Epilogue

2.4K 63 6
                                    

Pagkagising ko kinaumagahan ay nakita ko ang mag-ama ko na inaalagaan ang kambal. Noong pinanganak ko nga ang kambal hindi alam ni Mason ang gagawin niya. Sa totoo lang natatawa ako sa tuwing naalala ko ang pangyayari. Ang akala ko nga nanganganak ako dito sa bahay habang nagtataranta si Mason.

Ang sarap nila panoorin habang nilalaro ni Mika ang mga kapatid niya at sumali rin si Mason sa kanila.

Lumingon sa direksyon ko si Mason. "Gising ka na pala."

"Mommy." Tumayo na si Mika para lumapit sa akin. "Alam niyo po bang sinabi ni Aries ang dada kanina."

It's already 2 years noong kinasal kami ni Mason at pinangak ko yung kambal. Nakaka gulat nga dahil iyon ang first word ni Aries pero yung kakambal niya wala pang first word.

"First word ni Aries iyon." Masayang sambit ni Mason.

"Oo, pero si Mia ay hindi pa siya nagsasalita."

"Hintayin na lang natin. Baka hindi pa ngayong araw." Sabi niya.

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Pinapunta ko si Nolan para dito ko na gagawin ang mga trabaho ko at pupunta na lamang ako sa kumpanya kapag may emergency o importanteng meeting. Pinaalam ko na rin kay dad na sa bahay ako magtatrabaho kasi gusto kong tulungan ka rin sa pag alaga sa kambal."

Ang bait talaga ng asawa ko.

"Si Mika. May pasok pa siya."

"Ako na rin ang maghahatid sa kanya sa school." Sabi niya sabay kindat sa akin. Ano ang ibig sabihin ng kindat na iyon? May binabalak siguro si Mason.

Simula noon ay pinalipat ni Mason si Mika sa private school. Dati kasi sa public siya kasi iyon lang ang kaya ko.

"Ano ang binabalak mo?"

"You and me alone. Habang papasok si Mika at tulog naman ang kambal."

"Tumigil ka, Mason. Baby pa yung kambal." At wala na akong balak sundan na ang kambal. Tama na ang tatlo.

Lumabi ito. "Wala naman akong sinabing susundan agad natin ang kambal."

"Ganoon rin ang punta diyan at saka wala na akong sundan ang kambal. Tama na ang tatlo."

Sa kambal nga nahihirap na kami alagaan tapos may balak pang sundan agad.

"Maliligo na rin nga ako."

"Akala ko ba pinadala mo na kay Nolan yung mga kailangan mong gawin dito?"

"Oo, pero hindi naman pwedeng ganito ang suot ko habang hahatid si Mika sa school."

"Subukan mo lang na mambabae ka."

"Whoa, whoa. Wala akong babae maliban sa inyong tatlo, misis ko."

"Sinasabi ko lang sayo, Mason."

"Wala akong babae." Napakamot siya ng ulo. "Gusto mo bang sumama? Para malaman mong wala akong babae."

"Huwag na. Walang kasama ang kambal kapag sumama ka ako sa inyo."

Tumalikod na ako kay Mason dahil aasikaso pa ako ng almusal at baka mahuli pa si Mika sa klase niya.

Nilapag ko na yung niluto kong pancake sa mesa nang makita kong pumupunta na si Mika sa kusina.

"Kain ka na muna." Sabi ko.

"Mommy, nag away po ba kayo ni daddy?"

Kumurap ako. "Hindi. Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Narinig ko po kasi nagsasalita siyang mag-isa bago ako bumaba."

Kumunot ang noo ko. "Ano ang sabi ng daddy mo?"

"Sa loob ng dalawang taon ngayon pa ako pinag dududahan ni Athena. Iyan po ang sabi ni daddy."

"Huwag mo na pansinin ang daddy mo. Bilisan mo na diyan baka mahuli ka pa."

Nakita ko na si Mason. Ang suot niya ay casual lamang at halatang hahatid lang niya talaga si Mika sa school.

"Mika, are done?"

"Wait lang po." Nagmamadali na si Mika ubusin ang kinakain niyang pancake.

"Hindi ka ba kakain muna?" Tanong ko kay Mason.

"Later. Pagkahatid ko kay Mika."

Pagka alis ng mag-ama ko ay kumain na rin ako habang tulog pa ang kambal. Free time ko rin ito.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng busina. Baka bumalik na si Mason at pinag buksan ko na siya ng gate.

"Kain ka muna bago ka mag trabaho." Sabi ko sa kanya.

"Later. Marami pa pala akong kailangan tapusin ngayon." Nauna na siyang pumasok sa bahay.

Habang naghahanda ng makakain ni Mason ay naririnig ko ang pag iyak ng isa sa kambal. Iniwanan ko muna ang ginagawa ko dahil kailangan na ako ng kambal.

Pagkapunta na pagkapunta ko sa nursery room ay silang dalawa na ang umiiyak.

"Shh... Tahan na kayo sa pag iyak. Hindi ko kaya kung sabay kayong dalawa."

"What's wrong?" Rinig kong tanong ni Mason. Naisturbo pa tuloy ang trabaho niya.

Lumingon ako sa kanya. "Ayaw tumahan ng kambal sa pag iyak. Hindi ko sila kaya mag-isa."

Lumapit na si Mason para kunin si Mia. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon ko pa lang makikitang inaalagaan ni Mason ang kambal.

"Marunong ka bang mag alaga ng sanggol?"

"Oo. Noong sanggol pa sina Gaia at Ryan ay tinutulungan ko si mommy sa pag alaga sa kanila habang busy lagi si daddy sa kumpanya."

Si Mason na nga lang ang gumawa ng lahat at tumahan na rin ang kambal sa pag iyak nila.

"At hindi ako kagaya ni Riley na ayaw mag alaga ng sanggol."

"Wala naman akong sinabing kagaya ka niya pero in fairness ngayon pa lang kita nakitang nag alaga sa mga anak natin. Masyado ka kasing busy dati sa trabaho."

"Gusto kong bumawi sayo sa mga taon na wala ako habang inaalagaan mo mag-isa si Mika at ayaw kong mapagod ka sa pag alaga sa kanila." Tumalikod na siya sa akin at nag lakad palabas ng kwarto. "Balik na ako sa trabaho. Tulog na ulit ang kambal."

"Pumapayag na akong sundan natin ang kambal."

Huminto siya sa paglalakad at gulat na gulat. "Seryoso ka?"

Tumango ako. "Pero hindi na muna ngayon. Siguro kapag malaki na ang kambal."

"Sinabi mo iyan ah. Walang bawian."

"Oo. Sa akin pa mismo nang galing kaya hindi ko babawiin ang sinabi ko."

"Sige, balik na ako sa trabaho."

"Kumain ka na muna para tuloy-tuloy ang trabaho mo."

"Okay, nagugutom na rin ako."

Pagkatapos niyang kumain ay bumalik na siya sa trabaho kaya ako ay magpapahinga na muna habang tulog pa ang kambal.

Simple lang ang buhay namin dahil hindi ko sanay sa buhay ni Mason pero hindi nga nag reklamo si Mason na naging ganito ang buhay niya simulang kinasal sa akin. Halatang sanay siya sa simpleng buhay.

Last year ay nakilala ko ang mama ko sa unang pagkakataon at doon ko rin na galing rin pala ako sa mayamang pamilya pero hindi sinabi sa akin ng lola ko noong nabubuhay pa siya dahil pinalaki niya ako na simple ang buhay.

Masaya na rin ako dahil dito naman ako pinalaki ng lola ko. Simple pero masaya. Masaya ako sa piling ng pamilya ko kahit tinalikuran ko na ang pangarap ko maging sikat na film maker.

THE END

-•-•

Dito na nagtatapos ang kwento nina Mason at Athena. Bye!👋 kita kits sa mga bago kong kwento.

The Playful CEOWhere stories live. Discover now