TPC 15

1.2K 42 1
                                    

"Ako naman ang magtatanong sayo. Bakit mo kasama kanina ang tito ko?"

"Hindi ko naman alam na kamag anak mo pala siya at saka pinilit ako ng kaibigan ko na makipag kita sa kanya."

"Tsk." Hinawakan niya ang braso ko at ang seryoso ng mukha niya. "You won't get away next time you provoke me."

Huh? Ano daw? Pero wala siyang karapatan umasta na selosong boyfriend. Paalala ko sa kanya wala kaming label. Magulang lang kami ni Mika."

"Paalala ko sayo huwag kang umasta na selosong boyfriend dahil magulang lamang tayo ni Mika, Mason."

"Exactly. Sana iniisip mong may anak ka at kapag hindi mo siyang kayang alagaan ay kukunin ko siya sayo."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "H-Hindi mo pwedeng kunin sa akin ang anak ko."

"Hmph. Tingnan natin pag-dating sa custody."

Naluluha ako. Wala nga pala akong laban sa kanya dahil kilala ang pamilya ni Mason at mayaman pa. Sa dami ko pwedeng babanggain ang pinaka mayaman pa sa buong mundo. Nagsisi ako na pumayag sa dare ni Emma pero hindi ako nagsisi na dumating si Mika.

"Please, huwag mong kukunin sa akin si Mika. Hindi ko kayang mawala siya sa akin."

"Maybe this is the right time to remind you to marry me."

Tumingin ako sa kanya. Nawala na sa isipan ko may usapan nga pala kami dati na magpapakasal kami kapag nakakita na ulit siya.

"Kahit ano gagawin ko. Huwag mo lang kunin sa akin si Mika. Siya na lang ang natitirang pamilya ko."

"Athena, hindi ako masamang tao pero ang ayaw ko lang makita ang ina ng anak ko na may kasamang ibang lalaki kahit tito ko pa 'yan." Hinaplos niya ang pisngi ko. Wala siyang pakialam sa mga taong dumadaan. "I'm sorry."

"Basta mangako ka sa akin hindi mo sa akin kukunin si Mika." At doon na pumatak ang traydor kong luha. "Ikakamatay ko kapag mawala sa akin si Mika."

"Hindi tayo aabot sa custody kung papayag ka magpakasal sa akin."

Tumango ako. Wala na akong ibang choice para hindi malayo sa akin si Mika. "Kahit ano. Basta nasa tabi ako ni Mika."

Matagal ko ng pinutol ang ugnayan naming dalawa pero heto siya ngayon nasa harapan ko at bumalik sa buhay namin. Ang saya! Magpapakasal ako sa ama ng anak ko na hindi naman minahal. Ginagawa ko ito para hindi kunin sa akin si Mika.

"Gusto mong magpakasal sa akin pero may girlfriend ka na."

"Girlfriend? Wala akong girlfriend. Kung inakala mong girlfriend ko si Mei. Doon ka nagkakamali. Pinsan ko 'yon."

Napanganga ako. Pinsan niya ang kasama niya kanina? Ang akala ko girlfriend niya. Sa sobrang ganda pa naman kasi niya.

Tumawa siya. "Nagseselos ka? Akala mong girlfriend ko si Mei."

"Hindi ako nagseselos. Tatapatin na kita baka kasi umasa ka. Wala akong nararamdaman para sayo. Alam kong ginagawa natin ito para kay Mika."

"Ouch. Anyway, nabanggit pala niya sa akin kanina na may sakit siya sa puso."

That's weird. Hindi kumakausap si Mika sa hindi niya kilala.

"Oo, may sakit siya sa puso. Noong pinangak ko siya doon lang nalaman ng doctor na may butas ang puso niya kaya hindi ma-enjoy ni Mika ang childhood niya."

"Don't worry, maghahanap ako ng magaling na doctor para sa kalagayan ni Mika."

"Pero natatakot ako baka mawala sa akin si Mika."

"Walang mangyayaring masama sa kanya. Kung kinaya ko ang operasyon dati ay siguradong kakayanin din niya. Anak ko siya. Hatid ko na kayo sa inyo."

"Huh? Huwag na dahil maraming tambay at loko-loko sa lugar namin. Baka pag-tripan ka lang nila."

"It's okay. Marunong ako makitungo sa ibang tao mahirap man o mayaman."

"Kung mapilit ka talaga. Ikaw bahala. Huwag mong sabihin sa akin na hindi kita binabalaan kanina."

Pagkarating namin sa lugar kung saan ako lumipat ay doon ko lang naalala hindi nga pala kakasya yung kotse niya papunta sa bahay namin. Simulang pinalayas ako sa dating tinitirahan ko sa squatter area na kami nakatira ni Mika.

"Wala bang ibang daanan na kakasya yung kotse ko?"

"Sorry, nakalimutan kong sabihin sayo kanina."

"Tsk. Sa susunod sabihin mo sa akin ng mas maaga para alam ko." Binuksan na niya ang pinto sa side niya saka bumaba.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay mo. Kaya bumaba ka na diyan para makatulog na ng maayos si Mika."

Ang dami talagang tambay. Tirik pa ang araw pero ang dami na ng nag-iinuman ngayon.

"Wow. Ang yaman naman niyang kasama mo ngayon, Athena." Sabi ng isang tambay.

"Huwag niyong pag-tripan ang bisita ko." Sabi ko sa kanila.

"Pogi, tumagay ka muna." Sabi pa ng isang tambay. Kasasabi ko lang na huwag nilang pag-tripan. Tsk.

"Sure." Umupo na siya sa bakanteng upuan.

"Mason?!"

Tumingin siya sa akin. "Huwag ka mag-alala hindi ako iinom masyado. Magmamaneho pa ako pauwi sa bahay."

"Huwag ka mag-alala, Athena. Makikipag kwentuhan lang kami kay pogi tapos kami pa mismo ang maghahatid sa kanya sa bahay mo."

"Siguraduhin niyo lang. Kung ayaw niyong ipapa barangay ko kayo."

"Whoo! Tapang mo talaga kahit kailan."

Nilagay ko na si Mika sa kwarto para makatulog na siya ng mahimbing. Kahit hindi malambot ang higaan namin ay hindi ko naririnig nag-reklamo si Mika.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa bumabalik si Mason. Nag-alala na ako baka ano na ang ginawa ng mga iyon sa kanya pero may narinig akong kumatok. Agad kong binuksan ang pinto.

Kumunot ang noo ko sa nakita. Lasing na lasing si Mason. "Ano nangyari?"

"Napasobra ang inom niya kanina, Athena."

"Sabi ko sa inyo huwag niyo siya pag-tripan." Inis kong sambit. Ano ang mangyayari kapag hindi nakauwi ngayon si Mason? Baka hanapin siya sa kanila. "Sa sofa niyo na lang siya ilagay."

Nilagay na nila si Mason sa sofa. Isa lang ang kwarto namin at hindi kasya ang tatlong tao sa kama.

"Hindi mo sinabi sa amin anak pala siya ng pinaka mayamang tao sa buong mundo, Athena." Sabi ng isang tambay.

"Tsk. Hindi niyo na kailangan malaman. Baka ano pa ang gawin niyo sa kanya. Ngayon pa lang na wala kayong ideya kung sino siya nilasing niyo na."

"Grabe ka. Hindi kaming masamang tao. Tinulungan ka pa nga namin noong mga panahon na manganganak ka na."

Ako pa tuloy ang may utang na loob sa kanila. Tsk.

"Teka, bago kayo umalis pahiramin niyo muna ako ng damit. Papalitan ko ang damit niya dahil amoy suka."

Inalis ko na ang suot niyang shirt at bumungad sa akin ang maganda niyang pangangatawan. Lalong tumatagal gumaganda yata ang pangangatawan ni Mason. Pinunasan ko na rin ang katawan niya ng basang bimbo.

Huminto ako sa pagpupunas ng hawakan niya ang braso ko. "Hi, Athena."

Hi mo mukha mo. Bwesit!

Dumagdag pa siya sa aalagain ko ngayon. Ang kulit kasi ayaw makinig sa akin. Mabuti katalinuhan lang ang nakuha ni Mika sa kanya.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon