman, nakangiti lang pero halos mapanganga na rin sa bilib dun sa laruan. Tsktsk. Mga lalaki nga naman. Ang hilig sa mga kotse.

Tumalikod muna ako sakanila at tinignan ang paligid. Ano kaya kung isang laruan na lang din ang iregalo ko kay CJ? Hmm..

Something na madadala nya sa Amerika at something na magpaparamdam sakanya na kasama nya ako ang gusto kong ibigay sakanya, diba?

Dahil maganda at sexy ako, Barbie doll na lang kaya ang ibigay ko sakanya?

Saglit naman akong natigilan sa ideya ko. Then na-imagine ko si CJ...

XNUT (Published under Pop Fiction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang