x14: One Crazy Farewell (part2~)

44K 725 65
                                    

dedication porr -- @Ayeshaclaire20 :)

- - - - -

x14: One Crazy Farewell (part2~) 





[HAZELNUT's PoV] 


NOMNOMNOM~ Lalala~ WEEEE~ ^___^ 


Kanina ko pa kinakanta yan sa isip ko. At kanina pa ganito ang ngiti ko. ^___^ 


Ehh sa masaya ako eh! Ngayon lang kasi ako ulit makakainom after a thousand years! De, mga after almost a month lang pala. Hehe. Nawalan na ko ng time sa pag-inom dahil sa nakakapuyat kong trabaho eh. Pero ayos lang. Ngayon naman, meron akong taga-libre! Hihi~ 


Speaking of my TAGA-LIBRE na si CJ double-m virus, busy sya magmaneho patungo sa pagnonomnoman namin na.. di ko pa alam kung saan. 


Tinignan ko sya nang pasimple tulad nang nakasanayan ko. 


Hmm.. Nawala na yung ngiti nya kanina nung pumayag akong uminom kami.. Sumeryoso na ang mukha nya at.. lumungkot na ulit ang itsura nya.. =/ 


Haaay.. Dumungaw na lang ako sa labas ng bintana. 


Kainis.. Nakakahawa kalungkutan nya.. Virus talaga sya.. 


Di bale.. Siguro naman, mababawasan na ang sakit at lungkot na nararamdaman nya kapag nakainom na sya.. 


Ay, teka. O___O 


Iinom sya.. Idadaan nya sa pag-inom ang nararamdaman nya.. Mag.. Maglalasing sya! Paano yun eh magdadrive pa sya pauwi at ihahatid nya pa ko sa bus terminal! 


Kinakabahan akong tumingin sakanya. 


This.. This can't be! Malalagay sa panganib ang hinaharap namin! Kung malasing kami, pwede kaming maaksidente! O di kaya.. maisipan naming magpalipas ng gabi sa.. sa isang madilim na kwarto na may isang kama tapos.. magtatanggal kami ng damit, dahan-dahan tapos haharapin namin ang isa't isa tapos.. tapos.. tapos gagawin namin yung ginawa nina Adrian at Chelle kaya nagka-Andy beybe sila.. O//o//O 


'Waaaaah! Nooo!' - right brain membrane 


'KYAAAAH! YES OW YES!' - left brain membrane 


AAAAH! ANG BRAIN MEMBRANES KO! Magtigil kayo kundi iuumpog ko kayo! >///< 


Shinake ko ang ulo ko nang bongga at tumigil naman sila. 


Muli kong tinignan nang patago si CJ at tinitigan sya. 


Kami.. Kami mag-aa.. a.. ano.. AH HINDE! DI YUN PWEDE! >//o//< 


S-Syempre dapat kasal muna bago YUN! Tsaka dapat gawin namin YUN dahil mahal namin ang isa't isa, di dahil lang sa lasing kami! DIBA?! 


"We're here." biglang sabi ni CJ. Inihinto nya itong kotse sa isang parking lot. 


"Uhm, C-CJ? Wag na lang pala tayo uminom.." 


"Eh?" Gulat syang tumingin sakin. "Bakit naman?" 


"K-Kasi.. baka kung anong magaw-- MANGYARI pala satin pauwi pag uminom tayo.." O///O 


"Ah.." ngumiti sya. "You mean, an accident?" 


Tumango ako. Mas ngumiti naman sya. 


"Don't worry. Iinom lang naman tayo, hindi magpapakalasing." 


Oooh.. O-Oo nga.. Sabi ko nga eh magkaiba ang uminom sa magpakalasing.. =///= 


"We'll just have a few drinks, Hazel. Alam ko rin namang di ako pwede magpakalasing 'cause I still have a long way to drive and ihahatid pa kita." tinanggal na nya ang seatbelt nya at bumaba. "Tara na." 


Faaayn. Gustung-gusto nya talagang uminom ah, edi go. Katiwa-tiwala rin naman sya nang sabihin nyang di kami magpapakalasing, lalo na sya dahil nga magdadrive pa raw sya at.. at ihahatid nya ko.. 


Napangiti ako. Kasi naman.. alam nyo yung feeling na SAFE kayo sa kasama nyong lalaki? Well, yan ang nararamdaman ko ngayon. 


Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba ng kotse. Nag-inat-inat din ako pero natigilan ako nang mapansin kong.. nandito pala kami sa bar kung saan kami unang nagkakilala as APPLE and TJ! 


A-Ampucha.. Sa dinami-dami ng bar sa Manila, bakit dito pa?! Dito pa kung saan ang dami kong weird na naaalala! O//o//Ó 


"Hazel." tinawag ako ni CJ na ginamit ang ulo nya pangsenyas na pumasok na kami ng bar. Pero may kinuha pa muna sya sa backseat na binitbit nya tray-style. Ay! YUNG JIGSAW PUZZLE NYA PALA YUN! Nakuha pa pala nya yan kina Chelle?! O.o 


Nauna syang pumasok. Sumunod lang ako sa likuran nya. 


Habang naglalakad kami, di ko maiwasang alalahanin yung mga nangyari noon dito na puro nakakahiya-- yung paghalik ko sakanya, yung pagdarag ko sakanya na umarte bilang boyfriend ko, yung pag-utos ng walang hiyang may-ari ng bar na toh na buhatin ko sya nung malasing sya na sinunod ko naman, yung pangalawang beses na umarte kami na KAMI, pati yung.. yung pag-advice ko sakanya noon sa may kabilang bar na syang nagtulak sakanya para bitawan na si Chelle.. 


Nakakakonsensya naman.. =/ 


Tulad dati, magkatabi kaming pumwesto sa may counter. Cocktail drinks lang ang inorder namin. 


"If you want more, just order okay? Ayos lang naman siguro kung uminom ka ng marami kasi hindi ka naman madaling malasing, unlike me." 

XNUT (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now