TPC 24

1.2K 35 2
                                    

"... ir? Sir?!"

Kumurap ako dahil nawala sa isipan ko nasa harapan mo nga pala si Nolan. Yes, bumalik na ako sa kumpanya namin. "Sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo sa akin?"

"Ugh. Ang dami kong sinasabi dito pero niisa wala kang narinig. Pasalamat ka, Mason boss kita. Baka ano pa ang gawin ko sayo ngayon."

"Sorry talaga. Ano ba kasi yung sinasabi mo kanina?"

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na wala na kayong meeting ngayong araw. Baka gusto niyong bisitahin ang anak niyo."

"Wala nga akong meeting ngayon pero tambak naman ng mga paperworks." I sighed. Pinarusahan na nga ako ni daddy dati. Kinuha na niya ang lahat sa akin noon tapos pag balik ko sa kumpanya heto ang naabutan ko. Tambak ng paperworks.

Narinig ko ang pag tawa ni Nolan kaya tiningnan ko siya ng masama. "Sorry. Uuwi na ako. Good luck sa mga paperworks, sir."

"Bago ka nga pala umuwi sa inyo puntahan mo ang mag-ina ko sa ospital. Pero bago ang lahat ay bumili ka muna ng pink tulips."

"Pink tulips? Kung para kay ms. Athena 'yan ay dapat ginawa mo ng red tulips."

"Ikaw ba itong nang liligaw ah?"

Umiling ito. "Hindi, sir."

"Hindi naman pala. Mas magaling ka pa sa nang liligaw kay Athena. Oh, sige, samahan mo na rin ng red tulips para manahimik ka na." Binigay ko na kay Nolan ang pera at doon na siya umalis. Lakas talaga ng trip ng taong iyon. Ano kaya ang nangyari doon? Tanda ko noong nag aaral pa kami ay lagi nabubully tapos ngayon siya na ang bully.

Anong oras na ako umuwi sa bahay kanina dahil sobrang daming paperworks na kailangan tapusin. Tinanghali na nga ako ng gising.

Nagpasya akong bisitahin si Daisy para kamustahin siya at makita na rin ang anak nila. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

"Mason." Masaya si Daisy nang makita niya ako.

"Hi." Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid dahil hindi ko pa nakikita si Gian. "Nasaan pala ang asawa mo?"

"Marami yata siya ginagawa ngayon pero baka mamaya nandito na rin iyon. Bakit mo siya hinahanap?"

"I see." Kinuha ko yung silya at nilagay sa tabi ng kama ni Daisy saka umupo. "I'm sure alam mo na ang ginawa ko dati sa isang business partner namin."

"Yeah. Kilala kita, Mason at alam kong hindi ka gagawa noon na walang dahilan."

"Kaya ngayon kailangan kong makausap si Gian para tanungin kung okay ba sa kanya na makipag collaborate sa DL  Corp."

"Akala ko may binigay na sayo ang assistant niya."

"Wala ako natatanggap na kahit anong kontrata na pipirmahan."

"Kasi noong dinukot ako ng ama ni Gian ay tinawagan niya ang kanyang assistant na ibigay sayo yung kontrata."

Wala talaga akong maalala na may natanggap akong kontrata dati. Kakausapin ko nga mamaya si Nolan kung may binigay ba sa kanya ang assistant ni Gian.

"How are you?"

"Masaya dahil dumating na sa amin si Luke."

"Luke? Lalaki pala ang naging anak niyo."

"Yup. And I named him Gian Luca."

"Sino kamukha?"

"Obviously, si Gian ang kamukha ng anak namin pero ayos lang. Mahal ko yung tao. Sana ikaw o kaya isa sa kambal ang susunod na ikakasal at magkaroon ng sariling pamilya."

Tumawa ako. "I have daughter already, Daisy."

"Talaga? Ang daya mo, Mason hindi mo sinabi sa akin may anak ka na pala. Alam na ba ng iba?"

Umiling ako. "Wala pang alam ang iba maliban kay Mei. Siya kasi yung kasama ko dati sa mall noong makita ko ang mag-ina ko."

"Ang daya ni Mei nandito siya kahapon pero hindi niya sinabi sa amin."

Tumawa ulit ako. "Maybe she don't want spoiled the surprise."

"Ilan taon na ang anak mo?"

"She's already 6 years old."

"Oh my God! Mason, anim na taon mong tinago sa amin na magkaroon ng anak. Wala ka bang tiwala sa amin?"

"Sorry. Alam kong mali ang ginawa ko dati na tinago sa inyong lahat ang tungkol sa kanila. Pangako, pagkalabas mo rito sa ospital ay papakilala ko sa inyo ang mag-ina ko."

"Don't break your promise, Mason."

I laughed again. "May isang salita ako, insan."

May kumatok sa pinto at sa tingin ko baka si Gian na iyon. Bumukas na rin ang pinto.

"Hi, wife. Sorry kung ngayon lang ako."

"It's okay. Nandito nga pala si Mason at may gusto siya sasabihin sayo."

Lumingon ako. "Hi."

"Hey. Ano ang gusto mong sasabihin sa akin?"

Tumayo muna ako at lumapit sa kanya. "Gusto mo pa rin ba makipag collab sa amin?"

"It's my pleasure to take the opportunity. Bakit ko pa tatanggihan 'yan? Tuloy na talaga ang collaboration nang DL Corp at GCA Group of Companies. Ako mismo ang pupunta sa kumpanya mo para sa kontrata."

"Thank you, Gian. Pero may isa pa ako gustong malaman."

"Ano yun?"

"May binanggit sa akin kanina si Daisy na inutusan mo daw yung assistant mong ibigay sa akin yung kontrata dati pero wala akong natanggap."

Naging seryoso ang mukha niya. "Maybe, I talked with my assistant. Kahit may ideya na si Tres nasa panganib ako pero alam niyang gagawan ko ng paraan."

Lumapit na si Gian kay Daisy at umupo ito sa kama. Naririnig ko ang pinag uusapan nilang dalawa.

Humarap ako saka tumikhim. "Alis na ako. Ayaw kong maging third wheel sa inyo."

"Ayaw mo bang makita si Luke?"

"Maybe next time. Makikita ko rin naman ang anak niyo pag-labas niyo rito." Lumabas na ako sa hospital room. Damn it. Ang sweet nilang dalawa at na-inggit ako. Sana ganoon rin ka-sweet sa akin si Athena.

Speaking of Athena, pupuntahan ko sila kaso biglang may tumawag sa akin – it was Nolan.

"Hello."

"Sir, nasaan kayo?"

"Ospital. Bakit?"

"Naku. May meeting kayo mamayang alas tres."

Tiningnan ko ang orasan ko. Almost 3pm na. "Shit. Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon na may meeting ako ngayon?!"

Hindi ako pwede pumunta sa kliyente ko na ganito ang suot ko at wala na akong oras para umuwi sa amin para mag palit ng damit. Takte naman itong si Nolan. Lagot talaga siya sa akin.

"Pasensya na, sir. Biglaan rin itong meeting niyo. Wala sa schedule niyo."

Fuck, fuck.

Kahit anong mura ko ay wala na akong magagawa. Kailangan ko ng mag madali para hindi mag hintay ang kliyente ko.

The Playful CEOWhere stories live. Discover now