TPC 14

1.1K 42 1
                                    

Athena's POV

"Girl, may papakilala ako sayo." Ani Emma. Lumipat na kasi ako ng bahay simulang pinalayas ako sa dati kong tirahan. Hindi na ako nakakabayad sa renta ko simulang nag-buntis ako kay Mika.

"Sino?" Kunot noo kong tanong. "Alam mo naman wala akong interest at baka tumanggi pa iyan kapag nalaman niyang may anak na ako."

"Ka-trabaho ko. Gwapo at matalino rin."

"Wala na talaga akong interest sa mga ganyan, Emma."

"Dahil ba mahal mo na ang ama ni Mika?"

"Huy! Baliw 'to. Wala akong sinabing mahal ko na siya. Inis at galit siguro pwede pa."

Naiinis at galit ako kay Mason dahil hindi siya nagparamdam sa akin. Kung busy man ay ang assistant niya ang pumupunta sa bahay na may dalang pudding pero wala. Kahit ang assistant niya wala na ring paramdam. Niisang tawag o text wala. Simula noon pinutol ko na ang ugnayan sa ama ni Mika.

"Kung wala ka pala nararamdaman sa kanya. Eh, pumayag ka ng makipag kita sa kanya."

"Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Ang kailangan ko lang ang anak ko."

"Kahit ngayon lang–"

"Mommy!" Lumingon ako noong tawagin ako ni Mika. "Pasyal po tayo. Bored na ako dito sa bahay."

Bakasyon na kasi ni Mika ngayon kaya wala siya magawa sa bahay. Hindi kasi siya pwede makipag laro sa ibang bata.

"Sakto. Punta kayo ni Mika sa mall tapos makipag kita ka sa kanya."

Kumawala ako ng hangin. "Fine. Ano ba ang pangalan niya?"

"Leon. Leon Tuazon."

"Ano ang itsura niya? Para naman hindi ako mahirapan hanapin siya."

"Heto oh!" Pinakita niya sa akin ang picture sa kanyang phone. "Gwapo, 'no? Matalino at mabait rin yan."

Pumunta na kami ng anak ko sa mall para makipag kita doon sa ka-trabaho daw ni Emma. I doubt it. Sa dami pa naman gustong pakilala sa akin ni Emma ay imposible lahat sila ay ka-trabaho niya.

"Mommy. Mommy, bili mo po ako ng doll." Sabi ni Mika sa akin. Tumingin ako sa glass window. Nandito pala kami sa tapat ng toystore at may display silang doll.

Binaling ko ang tingin kay Mika. "Next time na lang. Promise bibilihan ka ni mommy ng doll kapag may pera na ulit ako."

Nag-lakad na ulit kami ni Mika para pumunta sa kainan na sinasabi ni Emma sa akin. Pagkarating namin ay nilibot ko na ang paningin ko.

"Kakain na po ba tayo?" Tanong ni Mika.

"No. Makikipag kita lang si mommy."

"Lalaki na naman po ba?" Tumingin ako kay Mika habang lumalabi ito. "Ayaw ko po ng ibang lalaki. Gusto ko ang daddy ko kahi–"

Lumuhod ako sa harapan ng anak ko. "Ilang beses ko ba sinabi sayo na huwag mo ng babanggitin ang tungkol sa daddy mo. 6 years siyang walang paramdam at hindi ka nga niya kinakamusta."

"I hate you, monmy! Gusto ko ang daddy ko!" Tumakbo palabas ng restaurant si Mika.

"Mika!" Sigaw ko dahilan tumingin sa akin ang ibang tao. Agaw atensyon ang ginawa ng anak ko.

Tumayo na ako para hanapin ang anak ko. Mas mahalaga pa sa akin si Mika kaysa sa ibang tao.

"Um, excuse me." Lumingon ako na may narinig akong boses sa likod ko. Siya yung lalaki na ka-trabaho daw ni Emma.

"Pasensya na. Kailangan ko hanapin ang anak ko."

"Ayos lang. Tutulungan kitang hanapin ang anak mo." Sabi niya.

"Talaga? Salamat."

Nag-simula na kami mag-hanap kay Mika pero sa laki pa naman ng mall na ito hindi ko alam kung saan siya pumunta. Paano kung may masamang tao ang dumukot sa kanya? O kaya may ginawang masama sa anak ko – hindi, hindi. Walang masamang mangyayari sa kanya.

Bumalik na ako sa tapat ng restaurant dahil doon ang meet up namin kapag nakita na si Mika.

"Nakita mo ba ang anak mo?" Tanong niya.

"Hindi ko siya makita. Nag-tanong na rin ako sa ibang tao kung nakita ba nila si Mika." Naluluha kong sagot sa kanya. Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko.

"Tito Leon?" Pareho kami napalingon pero namilog ang mga mata ko ng makita kung sino 'yon.

"Mason, ano ang ginagawa mo rito?"

Shit. Kamag anak ni Mason ang lalaking kasama ko ngayon. Pero napansin kong may kasama siyang babae – maganda, maputi at medyo singkit ang mga mata. May naging girlfriend na pala siya kaya wala ng paramdam sa akin noon. Sabagay magulang nga lang kami ni Mika pero matagal na siyang walang uganayan sa amin.

"Sinamahan ko lang po si Mei ngayon." Sagot niya pero yumuko ako ng tumingin siya sa akin. Mukhang okay na siya ngayon.

"Ikaw pala iyan, Mei. Hindi na kita nakilala." Sabi niya. Kilala niya rin pala ang girlfriend ni Mason.

"Oo nga po, eh. Si daddy kasi dinala pa ako sa Japan para doon pinag aral nang middle school."

"Pasensya na sa inyo ah. May hinahanap pa kasi ng kasama kong bata."

"Heto ba yung hinahanap niyo?" Tumingin si Mason sa likuran niya at doon ko lang nakita si Mika. Shit. Ang ama pa niya ang nakakita sa kanya.

"Mika!" Naluluha akong lumuhod sa harapan ng anak ko.

"Mommy, sorry po."

Niyakap ko si Mika. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ko makita ang anak ko. "Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina. Nag-aalala ako sayo."

"Salamat, Mason dahil nakita niyo siya."

"Wala yun, tito. Naaksidente namin siya nakita ni Mei sa tapat ng toystore." Tumingala ako sa kanya sa narinig. Bumalik si Mika doon.

Matalino ang batang 'to. Sa edad niyang anim na taong gulang madali niyang makabisado yung mga nadadaanan namin. Ang sabi nga ng teacher niya gifted daw si Mika sa sobrang talino. Nag-mana yata sa ama niya.

Tumayo na ako saka binuhad si Mika. "Um, uwi na kami ng anak ko."

"Sige, ingat ka sa pag-uwi mo." Sabi ni Leon kaya ngumiti ako sa kanya. Sa tingin ko mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Mabait nga siyang tao at sigurado akong makakahanap pa siya ng babaeng walang anak.

Tiningnan ko si Mika ang sarap na ng tulog habang karga-karga ko siya.

"Can we talk?"

Lumingon ako sa likod dahil sumusunod sa akin si Mason. "Wala na tayo dapat pag-usapan."

"We need to talk, Athena."

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ano ba ang hirap intindihin sa sinabi ko, Mason? Wala tayong pag-uusapan."

"We need to talk." Ulit niya. Ugh– ang kulit niya.

Kumawala ako ng hangin. "Okay, fine. Ako muna ang magsasalita sa atin. Bakit wala kang paramdam sa akin ng ilang taon?"

"I'm sorry. Nalaman kasi ni dad ang kalagayan ko kaya pinadala niya ako sa ibang bansa para doon magpa opera."

Hindi na pala siya mabubulag. Pwede na niyang – hindi, hindi. Wala siyang karapatang makita si Mika o makilala man lang.

"Eh, sana inutusan mo ang assistant mo."

"Kasama ko rin si Nolan doon. Binilin ni dad na samahan niya ako doon. Pero pagkabalik na pagkabalik ko ng Pilipinas ay pinuntahan kita sa bahay mo kaya lang ang sabi ng kapit bahay mo ay lumipat ka daw. Sa loob ng anim na taon ay hinahanap kita, Athena."

"Hinahanap mo ko?"

"Oo pero hindi ko alam kung saan kita makikita."

The Playful CEODove le storie prendono vita. Scoprilo ora