TPC 17

1.2K 43 4
                                    

"Daddy." Tumingin ako kay Mika. "Ibig po bang sabihin makakasama ka na namin?"

Hinaplos ko ang kanyang buhok saka ngumiti. "Soon, baby."

"Yay!"

"Mika, doon ka muna sa sala at manood ng tv." Tumayo na si Mika para pumunta sa sala nila.

"Ngayon kilala na ako ni Mika bilang ama niya. Kakausapin ko ang pamilya ko para pakilala ko kayo."

"Bakit kasama pa ako? Si Mika na lang ang pakilala mo sa pamilya mo, Mason."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang sinabi niya. "You are the mother of Mika and I need to introduce you as my soon to be wife dahil tatanungin ako especially mommy kung sino ang ina ng anak ko."

"I don't know, Mason. Wala tayong label baka ano pa ang isipin nila sa akin."

"Before I'm going to tell them, I'm going to court you first."

"Huh? Seryoso ka ba? You don't even love me. Para saan pa? Ginagawa mo lang naman ito para–"

"Wala akong sinabi na ganyan. Ikaw lang ang nag-sabi na wala kang nararamdaman sa akin. You don't even ask me if I have a feelings toward you."

"Huh? M-May nararamdaman ka para sa akin?"

"I don't know. Ang iniisip ko lamang ang anak ko pero noong sinabi ko kay Mei lahat kahapon ay tinanong niya ako kung mahal ko ba ang ina ng anak ko kaso hindi ko siya masagot. Tapos habang kasama ko yung mga tambay kahapon at tinanong rin nila ako. Doon ako napaisip."

At ngayon naalala na si Nolan pala ang unang tao nag-tanong sa akin kung may nararamdaman na ba ako kay Athena.

"So? May nararamdaman ka ba sa akin o wala?"

"I don't know..."

"Ah, bwesit ka talaga kahit kailan." Tumalikod na siya sa akin. Bakit ba siya nagagalit sa akin? Nagsasabi lamang ako ng totoo. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. "Kung tapos ka na kumain pwede ka ng umuwi sa inyo. Bukas pupunta ako sa DL Corp para i-balik sayo ang damit mo."

"Wala ako bukas. May business trip ako."

"Ibibigay ko sa assistant mo."

"Kasama ko rin si Nolan bukas."

"Sa susunod na lang kung hindi ka na masyado busy."

"Give me your contact number." Kinapa ko ang bulsa pero wala akong makapa at doon ko naalala hindi nga pala ito ang damit ko. "Where's my phone?"

"Doon ko nilagay sa center table ang phone mo."

"Ah okay. Wait." Tumayo na ako para kunin sa center table ang phone ko.

Nakita ko si Mika nakaupo lamang sa sofa at hindi siya nanonood ng tv.

Lumingon siya sa akin. "Daddy, totoo po bang mayaman kayo?"

Kinuha ko muna ang phone ko bago sagutin ang tanong niya. "Yes, baby. Bakit mo natanong?"

"Ibig po pala sabihin pwede ko na mabili yung mga laruan na gusto ko?"

"Mika, narinig ko ang sinabi mo."

"Pero mommy gusto ko po talaga yung doll na nakita ko kahapon."

"Pinag usapan na natin ang tungkol diyan kahapon, di ba? Kapag may pera na ulit si mommy saka natin bibilihin ang doll na gusto mo."

Bumalik na ako sa kusina. "Bakit ayaw mong bilihin ko yung doll na gusto niya?"

"Hindi naman sa ayaw ko pero ayaw kong lumaking spoiled brat si Mika. Sinabi ko na sayo dati na hindi ako sanay sa buhay mo. At saka ayaw ko rin lumaki ang ulo niya kapag lagi mong binibili ang mga gusto niya. Sa ganitong buhay ko pinalaki si Mika."

"Siguro nga sa ganitong buhay lumaki si Mika pero kaya mo bang buhayin ang anak natin?"

"Kinaya ko namang buhayin na mag-isa si Mika na walang tulong mo. Sinubukan kong bumalik sa dati kong pinag tatrabuhan pero hindi na nila ako tinanggap pero nag-hanap ako ng ibang trabaho para mabuhay kami. Nag-double shift pa ako. Janitress sa restaurant kapag umaga at waitress naman sa club kapag gabi."

"Fuck. Club?" Seryoso ba siya na nagtatrabaho rin siya sa club? Damn. "Sa dami pwede mong pasukang trabaho, bakit sa club pa?"

"Wala akong ibang choice. Mag-isa lang ako bumubuhay kay Mika."

"You better quit your job."

Hindi ko matatanggap kung may ibang lalaki ang gumagalaw kay Athena. Pwede kong ipasara ang pinag tatrabuhan ni Athena kapag nalaman kong may bumabastos sa kanya na customer.

"Pero wala na akong trabaho kung aalis pa ako sa club."

"Marami pang studio diyan na pwede mong applyan. At least iyon maayos ang trabaho. Hindi ko nga alam kung may customer sa pinag tatrabuhan mo ay manyak."

"Hindi naman maiiwasan ang ganyang customer sa club."

"Bullshit, Athena. Huwag mong ubusin ang pasensya ko kung ayaw mo kunin ko si Mika sayo."

Wala akong balak kunin si Mika sa kanya. Tinatakot ko lamang siya para umalis na siya sa club na iyon bago pa ako mainis.

"F-Fine. Basta huwag mo lang kunin sa akin si Mika."

"Good." Inabot ko na sa kanya ang phone ko. "I-lagay mo na diyan ang bago mong contact number."

Kinuha na niya ang phone ko at nilalagay na niya ang bago niyang contact number. Binalik na niya sa akin pagkatapos. "Here. Umuwi ka na sa inyo kasi ang dami ng missed calls galing sa mommy mo."

Agad kong tiningnan ang recent calls pati na rin ang messages. May 99 plus missed calls galing kay mommy at 90 unread message. May 20 missed calls galing naman kay Gaia. What the fuck? Lagot ako nito pag-uwi.

"Uwi na ako. Tatawagan na lang kita kung kailan ako hindi busy sa trabaho para i-balik mo sa akin yung damit ko." Lumapit muna ako kay Mika at lumuhod sa harapan niya. "Hindi ba gusto mo gawin rin ang ginagawa ng ibang bata?"

Tumango siya sa akin. "Opo, pero may sakit ako sa puso kaya hindi ako pwede makipag laro sa kanila."

Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Nangangako ang daddy gagawa ng paraang para gumaling ka."

"Talaga po?" Niyakap niya ako. Ang sarap pala sa pakiramdam. Ganito siguro ang naramdaman ni daddy nang malaman niyang may anak siya kay mommy.

"Yes, baby. I promise." Tunayo na ako. "I have to go."

"Kailan po kayo babalik ulit, daddy?"

"Masyadong busy ang daddy mo sa trabaho niya." Rinig kong sambit ni Athena.

"Promise, kapag hindi ako busy bibisitahin kita."

The Playful CEODonde viven las historias. Descúbrelo ahora