TPC 5

1.4K 47 0
                                    

Before we start please like my page.

https://www.facebook.com/skyepineWP/

~•~•~

Mason's POV

Makalipas ng ilang buwan ay mas lalong lumala ang pag-wala ng paningin ko kapag hindi pa rin ako magpa opera. Natatakot ako baka tuluyan na akong mabulag dahil mababa lang ang tsansa maging tagumpay ang operasyon. Inaabala ko na nga ang sarili ko para makalimutan ang problema ko. Wala kahit sino sa pamilya ko ang nakaalam na mabubulag ako maliban kay Nolan. Siya ang kasama ko noong magpatingin ako sa doctor.

Hinihilot ko ang sentido ko dahil sobrang stress na rin ako sa trabaho.

"Mason..." Dinilat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni daddy. "Mag-usap nga tayong dalawa."

"Ano po ang gusto niyong pag-usapan?"

"Ano ba itong naririnig ko na may kumakalat na tsismis may babaeng lumabas sa condo unit mo 3 months ago? Umamin ka nga sa akin may naging girlfriend ka na ba?"

"What? Wala po akong girlfriend, dad."

Tungkol sa babaeng iyon ay wala na akong balita sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung nabuntis ko ba o hindi, eh. Ang dami ko ng problema tapos dumagdag pa yung babaeng iyon. Tsk.

"Walang problema sa amin ng mommy mo kung magkaroon ka man ng girlfriend pero sana huwag mong i-tago sa amin."

"Wala nga po akong girlfriend. Kahit i-tanong niyo pa si Nolan. Siya ang madalas kong kasama."

"Siguraduhin mo lang wala kang tinatago sa amin ng mommy mo."

Tumingin ako sa pinto noong kumatok si Nolan. "Excuse me, sir. May papapirma lang akong dokumento sa inyo."

"Sige. I-lagay mo na lang yung dokumento sa desk ko."

"Nolan..."

"Yes po, sir Red?"

"May tinatago bang babae ang anak ko?"

"Wala ho. Kung meron man ako ang unang tao ang makakaalam noon, sir Red. Ako ang madalas na kasama ni Mason kahit saan siya pumunta."

"Told you, dad. Wala akong tinatagong babae sa inyo. Hindi ko alam kung saan niyo nasasagap ang tsismis na iyan."

Akala ko ba bawal ang tsismis sa kumpanya? Mukhang si daddy pa ang nagsisira ng sarili niyang rules. Kahit ako na ang bagong CEO ay hindi ko inalis ang 10 rules ni daddy. Malaking tulong sa akin ang sampung batas na ginawa ni daddy para professional ang mga empleyado ng DL Corp.

"Iyon lang ang pinunta ko dito." Lumabas na si daddy sa office.

Kumawala ako ng hangin pagkalabas ni daddy. "We better find that woman, Nolan."

"Huh? Akala ko ba..."

"Bago pa man ako mabulag ay gusto kong makita ang anak ko. Pero hindi tayo sigurado kung kailan ako mabubulag."

"Kaso wala kang information tungkol sa babae. Paano natin siya mahahanap?"

Nolan's right. We never talked about our personal information. I don't even know her name but I know her job. Sa dami pa namang studio sa buong Pilipinas, saan ako magsisimula? And also I don't remember how she looks like but I can't forget her scent. Her sweet scent.

"Kahit anong mangyari hanapin mo siya. O kumuha ka ng information tungkol sa kanya."

"Paano kung wala pa lang bunga ang nangyari sa inyo noong gabing iyon?"

"Edi wala. Hindi masisira ang pangalan namin at hindi ako mapipilitang pakasalan ang isang babaeng hindi ko kilala o mahal kapag nalaman ni daddy at mommy ang ginawa ko noon."

"Gagawin ko ang lahat na makakaya ko para mahanap lang yung babae."

"Thanks, Nolan."

Nagpasama ako kay Nolan na magpa check up ngayon dahil biglang nawala ang paningin ko kanina habang nagtatrabaho.

Pumasok na kami sa loob ng clinic nang tawagin na ang pangalan ko. Tiningnan na ng doctor ang mga mata ko at kung ano pa ang ginawa.

"Mr. De Luca, kailangan niyo na ho talaga ang magpa opera sa madaling panahon."

"Bakit, doc? Mabubulag na ba ako?"

"Maaari. Hindi ko masasabi kung kailan kayo mabubulag. Pwede mamaya, bukas, sa makawala..."

Walang problema sa akin sa mga gastusin. Ang problema ay ako. Ako ang problema dahil takot ako – takot ako sa magiging resulta pagkatapos ng operasyon.

Pagkatapos ng check up ko ay umalis na kami ni Nolan sa clinic.

"Mason, bilang kaibigan mo ay magpa opera ka na. Kung gagawin mo iyon ay kahit kailan pwede mong makita ang anak mo. Kung matatagalan ang paghahanap ko doon sa babae."

Hindi ko na sinagot pang muli si Nolan dahil tuloy-tuloy akong pumasok sa elevator.

"Mason, kahit minsan makinig ka sa akin. Huwag mo sana kalimutan hindi mo lang ako assistant, kaibigan mo pa ako."

"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko sa sitwasyon ko ngayon."

"Kung hindi magiging tagumpay ang operasyon ay nandito ako para maging mata mo pero hindi ko sinabing hindi magiging tagumpay. Naniniwala akong makakita ka ulit."

Dumeretso na ako sa kwarto ko pagkauwi sa bahay at humiga sa kama.

Kumawala ako ng malalim na hangin. Paano kung tuluyan na akong mabulag? Hindi ako pwedeng tumira pa dito baka malaman nila. Ayaw kong mag-aalala sa akin si mommy.

Sana pwedeng i-balik ang narakaan na wala akong iniisip na problema sa buhay. Ineenjoy ko lang ang mga bagay-bagay.

Habang kumakain ng hapunan ay sobrang tahimik. Lahat na tao seryoso ngayon kahit sina Gaia at Ryan nga hindi nagsasalita. Paano ko ba sasabihin sa kanila na sa condo na ako titira?

"Mom... Dad..." Pareho silang tumingin sa gawi ko.

"Yes, Mason?" Sagot ni mommy.

"Gusto ko sana sabihin sa inyo na... kung pwede po bang sa condo na ako tumira."

"Mason naman. Mag-aalala ako sayo kung humiwalay ka sa amin. Paano kung magka sakit ka? Sino ang mag-aalaga sayo doon?"

"Mimi, payagan mo na ang panganay natin. Malaki na si Mason at alam na niya ang ginagawa niya." Ani daddy.

"Sige na nga. Pumapayag na akong sa condo ka tumira pero bumisita ka dito tuwing weekend."

"Yes, mom." Nakangiting sagot ko.

"Kailan ka lilipat?" Tanong ni daddy sa akin.

"Mamaya po, dad."

Pagkatapos kumain ay nag-impake na ako ng mga gamit ko.

"Kuya." Lumingon ako sa likod at nakita ko ang kapatid kong si Ryan. "Mamimiss kita."

"Ano ka ba, Ryan. Bibisita ako sa inyo."

"Kuya, mamimiss rin kita." Sabi naman ni Gaia.

"Halika nga kayong dalawa." Niyakap ko ang dalawa kong kapatid.

"Wala na kasi mang lilibre sa akin ng pag-kain."

"Puro ka pag-kain, Gaia. Sige ka walang lalaki ang magbabalak ligawan ka kung sobrang takaw mo. Baka maubos lang ang pera nila nang dahil sayo." Biro ko sa kapatid.

"Si kuya talaga. Aalis na lang mangbibiro pa sa akin."

"Nagsasabi lamang ako ng totoo." Natatawang sabi ko. "Mag-bago ka na para may mang ligaw sayo pero bago ang lahat ay pakilala mo muna yung lalaki sa amin. Dapat pasado siya sa amin ni daddy."

"Kuya naman. Wala akong balak pumasok sa isang relasyon. Gusto ko muna grumaduate at magkaroon ng trabaho bago ang bagay na iyan."

"That's good. Mabuti iyan."

"Baka nga si Ryan ang unang magkaroon ng girlfriend."

"Bakit ako? Bata pa ako, ate."

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon