TPC 11

1.2K 43 1
                                    

"Sorry if you have to hear that. Wala akong ideya kung gaano bang delikado ang ama ni Gian." Sabi ko. Umupo na ako sa sofa.

Umiling siya at umupo na rin sa tabi ko. "Ayos lang."

"Nandito ka na rin naman. Bakit hindi tayo magpakilala para kilala natin ang isa't isa?"

"Ano ang gusto mong malaman tungkol sa akin?"

Humarap ako sa kanya. "I have an idea. I will ask you a question then you will answer. After that you will ask me. Alternate question and answer."

"Okay. Sino ang mauuna sa atin?"

"Lady's first. Kaya ikaw muna."

"Lumaki ka ba talaga sa simpleng buhay? Nabanggit mo kasi kanina."

"Yup. Wala akong ideya na mayaman pala ang ama ko. Wala kasi siya habang lumalaki ako tapos yung inakala kong kapatid ay mommy ko pala. Wala kasi sa plano ang pag-dating ko kaya tinakwil si mommy ng pamilya niya at huminto pa siya sa pag-aaral noong pinagbubuntis pa niya ako. Sinasabay niya noon ang trabaho at pag-aaral para may makain kami saka makapag tapos siya sa pag-aaral. Apat na taong gulang na yata ako noong nalaman ko ang katotohanan."

"Kaya naman pala..."

"Bakit ka pumayag sa dare noong gabing iyon?" Tanong ko.

"Sinabi ko na sayo ang tungkol diyan. Problemado ako sa trabaho tapos hindi pa ako pasado sa in-audition ko para makuha ang inaasam kong role."

"I thought you're a film maker."

"Oo pero aktres rin ako. Kaya lang extra lagi ang role ko. Ang gusto ko sana yung main role pero hindi ako pinalad. Wala akong talent sa pag-arte. Ilan taon ka na?"

"I'm 21."

"Ang bata mo pa pala."

"How about you?"

"19."

"19 ka pa lang?! Tapos nagtatrabaho ka na. Dapat nag-aaral ka pa ah."

Ngumiti siya ng pilit sa akin. "Wala tayo magagawa. Kailangan ko huminto sa pag-aaral. May mga kapatid ka ba?"

"Meron. Tatlo kami magkakapatid. Ako ang panganay, ang sumunod sa akin babae tapos lalaki ang bunso.."

"Saya siguro ang magkaroon ng kapatid, no?"

Tumingin ako sa kanya at kitang kita sa mga mata niya ang kalungkutan. "Sa anong dahilan kung bakit ka huminto sa pag-aaral?"

"Biro lang. Maaga ako nakapag tapos sa pag-aaral sa tulong ng lola ko. Siya kasi nagpalaki sa akin habang nasa ibang bansa ang mama ko nagtatrabaho."

"Loko ka talaga. Ang akala ko pa naman huminto ka sa pag-aaral."

"Sorry." Nag-peace sign ako. "Ginusto mo bang maging CEO ng DL Corp?"

Umiling siya. "No choice ako dahil wala sa mga kapatid at pinsan ko interesado humawak sa kumpanya namin. Kaya nga ang isang branch namin ay ang tito ko pa ang CEO. Where are your parents?"

"Hindi ko nakilala kung sino ang ama mo kaya wala akong ideya kung nasaan siya tapos nasa ibang bansa naman si mama. Baby pa lang kasi ako ay si lola na ang nag-aalaga sa akin. Mga pitong gulang yata ako noong sinabi sa akin ni lola na may ibang pamilya na si mama kaya hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Kinalinutan na niyang may isa pa siyang anak dito."

"Hindi ka only child?"

"Daya! Ako na ang magtatanong sayo."

"Oh, right. Sorry."

"Ano ba ang mga pangarap mo sa buhay?"

"Mga pangarap ko sa buhay? Ano nga ba?" Pinag krus ko ang mga braso ko at tumingin sa kisame. "Hmm... simple lang ang pangarap ko, ang makapag tapos at magkaroon ng matinong trabaho ang dalawa kong kapatid."

"Mahal na mahal mo ang mga kapatid mo, 'no."

"Sobra. Close sa akin ang dalawa kong kapatid. Si Gaia – yung sumunod sa akin mabait iyon pero sobrang daldal tapos yung bunso si Ryan mabait rin at sobrang lambing. Ang sabi nga ng mga kaibigan ni daddy mabuti na lang wala nakuha sa pagiging mainitin ang ulo ni daddy." Natatawa ako sa tuwing naalala ko yun dahil pinagkaisahan noon si daddy.

"Mainitin ang ulo ng daddy mo?"

"Yeah. Before he met my mom."

"Sorry, ikaw na pala dapat ang magtatanong sa akin."

"It's okay. Naubusan na ako ng tanong."

"Wala ka pa ba naging girlfriend?"

"Wala pa. Ni minsan nga hindi pumasok sa isipan ko ang tungkol diyan. Focus ako sa pag-aaral noon kaya wala akong oras tapos ngayon graduated na ako kaya dito muna ako sa kumpanya. Marami pa naman panahon para sa bagay na iyan. Bata pa ako."

"Maswerte siguro ang magiging girlfriend mo."

"Siguro..." I munbled. "Mukhang hindi ka sigurado na magiging swerte ang girlfriend ko."

Tumawa siya. Ngayon ko pa lang siya narinig tumawa. "Yeah, hindi nga ako sigurado. Depende kung may oras na mag-aaway kayo."

"Grabe siya. Hindi naman ako papayag na lagi kami mag-aaway."

"Ang number one dahilan kung bakit nag-aaway ang mag-jowa dahil walang oras sa isa't isa."

"Kung magkaroon man ako ng girlfriend ay bibigyan ko siya ng oras kahit gaano pa ako busy sa trabaho. Kung mahal mo ang isang tao ay gagawa ng paraan para maging masaya ang partner mo." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya dahilan pinikit niya ang mga mata niya. "Sino nga pala yung lalaki kasama mo dati?"

Dumilat siya muli. "Huh? Sinong lalaki? Wala akong kasamang lalaki dati."

"Nakita ka noon ni Nolan na may kasamang lalaki pero hindi ko alam kung saang lugar ka niya nakita."

"Baka mga katrabaho ko iyon sa studio. Ang iba kasi sa kanila ay kasama ko sa project."

Tumango ako saka tumingin sa orasan. "Malapit na pala gumabi. Hindi ka pa ba uuwi? Delikado pa naman umuwi ng gabing gabi."

Tumayo na siya. "Bibili pa ako ng hapunan bago umuwi."

"Saan nga pala naglilihi?"

"Pudding."

Kumurap ako. Ang paborito ko pang dessert. "Pudding?"

"Hindi mo alam ang pudding?"

"I know what pudding is. Paborito ko kasi ang pudding kaya nagulat ako na gusto rin pala ni baby kumain ng pudding. Uutusan ko si Nolan bukas na bumili ng pudding at ipadala sayo."

"Huwag na. May malapit na bilihan ng pudding sa amin."

"No, you're my responsibility. "

"Okay, if you really insist."

Tumayo na rin ako. "Um, can I kiss you before you go?"

Tulala nakatingin sa akin si Athena. Naging estatwa na.

Nag-kamot ako ng ulo. "Tsk. Never mind. Ingat ka lang sa pag-uwi mo."

Bakit ko ba iyon sinabi sa kanya? At yung kanina muntikan ko na siyang halikan mabuti na nga lang napigilan ko ang sarili ko. Shit.

The Playful CEODove le storie prendono vita. Scoprilo ora