Pagkaupo ay kaagad ko na ring sinuot ang seat belt ko. Ayaw kong mangyari iyong mga napapanood at nababasa ko dahil lalo lang iyong nakakailang lalo na't naging tanga ako kanina. Kung pwede lang ipukpok ang ulo ko ay ginawa ko na. 

Pumasok na rin siya sa loob at kaagad na pinaandar ang sasakyan niya. Naalala ko pa rin naman kung saan ang sinabi ni lola na lugar. Sabi niya barangay daw sa Baguio, yung Guisad. Sa gilid daw ng Guisad Grocery ay may paupahan at doon ako titira. Pagmamay-ari rin pala ni lola Pasing ang nasabing grocery. 

Tahimik lang ako sa biyahe dahil wala rin akong alam, gabi na rin kaya hindi ko makakabisado ang labas. Seryoso lang nagdadrive ang katabi ko. Hindi naman talaga ako ganito katahimik dati dahil siguro maiingay ang circle of friends namin ni Richelle, pero ngayon hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong magsalita. 

Parang nawalan ako ng karapatan nang matauhan ako sa ginawa ko. 

Huminto ang kotse sa tapat ng Guisad Grocery. Kaagad naman kaming sinalubong ng isang matanda na sa hula ko ay si Lola Pasing dahil kahit na magpinsan lang sila ni lola ay may pagkakahawig pa rin naman sila nang kaunti. 

"Hala. Dalaga ka na!" Masayang sambit niya tiyaka hinaplos ang pisngi ko. Samantalang iyong lalaki kanina ay kinukuha ang gamit ko sa likuran ng kotse niya. 

Ay oo nga pala, I don't know his name! I didn't even ask him! Nakakahiya, hindi pa rin ako nakakapagpasalamat. Wala na nga talaga ako sa sarili ko. 

"Oh magkakilala na ba kayo? Nagpasalamat ka ba iha? Pinakiusapan ko kasi siya kanina kung pwede kang sunduin dahil may sakit si Jelay." Paliwanag ni lola sa akin, naibaba na rin naman niya ang mga gamit ko. Ilang ang pagtingin ko sa kaniya dahil nakalimutan ko ang lahat ng sinabi ni lola. 

"She's silent, manang. Magkaiba sila ni Jelay." He chuckled. Paiba-iba ba talaga ang emosyon niya kapag iba-ibang tao ang kausap niya? 

"Hay nako. Baka nahihiya lang ito. Hindi niyo pa ba alam ang pangalan ng isa't-isa?" Pagtatanong ni lola sa amin. Nakangiti iyong lalaki tiyaka marahan na tumango. "Nako, ano ba itong si Crystal! Ganiyan ba ang tinuro sa'yo ni Eva? Ay apo!" Eva is my lola. 

"Maybe she's shy, manang." Pagsalo sa akin ng lalaki para hindi ako pagalitan ni lola. 

"Eto pala yung apo ng pinsan ko, Crystal. Ano ngay ulit iyong isang pangalan mo?" Nakalimutan pa niya ang second name ko kaya ako na ang sumagot. 

"Gem po. Crystal Gem." Bakas ang hiya sa boses ko. Dapat pala nagpakilala na ako kanina sakaniya, nakakailang kasi eh. 

"Eto si Ryden." Pagpapakilala ni lola. Marahan akong tumango. Ramdan ko ang titig sa akin ni Ryden pero hindi ko nalang siya pinansin. 

"Halika na, hatid na kita sa magiging kuwarto mo." Kukunin ko na sana ang mga bag ko at magpapasalamat na ako sa kaniya pero ngumiti si Ryden sa akin at umiling. 

"Ako na." Pagpepresenta niya, aangal sana ako ang kaso lang hinila na ako ni lola. Sa may dulo ang akin, tatlo lang naman at magkakadikit na apartment iyon tapos nasa unahan ang grocery. 

Mula sa susi na nasa kamay niya ay binuksan ni Lola ang pintuan, siya ang nangunguna sa amin kaya halos magdikit na kami ni Ryden. Binuksan niya ang ilaw, hindi naman siya ganon kalaki. Ayos na sa akin since mag-isa lang naman ako. 

May maliit na sala at maliit na sofa, may maliit na center table lang din pagkatapos ay matatanaw mo na ang kusina at ang maliit na square na lamesa. May hagdan naman na paakyat. 

"Kuwarto lang yung nasa taas. Ganyan lang, kung maglalaba ka maluwag naman sa labas tiyaka pwede mo ring gamitin yung washing machine namin." Sambit sa akin ni lola. "Kapag nagkulang ka sa pagkain o kaya naman ay may problema tawagan mo lang ako riyan, nasa unang apartment lang ako." Tumango ako habang iniikot ko pa rin ang mga mata ko sa titirhan ko, ayos naman at sobrang linis. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Where stories live. Discover now