x54: One Crazy Courtship

30.5K 634 72
                                    

x54: One Crazy Courtship

[HAZELNUT's PoV]

October.

November.

December.

January.

February.

March.

April.

May.

Ilang bwan lahat yun?

Teka nga. Uulitin ko.

October.

November.

December.

Asdfghjkl..

Ayun! 8 MONTHS! 8 months na pala ang nakalilipas mula nang umalis si CJ pa-Amerika! And one month to go, manganganak na ko sa first baby namin. Hihihi.

JOOOKE! HAHAHA! LECHUGAS! INAATAKE NA NAMAN AKO! HAHAHAHA-- AHHH! SERYOSO NA NGA!

Yung totoo, 8 months na nga talaga ang nakalilipas mula nang pumuntang Amerika si CJ. Mula nun, di pa sya bumabalik dito. And sad to say.. wala na kong balita sakanya ngayon.. Sinubukan din naman naming lumaban noon para may mapatunguhan ang pagmamahalan namin kaso sa huli, after ng 3 months of trying, sumuko na kami. Masyado kasi talagang marami ang kinailangang asikasuhin ni CJ roon, sobrang dami to the point na hindi na nya kinaya pang paglaanan ako ng panahon. So.. ayun.. Kaysa paasahin pa namin ang mga sarili namin sa wala, sumuko na lang kami..

Haaay..

Joke lang yun ulet. HAHAHAHA.

*pak! pak!

Ayun. Sinampal ko na ang sarili ko para umayos na ko! Pshh.

Okay, okay. Ito na. Yung totoong totoo na.

Yung totoong-totoo, nung umpisa, talagang nahirapan kami ni CJ sa sitwasyon namin. Umpisa pa lang kasi, failed na kami agad sa komunikasyon. Ni hindi nga nya ko natawagan agad non para sabihing ligtas syang nakarating dun sa Amerika. Limang araw pa kamo ang dumaan bago nya ko natawagan para ipaalam sakin ang kalagayan nya! Pero naintindihan ko naman ang dahilan nya. Bukod sa matagal ang byahe eh pagkarating na pagkarating pa lang nya raw dun eh sangkatutak na trabaho agad ang kinaharap nya. Halata naman kasi nung maka-video chat ko sya non. Para lang syang zombie! Zombie na gwapo~ Hihihi.

Ah, ayun nga. Sa umpisa lang kami nahirapan nang bongga. Siguro sa.. sa first 4 months! Kumbaga sa first 4 months na yun, nangapa pa kami sa pag-aadjust lalo na't napakarami talagang ginagawa ni CJ. Nagsimula kami sa mga phone call o video chat na once a week lang namin nagagawa-- na nakaka-frustrate much para sakin. LIKE HELLOOO! May pitong araw po sa isang linggo! Tapos isang araw ko lang sya nakakausap o nakikita sa computer screen? Eh paano naman yung anim pa na araw ng isang linggo ko?

Anim na araw na CJ-less. Nakakabaliw kaya yun. Alam nyo yung feeling na NAPAKARAMI mong gustong gawin para makita't makausap mo ang mahal mo, pero di mo naman magawa kasi di mo kaya? Well, yun ang nafeel ko that time!

Gustung-gusto ko sana syang puntahan para makita sya, pero di ko naman magawa kasi di ko afford ang pamasahe. Tapos di ko pa alam kung makakakuha ako ng visa. Kung tawag naman, may kamahalan din pero di ko naman alam kung anong time ako tatawag. Nag-aalangan pa akong tawagan sya kasi napaka-busy nga nya at baka di nya masagot ang tawag ko. At pag di nya yun masagot, wala.. Magtatampo lang ako, which is alam kong ikakasama lang lalo ng current status namin.

So, di ko na yun pinilit. Natuto na lang akong makuntento sa once-a-week-communication namin. Yes, nakaka-frustate much nga yung anim na araw ko syang di nakikita o nakakausap. Pero pag nagkakausap naman kami, nagagawang pawiin ni CJ ang lahat ng frustrations ko. Nagagawa nyang iparamdam sakin na kahit milya-milya pa ang layo namin sa isa't isa, eh sya pa rin si Chris John na manliligaw ko at ang lalaking mahal na mahal ako. Bukod din kaya sa pagtawag at pagvideo chat sakin, nagpapadala rin sya ng mga regalo! Tulad na lang nung birthday ko nung December at nung Valentine's day. Pinadalhan nya ko ng chocolates, flowers at love letter nun.

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now