TPC 28

1.2K 38 4
                                    

Hindi ako makapaniwala ang kukunin niyang isa sa mga kilalang abogado. Si Faye Acosta. Kilala ang pamilya niyang magaling na abogado. Pero ang pagkaalam ko ang isang professional attorny ay mahal ang singil lalo na sa kagaya niya.

Hanggang sa naipanalo ko yung laban. Kahit anong gawin niya ay ako pa rin ang panalo.

"Hmph." Tumalikod na ako para lumabas na kaso parang may pumipigil sa akin.

"Mason..." Huminto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. "Parang awa mo na... hindi ko kayang mawala sa akin si Mika."

Lumingon ako kay Athena. "Win is a win. Tanggapin mo na lang–"

Namilog ang mga mata ko ng makita kong nawalan siya ng malay. Shit.

"Hoy. Shit." Binuhat ko na siya para madala sa ospital. Kargo ko pa kung ano nangyari sa kanya.

Bago ko pinaandar ang kotse ay tinawagan ko muna si Nolan.

"Napatawag ka, Mason. Hula ko nana–"

"Wala akong oras para sabihin sayo ang nangyari. Dalhin mo si Mika sa ospital."

"Bakit? Ano nangyari?"

"Mamaya ko na lang sasabihin sayo. Basta dalhin mo si Mika sa ospital."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Athena at wala pa rin yung resulta ng test niya.

"Daddy." Nakikita ko na si Mika tumatakbo papunta sa akin. "Ano po nangyari kay mommy?"

Lumuhod ako sa harapan ng anak ko para makapantay kami. "Mika, listen."

"Okay po."

"Huwag na huwag kang aalis sa tabi ng mommy mo hangga't hindi pa siya nagigising. Alagaan mo rin siya ng mabuti."

Tumango siya sa akin. "Okay po, daddy."

Tumayo na ako at tumango ako kay Nolan bago umalis.

"Mason..." Tawag niya sa akin. "Sandali lang! Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano nangyari kanina? Kung bakit nandito si ms. Athena."

"Bigla siyang nahimatay kanina at wala pa akong alam kung ano ang resulta. Wala akong oras para hintayin kung kailan lalabas ang resulta niya."

Pagkauwi ko sa bahay ay isang malakas na suntok ang tanggap ko kay daddy.

Hinatak ni daddy ang suot ko. "Ano na naman ba itong ginawa mo ngayon, Mason?! Kinuha mo yung anak niyo sa ina niya! Ano ba iyang pumasok sa isipan mo ah?!"

"Red, tama na 'yan." Awat ni mommy.

"Binatawan mo ko, Tifa! Gusto kong turuan ng leksyon itong panganay natin! Hindi natin siya pinalaki para maging ganito."

"Tsk." Lumabas ulit ako ng bahay.

"Mason, saan ka pupunta?" Tanong ni mommy sa akin.

"Magpapalamig na muna ng ulo."

Bakit ganoon? Ako pa tuloy ang lumabas na sama dito, siya itong may malaking kasalanan sa akin pero ako itong masama.

Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta para mag palamig muna ng ulo hanggang sa makarating ako sa isang bahay. Ang bahay nila Nolan.

"Mason?"

"Hello, kuya Hans."

"Wala si Nolan dito. Hindi ko nga alam kung saan siya pumunta."

"Alam ko po."

"Pasok ka muna sa loob."

First time ko nga pala pumasok sa bahay nila Nolan dahil madalas si Nolan sa bahay para turuan niya noon.

"May problema ka ba?"

"Ayos lang po ako."

"Kahit hindi mo sabihin sa akin ay nakikita ko sa mga mata mo na may problema ka. Isipin mong nakakatandang kapatid mo ko kaya handa akong makinig sayo."

Sinabi ko lahat kay kuya Hans simula noong nahuli kong may kahalikan si Athena hanggang sa nangyari kanina sa bahay.

"Mason, alam kong matalino ka at naiintindihan mo ang nangyayari. Alam ko masakit ang nasaksi mo noon pero hindi tama ang kunin mo ang anak niyo."

"Hindi ka po ba nagulat na nalaman niyong may anak na ako."

Umiling ito. "Sa akin lagi sinasabi ni Nolan ang mga problema niya at madalas ko rin napapansin umaalis ang kapatid ko sa alanganing oras. Sinabi niya rin sa akin na may babae kang nililigawan dahil may anak kayo."

"Ganoon po ba? Um, salamat po."

"Wala naman akong ginawa pero buksan mo ang mga tenga mo at hayaan mo siyang makinig sayo. Dahil sa nakikita ko ay mahal mo pa rin siya."

"Salamat pa rin. Sige, uwi na ako, kuya."

"Sige, ingat ka sa pag uwi mo."

Pag labas ko ng bahay nila ay nakita ko si Nolan naglalakad.

Nagulat siya pagkakita sa akin. "Mason? Ano ang ginagawa mo rito?"

"Dito ako dinala ng mga paa ko kanina. Sige, uwi na ako." Nilagpasan ko na si Nolan pero huminto ulit noong nag salita siya.

"Ayaw mo bang alamin ang kalagayan ni ms. Athena ngayon?"

"Ano ang resulta kung bakit siya nahimatay kanina?"

"Ilang gabi na daw siya walang tulog at may isa pang sinabi ang doctor na huwag daw siyang bigyan ng problema o stress."

"Okay."

"Buntis siya at hindi lang iyon... kambal pa." namilog ang mga mata kong lumingon kay Nolan. "Alam kong ikaw ang ama ng kambal."

Shit. Buntis siya na hindi niya alam at may bunga pala yung may nangyari sa amin.

"May pinapa sabi nga pala siya sayo."

"Ano yun?"

"Maraming salamat at hindi ka na niya guguluhin pang muli."

"Hmph. Parang iyan din ang sinabi niya noong unang beses namin pagkikita."

Nag paalam na ako kay Nolan na uuwi na kaso hindi mawala sa isipan ko ang sinabi niyang buntis si Athena. Shit. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ulit ng bunga ang ginawa ko. Hindi lang isa, kundi dalawang bata ang dinadala niya ngayon.

"Ugh." Ginugulo ko ang buhok ko. Ano ba ang ginawa ng babaeng 'yon sa akin? Hindi naman ako ganito dati bago ko siya nakilala. "Asar."

I don't know what to do. Kung pupuntahan ko siya ngayon ay panigurado akong tulog na siya. Anong oras na rin.

Makauwi na nga muna at bukas ko na lang siya pupuntahan.

Pagkauwi ko sa bahay ay deretsong akyat ako pero huminto ako ng narinig ko ang boses ni mommy.

"Saan ka galing, Mason? Nag aalala ako sayo ng bigla kang umalis."

"Nag palamig lang po ako ng ulo pero huwag na kayo mag aalala ngayon dahil okay na ako."

"Kung may problema ka ay nandito lang naman kami ng daddy mo."

Alam ko naman iyon pero ayaw ko namang dagdagan pa sila ng problema. Hindi na bumabata ang mga magulang ko.

Humarap ako kay mommy na ngayon ay nakatalikod na sa akin. "Um, mom."

Humarap ulit sa akin si mommy. "Ano yun?"

Umiling ako. "Nothing. Good night po."

"Alam kong pagod ka ngayon kaya mag pahinga ka na. Good night."

The Playful CEODonde viven las historias. Descúbrelo ahora