x15: One Crazy Restart?

38.5K 722 109
                                    

dedication porr -- @ban_VIP22 :D
gomahwo unnie, sa DQ last Wed! HAHAHA XD 

- - - - 

x15: One Crazy Restart? 




[HAZELNUT's PoV] 


Apat na taon.. 


Apat na taon na ang nakalipas mula ng huling pagkikita namin ni CJ.. 


Sa apat na taon na yun, wala na kong naging balita sakanya.. At ako, ito.. Masaya na kasama ang lalaking napangasawa ko at ang dalawang anak namin.. 


JOOOKE. =o= 


Yung totoo, mag-aapat na bwan palang ang nakakalipas mula ng time na yun! 


Pero totoo rin na wala na kong balita kay CJ. I mean, wala na kaming naging communication. Wala ni text. Kainis nga eh. Alam kong alam nya tong number na gamit ko ngayon pero di man lang sya nangangamusta. Alam ko rin naman ang number nya pero diba.. bakit naman ako ang unang magtetext? Kahiya kaya yun. =///= 


Haaay. Umupo ako sa kama namin ni Mama at naglaptop. Nag-FB ako. 


Alam nyo ba, dito sa FB na lang ako umaasa para makita pagmumukha nya? 


Buti na lang, nahagilap ko 'tong FB account nya. Salamat talaga kay Chelle na nakita ko noon na nag-like ng photos ni 'Chris John'. Yun ang gamit nyang name sa FB eh. Tapos ayun, graduation pics nya yung nilike ni Chelle at owmaigawd lang ang mga kuha.. Nakita ko na parents nya at.. AT BAGAY SAKANYA ANG NAKA-TOGANG ITIM! >///< 


Kaso, ang masaklap eh hindi kami fwends. =___= 


Kasi naman, di nya ko inaadd! At ayokong ako ang mag-aadd sakanya! Sya lalaki dyan eh kaya sya mag-add saken! Hmpff. 


Pinuntahan ko ang FB account nya. Tinitigan ko ang profile pic nya. Medyo mahaba buhok nya dito ah.


Hmm.. Ikaw lalaki ka.. Wala ka ba talagang balak na iadd ako ah? O baka ako ang hinihintay mong mag-add sayo?


T___T


I-add na lang kaya kita? Miss na kita eh.. 


WAAAA! NOOO! Bakit ba nandito ako sa account nya?! Eh nag-FB ako para tignan ang Weekly Horoscope ko! AISHH! 


Pinuntahan ko na yung app na dapat ko puntahan. And there, MY WEEKLY HOROSCOPE!


'Congratulations! This coming week is going to be very good to you!'


OOOH~ Talaga lang huh? 


'Lucky Number: 5' 


WAAH! BIRTHDATE KOW! 


'Lucky Color: Black' 


Ehh~ Ba't hindi fink.. =___= 


'Lucky Day: Monday' 


WOW! BUKAS NA! 


Naku.. Kung bukas.. Siguro, dapat bukas na rin ako pumunta sa mga pag-aapplyan ko? Baka sakaling matanggap ako agad sa isa sa mga yun. Magtu-two weeks na rin akong walang work eh. 


Ano na kaya.. hmm.. Inoff ko na ang laptop ko at nag-isip..nang nag-isip..nang nag-isip.. at nag-isip. 


Ehh sige na nga! Lucky day ko raw bukas eh. Madalas pa naman, 90% true ang sinasabi nitong Weekly Horoscope. 


Umupo ako sa tapat ng tukador namin ni Mama. Tinignan ko ang kagandahan ko sa salamin. 


SMILE~ 


POUT~ 


PROJECT~ 


WINK! 


AHHH good Hazel! Pwede ka na magmodel! Kaso de, ayaw ko nun. Maaabuso beauty ko. 


Kinalikot ko na lang ang accessories namin ni Mama. Pumili ako ng mga susuotin ko bukas sa pagja-jobhunt ko. Hmm, black lucky color ko. Magblack na outfit na lang ako tsaka black underwear! 


*TITA HAZEEEL! TEXT POOO!* 


Oh, may text daw ako! Si Andy beybe nga pala yun. Nirecord ko boses nya at ginawa kong message alert tone! Hihi~ 


Kinuha ko ang cellphone ko sa kama tapos bumalik ako sa tapat ng tukador. 


Si TEXTMATE pala tong nagtext. Sya na lang ang nag-iisa kong katext kasi di na ko sumali ng mga text clan-clan na yan after ko magpalit ng number. 


Babae nga pala toh. CRIZEL daw name nya. Tuwa nga ko kasi magkatunog name namin! Pero nung tinanong nya name ko, LIEZEL binigay ko. Hehe. Ehh sa ayaw ko ibigay real name ko eh! 


Binasa ko na text nya.. 


'good night. :)' - Crizel 


Hala? Haha. Nagreply naman ako. 


'gud nyt too! punta nga pala ko bukas sa cnbi mo na pwd q pg applyan ng work. hehe slmat sa info ;)' 


MESSAGE SENT! 


Ayun nga, may binigay nga syang pwede kong pag-applyan. Napagkwentuhan kasi namin ang tungkol sa paghahanap ko ng work at kung ano bang gusto kong work. Nasabi ko na parang gusto kong magwaitress kaya ayun.. nagbigay sya ng restaurant na hiring daw. 


'talaga? that's good then. good luck. :)' - Crizel 


'yeah! aja aja! tulog na tayo XD' - reply ko 


"ATE HAZEL!" potek, si Adrian yun ah? Nandito sya? Ng ganitong oras? 


Pumasok sya dito sa kwarto namin ni Mama. Nakangiti sya. Masaya ang loko ah. Tss. Mula naman ng maging okay sila ni Chelle, sumaya na sya nang ganyan. Lalo pa nang mabuo na ang plano nyang pagpopropose ng kasal kay Chelle next week. 

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now