Prologue

5.2K 77 0
                                    

Mason's POV

Today is my 21st birthday. Nandito ako sa isang club para i-celebrate ang birthday ko kasama si Nolan, ang assistant ko. Siya lang kasama ko ngayon gabi kaso imbes mag-saya ay iniisip ko ang sinabi ng doctor ko kanina. Yes, a doctor.

"Mr. De Luca, I'm sorry to tell you this pero kailangan niyo na ho ang magpa opera kundi may tsansa kayong mabulag." Sabi noong doctor ko.

Tumingin lamang ako kay Nolan na nakatayo sa tabi ko. Siya lang kasi ang nakakaalam sa kalagayan ko. Wala may alam kahit sino sa pamilya ko.

Alam kong may kaya akong magpa opera pero malalaman ni daddy ang kalagayan ko kapag nagpa opera ako saka natatakot rin ako baka hindi maging magumpay ang operasyon at hindi ko na makita pang muli kung gaano kaganda ang nasa paligid ko.

"Sir." Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Nolan. "Kanina ko pa napapansing tulala kayo. Iniisip niyo ba ang sinabi ng doctor niyo?"

By the way, he is Nolan Lee. Ang kababatang kapatid ni kuya Hans na assistant ni daddy. Nakilala ko si Nolan noong binubully siya sa school namin at doon nag-simula ang pagkakaibigan naming dalawa. Palagi ko siya tinutulungan at siyempre tinutulungan niya rin ako sa isang bagay. Ang isang subject na hirap na hirap akong intindihin kahit anong gawin ko wala talaga akong maintindihan. Ang sabi ni mommy pareho daw kami ni daddy mahina sa subject na iyon. May pinag manahan.

At isa pa, pangarap ni Nolan mag-trabaho sa isang hotel pero ang sabi niya hindi na siya nag-apply para maging assistant ko siya. Malaki daw ang utang na loob niya sa akin kaya hindi niya daw ako iiwanan kahit anong mangyari. Putek! Nakaka bakla yung sinabi niya.

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon."

"Bakit kasi hindi na lang kayo magpa opera?"

"Sana ganoon kadali ang sinasabi mo sa akin. May tsansang malaman ng pamilya ko ang tungkol sa kalagayan ko. Maraming connection si dad at natatakot rin ako baka hindi maging tagumpay ang operasyon."

"Sir, kung hindi man maging matagumpay ang operasyon ay pwede ako maging mga mata niyo." Seryosong tugon ni Nolan.

"Nolan, umamin ka nga sa akin. Bakla ka ba?"

"Sir?! Bakla? Ako? Si sir Mason talaga nagpapatawa. Hindi ako bakla."

"You sounds like gay. You have to sacrificed your dream to become my assistant. Hindi mo naman kailangan gawin iyon."

"Ang totoo niyan malaki ang tinuloy ng pamilya niyo sa amin ni kuya. Ang sabi kasi sa akin ni kuya mahirap daw makapasok sa DL Corp pero sinubukan pa rin niya ang mag-apply sa kumpanya niyo. Pangarap kasi niya ang mag-trabaho doon at kung alam niyo lang kung gaano kasaya si kuya noong natanggap siya. Kahit stress at pagod siya sa mga utos ni sir Red sa kanya araw-araw. Pero tinitiis niya lang ang lahat na iyon para may makain lang kami at may pang bayad sa mga hospital bills ni papa."

Ang sabi ni mommy ganoon talaga ang ugali ni daddy sa trabaho kaya lagi niyang sinasabi kay kuya Hans na pagpasensyahan na lang niya ang ugali ni daddy.

Tulala lamang ako habang nakatingin sa hawak kong baso na iniinuman kong alak at kay Nolan ay orange juice. Hindi talaga ako umiinom ng kahit anong alak at mas lalong hindi ako pumupunta sa ganitong lugar.

"Um, excuse me." Sumulyap ako sa isang babae nakatayo sa tabi ko.

"Yes? How may I help you, miss?" Tanong ko sabay inom sa alak.

"Buntisin mo ko."

Naibuga ko ang iniinim kong alak at humarap sa kanya. "What?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo, miss? Ni hindi mo nga ako kilala."

"Sir, ayos lang ba kayo?"

Binaling ko ang tingin kay kay Nolan. "Mukha ba akong okay?"

"Sorry pero gusto ko talaga magkaroon ng anak."

"Miss, listen. Hindi ngayon pa lang nag-kita para sabihin mo sa akin–"

"Pumayag na kayo. Kapag nabuntis na ako hindi kita guguluhin sa buhay mo. Lalayo ako."

Kumawala ako ng hangin. Masyado namang desperada ang babaeng ito para magkaroon siya ng anak.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Sa tingin ko hindi niya ako kilala. Kapag nalaman ni daddy ang ginawa ko baka bawiin niya sa akin ang kumpanya.

"Sir, pumayag ka na." Bulong ni Nolan sa akin dahilan humarap ako sa kanya.

"Baliw ka ba? Paano kung nalaman ni dad ang tungkol dito? Pareho tayo mawawala sa kumpanya."

"Hindi na siya magpapakita pa sa iyo kung may nangyari sa inyong dalawa. Isang gabi lang at galingan mo para magkaroon kaagad ng bunga." Nakangiti ng malawak si Nolan na kinailing ko.

"Siraulo." Kumawala ulit ako ng hangin bago binaling sa babae. "Pumapayag na ako pero sa isang kondisyon."

"Ano 'yon?"

"Pagkatapos na may mangyari sa atin ngayong gabi ay hindi mo ko guguluhin. Ayaw kong masira ang pangalan namin."

"Pangako. Hinding hindi ako papasok sa buhay mo."

"Mabuti nagkaintindihan tayo."

"Sir, alis na ho ako." Hinarap ko si Nolan. "Heto na yung bay–"

"No. Ako na ang magbabayad ng ininom mo at saka..." Kinuha ko yung susi ng kotse at inabot sa kanya. "Gamitin mo na yung kotse at bukas ko na lang kukunin sayo sa kumpanya."

Kinuha na niya ang susi. "Good luck, sir."

Umupo muna ako sa kama pagkarating namin sa condominium unit ko. Malapit lamang sa club ang condo ko pero minsan lang ako pumupunta rito. Napahilamos ako ng mukha. Ano ba itong napasok kong gulo? Mabubulag na nga ako tapos ganito pa ang nangyari.

"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya.

"Huh?"

"Bakit ako ang nilapitan mo – I mean, sa daming kalalakihan sa club pero ako ang nilapitan mo para bigyan ka ng anak."

"Mukhang matino kang tao kumpara sa ibang kalalakihan sa club. Kung magkaroon man ako ng anak gusto ko yung ama niya ay matino."

"Paano ka nakaka siguradong matino akong tao? Hindi mo nga ako kilala. I haven't get your name."

"Hindi na kailangan malaman ang pangalan natin sa isa't isa kung isang gabi lamang tayo magkakasama."

Kunsabagay isang gabi nga lang ito at sana nga lang hindi malalaman ni daddy ang tungkol dito. Maliban sa aming dalawa ay alam rin ni Nolan pero kilala ko iyon at hindi niya kakausapin si daddy para mag-sumbong.

The Playful CEOWhere stories live. Discover now