TPC 12

1.2K 40 0
                                    

Simula noon ay naging busy na ako. Ang daming kailangan pirmahan na dokumento tapos sunod-sunod pa ang mga meeting ko sa ibang kliyente. Sumasakit na ang ulo ko sa totoo lang tapos may oras na dumidilim ang paningin ko. Hindi ko na nga rin nakikita si Athena. Kung kamusta na ba siya.

Pinindot ko ang intercom. "Nolan."

"Sir? May papagawa ba kayo sa akin?"

"Pumunta ka sa office ko."

"Okay ho."

Dahil malapit lamang ang station ni Nolan kaya may narinig na ako agad katok sa pinto.

"Come in." Sabi ko.

Binuksan na niya ang pinto. "Sir, ano ang papagawa niyo sa akin?"

"May papabili ako sayo."

"Ano yun?"

"Bumili ka ng maraming pudding."

"Stress eating, sir?"

"Hindi para sa akin. Para kay Athena." Kinuha ko na ang wallet ko nasa bulsa ng coat at binigyan ko ng pera si Nolan. "Heto yung pera."

"Sabihin mo nga sa akin, Mason. May something ba sa inyo?"

"Wala. Kahit marami akong ginagawa dito sa kumpanya gusto ko malaman kung kamusta na siya. Kung inaalagaan ba niya ang sarili niya."

"Hmm... Okay."

Pagkaalis ni Nolan ay balik ulit ako sa trabaho ko hanggang sa may kumatok ulit sa pinto ng office.

"Come in." Sabi ko pero hindi ko na inalabang tingnan ang taong pumasok sa office.

"Mason." Tumingala ako ng marinig ang boses ni daddy.

"Dad, what are you–" Naputol ang sasabihin ko na may nilapag siyang papel sa desk at kinuha ko iyon para alamin kung ano iyon. Namilog ang mga mata ko ng makita kung ano ang nilapag ni daddy.

"Kailan pa?"

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makapag salita. Paano niya nalaman ang tungkol sa sakit ko? Imposibleng tatraydurin ako ni Nolan at sasabihin kay daddy ang tungkol doon.

"D-Dad, I..."

"Kailan pa?!" Ulit niya pero ngayon ay tumaas ang boses ni daddy.

"Bago ang birthday ko, dad."

"For fucking 4 months, Mason! Hindi mo sinabi sa amin ng mommy mo ang tungkol sa sakit mo!"

"Gumagawa naman po ako ng paraan pero hanggang ngayon wala pa rin mahanap na donor ang doctor ko."

"Sa ibang bansa ka magpa opera."

"Huh? Bakit sa ibang bansa pa?"

"Maraming magagaling na doctor doon at maaaring makakahanap agad tayo ng donor."

"Paano naman yung mga gagawin ko rito? Marami ang magiging tambak kapag umalis ako."

"Ako muna ang papalit sayo habang wala ka at kinausap ko na rin si Hans na siya muna ang sa pwesto ni Nolan dahil kasama mo si Nolan papunta doon."

Yumuko ako. I can't disobey my own father at gusto ko rin makakita ulit para makita ang magiging anak namin ni Athena. Saka ko na rin sasabihin sa kanila ang tungkol sa bata. Papa opera lang ako sa ibang bansa at kapag pinayagan na ako ng doctor doon ay babalik ako rito sa Pilipinas.

"Ma–" Tumingala ako dahil bumalik na pala si Nolan at nakatingin sa kanya si daddy. "Sir Red, hindi ko ho alam nandito pala kayo."

"Nolan, may alam ka rin ba tungkol sa sakit ni Mason?" Tanong ni daddy kay Nolan na kinatango naman niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Pasensya na po. Ayaw ko pong suwayin ang bilin ni Mason sa akin, sir."

Kung hindi si Nolan ang nag-sabi kay daddy ang tungkol sa sakit ko. Sino? Kung paano niya nalaman. Wala akong pinag sabihan na kahit sino maliban kay Nolan at – no, impossible. Imposibleng lalapit si Athena kay daddy para sabihin sa kanya.

"Sasamahan mo si Mason magpa opera sa ibang bansa. Kinausap ko na si Hans para siya muna ang papalit sayo habang wala kayo rito."

"Sir?"

"You heard me, Nolan."

"Okay po, sir."

"Kailan ang alis namin, dad?" Tanong ko. Nakita ko na ang pag-labas ni Nolan sa office at bumalik na siya sa station niya.

"Mamaya. Wala ka bang importanteng gagawin ngayon?"

"Pwede po bang bukas? Marami pa kasi ako kailangan tapusin na dokumento ngayon."

"Mamayang gabi pa naman ang flight niyo kaya may oras ka pang tapusin ang mga 'yan at kakausapin ko ang mommy mo tungkol dito." Sabi ni daddy saka tumalikod na sa akin. "At kakausapin ko rin ang kakilala kong doctor."

Hindi na ako nagulat kung maraming kakilala si daddy sa ibang bansa. I'm sure mga business partner niya 'yon pero isang doctor ang kakausapin niyang kakilala. I wonder who.

Kinagabihan ay sabay na kami ni Nolan sumakay sa elevator. Walang sinabi sa akin si daddy kung anong oras ang flight namin mamaya.

"Mag-impake ka ng mga dadalhin mo mamaya at mag-kita na lang tayo sa airport." Bilin ko kay Nolan.

Tumango si Nolan sa akin. "Hindi mo ba sasabihin sa kanya na aalis ka ng bansa para magpa opera?"

"Later. Pag-uwi ko tatawagan ko siya para sabihin tungkol sa pag-alis ko."

Pag-uwi ko ay nag-iimpake na ako ng mga dadalhin ko. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami doon ni Nolan. Tumingin ako sa phone ko na may tumatawag – mommy's calling.

Sinagot ko ang tawag ni mommy. "Hell–"

"Mason, bakit hindi mo sinabi sa akin? Kung hindi nalaman ng daddy mo, hindi ko rin malalaman ang kalagayan mo. Kaya ka bang umalis sa bahay para hindi namin malaman ang nangyayari sayo?"

"Mom, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa inyo. Ayaw ko lang kayo mag-alala sa akin."

"Ayaw mo kong mag-alala? Mas mag-alala ako kapag nalaman kong wala na pala makita ang anak ko. Bakit ngayon ka lang nag-pasyang magpa opera? Kung hindi sinabi sayo ng daddy na magpa opera ka sa ibang bansa, wala kang balak magpa opera."

"Mom, hindi naman sa ganoon. Natatakot lang ako sa magiging resulta after operation. Baka hindi maging tagumpay."

"Huwag kang mag-salita ng ganyan, Mason. Magiging tagumpay ang operasyon mo doon at mag-pagaling ka agad dahil wala ako sa tabi mo."

"Okay po, mom. Papagaling ako doon at uuwi ako agad."

"Mag-iingat ka, Mason."

"Kayo rin po."

"Hello, Mason." Kumurap ako dahil si daddy na ang kausap ko. "Are you still there?"

"Yes, dad. I'm still here."

"Mamayang 10 ang flight niyo ni Nolan." Sabi ni daddy dahilan tumingin ako sa orasan. May isang oras pa ako kaya kailangan ko ng mag-asikaso. Sinabihan ko na rin naman si Nolan na mag-kita kami sa airport. "Kunin niyo na lang kay Hans ang ticket."

The Playful CEOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें