vi | unexpected visitor

Start from the beginning
                                    

"Pa. . . okay lang. At least, nakapasa ulit ako sa ibang school at nakapag-enrol na."

"Pero-"

"Mukhang maganda rin naman po sa LBU kaya ayos na rin," saad ko. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha, kaya ngumiti ako ulit, kunwari'y hindi na iniinda ang tungkol do'n. He may not admit it but I know he already has a lot on his plate, and this is the least he should be thinking about.

"Good night po, ingat ka lagi!"

I heard him heave a sigh before he ended the call. Inilapag ko ang phone ko sa tabi ng aking notebook. Hinilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha. Unti-unti ko naman nang natatanggap pero. . .

Dumukdok ako sa mesa. Hindi ko man aminin, may parte pa rin sa aking nasasaktan dahil wala na talaga akong pag-asa sa Buenalejo. Pumasok na nga sa isip kong mag-scholar doon ngunit alam ko sa sarili kong 'di ko kakayanin. I mean. . . I'm not smart enough. Baka ipahiya ko lang ang sarili ko kapag 'di ko napanindigan ang pagiging scholar.

Letting out a groan, I ruffled my hair out of frustration. Nagsisimula na akong mainis sa sarili ko dahil dalawang buwan na ang nakalipas pero heto ako, 'di pa rin nakaka-move on. Sana kasi mayro'ng switch sa puso kung sa'n pwedeng i-on at off ang sakit kung kailan gusto.

Nanatili akong nakahilig sa mesa at nakapikit sa loob ng ilang minuto. Umangat ang tingin ko nang maalala ang sinabi nina Kuya Gian at Dan no'n - na baka mayro'n pa Siyang mas magandang inilaan para sa akin kaya 'di ko nakuha 'yong gusto ko.

Maybe they're right? Baka may dahilan pa kung bakit dito ako sa La Buenavista dinala ng agos ng tadhana.

Wala akong tiwala sa tadhana dahil kung ano-anong ka-bullshit-an na ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang taon, but maybe, I have to trust fate this time. I have to take the risk. I have to trust Him.

I closed my eyes. Pero paano kung wala talagang dahilan? Hindi naman lahat ng bagay kailangan may. . . rason. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Ewan, bahala na nga. Tumayo na ako pagtapos kong itabi sa gilid ng table ang phone at notebook ko.

Kahit gusto ko nang humiga at matulog na nang mahimbing, feeling ko ang dumi-dumi ko kapag hindi ako naliligo sa gabi. Kaya kinuha ko ang tuwalya ko maging ang pares ng blue shirt at pajamas mula sa maliit na closet na katabi ng study table at dumiretso na sa banyo.

Hindi rin ako nagtagal sa pagligo. Habang nagpapatuyo ng buhok ay napagdesisyunan kong magtungo sa kitchen. Dahil sa lamig ng tubig, nawala bigla ang antok ko. Sana lang antukin ako ulit kapag uminom ako ng gatas.

Kinuha ko ang carton ng gatas mula sa fridge at inilapag 'yon sa counter. I was about to pour the milk into my glass when a series of loud knocks made my feet slightly lift off the ground. Imbis tuloy na ang baso ko mapunta ang gatas, natapon 'yon sa counter.

Shit, sino ba 'yon?

Sapo-sapo ang dibdib, napapikit ako nang mariin habang pinapaulanan ng mura sa isip ang taong 'yon. Para akong mabibingi dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinapunan ko ng masamang tingin 'yong pinto dahil patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sinumang paksyet na nasa likod no'n.

Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ino-order na pagkain o kung ano! Bakit may mambubulabog pa ng ganitong oras? Padabog kong pinunasan ang counter gamit ang basahan bago pumunta sa sala. Habang palapit ako nang palapit, siya ring paglakas lalo ng katok. Clicking my tongue, I opened the door.

"Open, sesam-ay, ang galing! Bumukash!"

Nalaglag ang panga ko at ilang beses akong napakurap dahil sa lalaking nasa harap ko. Humigpit ang hawak ko sa pinto. "Dan?"

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now