TPC 7

1.4K 43 0
                                    

Nakahinga ako ng maluwag nang bumalik ang aking paningin. Hindi pa permanenteng mabubulag ako.

Tumingin ako kay Nolan. "Hintayin mo na lang ako sa labas."

"Okay, sir." Tumayo na siya at lumabas na ng bahay.

Tumayo na rin ako para puntahan si Athena sa kusina. "I'm giving you a week to think."

"Huh?" Lumingon siya sa akin. "Ano ang kailangan kong pag-isipan?"

"Kung papayag ka bang magpakasal sa akin."

"Ano?! No, no. Listen, Mason hindi ko ginusto na may nangyari sa atin. Nawala sa akin ang mahalagang trabaho dahil nalaman ng mga kasamahan ko na buntis ako."

"Bakit desperado kang magpa buntis sa akin kung hindi mo naman pala ginusto?" Tanong ko.

"Problemado na ako sa trabaho noon at saka isang dare lang kung bakit ko ito ginawa."

"Dare, huh? Bullshit na dare yan." Hinawakan ko siya sa wrist niya. Hindi ako natutuwa sa ginawa niyang dare at ako pa talaga. "Don't try me. Hindi mo kilala kung paano magalit ang isang De Luca."

"Sorry na..." Maluha luha niyang sabi.

"Ano magagawa ng sorry mo ngayon ah?! Kung alam ko lang isang dare ito ay sana hindi ako pumayag na may nangyari sa atin." Binitawan ko na ang braso niya at tumalikod na sa kanya.

Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nagalit. Mahaba talaga ang pasensya ko pero ngayon... inapakan niya ang ego ko sa ginawa niyang dare. Bwesit.

Lumabas na ako sa bahay niya at tahimik na sumakay sa kotse. Nasira ang araw ko ngayong. Bwesit, bwesit!

"Bad mood ka na ngayon. Ano nangyari sa inyo?"

"Hindi niya ginusto ang nangyari sa amin at nang dahil sa dare kaya niya nagawa iyon sa akin. Bwesit."

"Sa tagal na natin magkakilala ngayon pa lang kita nakitang magalit."

Tumingin ako kay Nolan. "Dahil sa babaeng iyon. Inapakan niya ang ego ko sa pinag gagawa niya noong gabing iyon."

"Nag-enjoy ka naman. Aminin mo–"

"Isa ka pa! Hindi ako nag-enjoy sa nangyari sa amin, okay?! Malalagot ako sa mga magulang ko kapag malaman nila ang ginawa ko. May nabuntis akong babae nang dahil sa dare. Arggh..." Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustrated.

"Saan ka nga pala galing kanina?"

"Agency. Humingi ng tulong sa akin kanina si Stefan dahil absent yung kasama niya sa modelling."

"Pero wala ka naman alam sa modelling."

"Iyon na nga ang sinabi ko sa kanya pero naawa rin ako sa pinsan ko."

Tahimik na ang buong biyahe namin kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil marami akong kailangan tapusin na trabaho. Hanggang sa may kumatok sa pinto ng office.

"Come in." Sabi ko habang naka focus pa rin ang mga mata ko sa binabasang dokumento.

Bumukas na yung pinto ng office. "Sir." Inangat ko ang tingin kay Nolan. "Nandito yung daddy niyo."

Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang ginagawa ni daddy dito? Wala akong ginawang mali para pagalitan ako. "Papasukin mo, Nolan."

Nakita ko na ang pag-pasok ni daddy sa loob dahilan lumabas na si Nolan. "Bakit wala ka kahapon?"

"May importante lang po akong pinuntahan kahapon."

"Tungkol ba iyan sa kumpanya?"

"No, dad. Personal life ko. Alam ko pong labas ang personal kong buhay sa trabaho."

"Mas importante pa ba iyan sa kumpanya?"

"Not exactly."

"Anyway, binilin sa akin ng mommy mo na sabihin sa ito."

"Ano po yun?"

"I know it's already late to celebrate your birthday pero gusto ng mommy mo i-celebrate ang birthday. Invite your friends as well."

It's already 3 months at ngayon pa lang nila naisipan i-celebrate ang birthday ko. Hay naku...

"Okay po."

"This Friday."

"Okay po."

Lumabas na si daddy pagkasabi niya sa akin na may balak silang i-celebrate ang birthday ko after 3 months.

"Nolan..."

"Yes, sir?" Tinawag ko siya para lumapit sa akin. "May papagawa kayo sa akin?"

"Yes. Gusto kong tawagan mo ang mga kaibigan ko at imbitahan silang lahat."

"If you don't mind, may special occasion ba?"

"Nag-balak sila mom na i-celebrate ang birthday ko kahit sobrang tagal na noong birthday ko."

"I see... Sobrang dami ng kaibigan niyo, sir. Isa-isahin ko ba silang lahat?"

"Kung matyaga ka isa-isahin mo silang lahat."

"Si sir talaga. Ang dami kaya nila. Si Daisy, Isaac tapos yung kambal pa ni sir Dave at sir Theo."

"Konti lang iyan. Sa kambal si Stefan na lang ang sabihan para sabihin niya kay Serena. Tapos si Dan na rin ang sabihan mo. Wala akong tiwala kay Heaven baka kalimutan pa niyang sabihan ang kakambal niya."

Kaya ko naging kaibigan si Isaac at ang kambal kahit mas bata sila sa akin dahil magkakaibigan ang mga ama namin. Magkababata kasi sina daddy, tito Gael at tito David.

"Kailan gaganapin yung birthday mo?"

"This Friday. Imbitahin mo na rin pala si Gino." Hindi ko ganoon kaclose si Gino pero nakilala ko lang siya dahil kila Dan at Heaven. Ang sabi nila kamag anak daw nila si Gino. "At saka imbita ka rin."

"Thank you sa invitation, sir pero marami pa akong gagawin dito at sa bahay."

"Ganoon ba? Ayos lang. Ikaw naman ang kasama ko noong birthday ko."

Bumalik na ako sa trabaho dahil marami pa akong kailangan tapusin ngayon.

Sumandal muna ako sa swivel chair pagkatapos ng mga trabaho ko.

May narinig akong kumatok. "Sir?"

"Yes, Nolan?"

"Hatid ko na kayo sa condo niyo."

"Huwag na. Wala naman akong dalang kotse ngayon."

Ang totoo niyan hindi ako nagdadala na ng kotse para iwas diskrasya. Baka ano pa ang mangyari sa akin kung biglang nawawala ang paningin ko habang nagmamaneho ako.

"Dapat kasi magpa opera na kayo para maging normal na ulit ang buhay niyo."

"Sana ganoon kadali ang magpa opera."

Pagkabukas ng elevator ay hindi ko inaasahan makakasabay namin ni Nolan si tita Hailee – ang asawa ni tito David.

"Good evening, Mason." Bati niya sa akin.

"Good evening rin po, tita. Pauwi na ba kayo?"

"Oo. Kanina pa nga naghihintay sa akin si Dave sa lobby."

"Alam ko pong sinabihan na ni Nolan ang kambal kanina na dumalo sa birthday ko pero gusto ko pong maka sigurado kung natanggap ba nila ang invitation ko."

"Birthday mo? Hindi ba matagal na tapos ang birthday mo?"

"Opo pero ngayon pa lang kami mag-celebrate ng birthday ko."

"Sige, sasabihin ko sa kambal ang tungkol sa birthday celebration mo. Kailan ba?"

"This coming Friday po."

"Okay. Sasabihin ko sa kanila."

"Maraming salamat po, tita Hailee."

The Playful CEOWhere stories live. Discover now