Halos puno na rin ang lugar, na feeling ko ay mga estudyante rin na nag-enrol. Lumapit ako sa counter. Sana lang ay 'di ginto ang mga pagkain dito, hindi pa naman gano'n kalaki ang dala kong pera.

Nakahinga ako nang maluwag pagkakita ko ng prices na nakapaskil sa isang board sa dingding. 'Yong babaeng kumukuha ng order ay ngiting-ngiti pa nang tinanong ako. Sinuklian ko siya ng matipid na ngiti bago ko sabihin ang order ko at nagbayad na rin.

Pagtapos ng sandaling paghihintay, halos kuminang ang mata ko nang iniabot na sa akin ang tray na naglalaman ng carbonara't chicken wings na in-order ko. Mahina akong nagpasalamat habang kinukuha ang tray.

I was lucky to spot a vacant table near the window. 'Yon na lang ang natitirang bakante kaya dali-dali akong pumunta ro'n. Pag-upo ko ay nilantakan ko agad ang in-order ko. The creamy taste of carbonara filled my mouth. Napangiti ako. Ang tagal kong hindi nakakain nito! In fairness din, ang sarap ng luto nila-

"Hi, pwedeng makiupo?"

Umangat ang tingin ko. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng isang babae, lumilitaw ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi. Sumusunod ang mahabang kulay kape niyang buhok sa paggalaw ng kaniyang ulo nang luminga siya sa paligid. "Your table is the only one with vacant seats."

Tumango ako at muling sumubo sa kinakain kong carbonara. "Sure."

Inatras niya ang upuang nasa tabi ng bintana at maingat na umupo roon. Narinig ko pa siyang nagpasalamat habang inililipat ang mga laman ng kaniyang tray sa table. She put another plate at the seat across me. May kasama pa siya?

As if on cue, isang pamilyar na babae ang humila sa upuang katapat ko at umupo ro'n. Nakita ko pang sinundan siya ng tingin no'ng mga lalaki sa katabing table nang tumabi siya sa amin. My brows slammed together as I gave her the once-over. Parang nakita ko na siya dati. . .

Umawang ang bibig ko nang mapagtantong siya 'yong babaeng tinawag ni Dan na Hikaru. Ngayon ko lang nakita nang maayos ang mukha niya dahil madilim na no'ng gabing 'yon. Her features are somewhat foreign. Mukha siyang. . . Japanese?

Naningkit ang mga mata ko nang itinaas niya ang kaliwang paa sa upuan. Seryoso ba siya? Parang nasa bahay lang, ah.

"Naki-share na lang ako ng table, wala na kasing ibang mauupuan," saad no'ng katabi niya. Lihim akong napangiti dahil para silang yin and yang; the girl who arrived first was wearing a white bodycon dress, while a fitted black shirt was hugging Hikaru's body. "Ayusin mo nga 'yang upo mo. For Pete's sake, we're in a public place!"

"I don't give a flying fuck about Pete and his sake, Taryn," sabi niya, dahilan para ngumiwi ang kaniyang kaibigan. Narinig ko pang sinita siya nito dahil sa pagmumura pero tinawanan niya lang 'yon.

Itinuon ko ang atensyon ko sa kinakain. Feeling ko, mapapadalas ako rito sa Alejandro's kapag may pasok na dahil ang sarap ng-

"Pamilyar ka."

I stopped swirling the pasta around my fork. My eyes shot up. Hikaru's cat-like eyes seem to be studying my features again, just like that night. Humigpit ang hawak ko sa tinidor nang maalala kung paano niya sinigawan si Dan at 'yong Kahel no'ng gabing una ko siyang nakita.

Honestly, she still looks intimidating even without that scowl on her face!

"Hey, stop staring. You're making her uncomfortable," saway sa kaniya ng kaibigan. Sumubo muna siya sa kaniyang ice cream bago tinuro ang pagkain ng kasama gamit ang kaniyang kutsara. "Kumain ka na lang."

Sinunod niya ang sinabi nito. But she kept on throwing quick glances at my direction while she was eating. Sinubukan kong ituon ang atensyon sa kinakain kahit nako-conscious ako sa titig niya.

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now