TPC 9

1.2K 41 0
                                    

Kinabukasan pumunta ako sa condo ni Mason para kausapin siya. Sana nga lang nandoon siya para hindi masayang ang punta ko.

Lumapit ako sa guard baka hindi ako papasukin. "Um, manong. Nandiyan po ba si Mason?"

"Sorry, miss. Kakaalis lang ni mr. De Luca kanina." Sagot ni manong guard.

Sumimangot ako. Ano ba iyan. Nasayang na naman ang pumunta ko ngayon. Kahit pala Sabado ay pumapasok rin si Mason. Dapat pala kinuha ko yung cellphone number niya sa assistant niya. "Um, mga anong oras siya babalik?"

"Pasensya na. Hindi ko alam kung anong oras babalik si mr. De Luca. Bakit hindi mo na lang siya puntahan sa DL Corp?"

"Baka mag-saliksihan pa kaming dalawa ngayon. Maghihintay na lang ho ako dito." Tumalikod na ako para umupo sa couch. Dito na lamang ako maghihintay sa kanya.

Inabot ng apat na oras ay hindi pa rin siya bumabalik. May balak pa bang umuwi ang lalaking iyon? Kakain na muna siguro ako habang wala pa siya. Hindi pa naman ako pwedeng malipasan.

Tumayo na ako pero narinig kong may kausap na yung guard. "Sir, may babaeng naghihintay ho sa inyo."

"Who?"

"Ayun ho." Tinuro ako ng guard na kinalingon noong lalaking kausap niya - si Mason.

Lumapit siya sa akin. "Gaano ka katagal nag-hintay dito?"

"Mga apat na oras lang naman ako nag-hintay at hindi pa ako kumakain."

"Tsk. Alam mong bawal ka malipasan. Doon na tayo sa pent house ko."

Pagkarating namin sa pent house niya ay pinag handaan niya ako ng makakain.

"Hindi ba sinabi sayo ng assistant mo na galing ako kahapon sa DL Corp?"

"Nabanggit nga sa akin kanina ni Nolan na pumunta ka doon kahapon. Ano ba ang kailangan mo sa akin?"

"I know you're giving me a week to think if I am going to marry you. Mag-iisang linggo na rin yung huling pag-uusap natin. So, um... ano mangyayari kapag pumayag ako magpakasal sayo?"

"Ano ba ang pwedeng mangyari kapag kasal na ang lalaki at babae? Siyempre, titira ka na kasama ko."

"Dito sa pent house mo?"

"Of course. Walang alam ang pamilya ko tungkol sayo. Marami na akong problema kaya ayaw ko muna dagdagan. Saka ko na iisipin kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol sayo at sa bata."

"Um, hindi kasi ako sanay sa buhay mayaman kaya..."

Pinag krus niya ang kanyang mga braso saka taas ang isang kilay. "Sanay ako sa buhay mahirap."

"Huh? Kilala ang pamilya mo sa buong mundo kaya imposible sanay ka sa buhay mahirap."

"Kung akala mo lumaki ako sa yaman. Pwes, doon ka nagkakamali. Noong bata pa lang ako isang simple ang buhay namin ng mommy ko." Umupo siya sa harapan ko. "Kung papayag ka man sa alok kong kasal. Huwag muna ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Binigyan mo ko ng dahilan para magpa opera dahil gusto kong makita ang anak ko kapag dumating na siya." Nakangiting sabi niya sa akin.

Kumurap ako dahil ngayon ko ulit siya nakitang ngumiti. After 3 months. Ang gwapo niya. "Okay. Kailan ka ba magpapa opera?"

"I don't know yet. Busy pa ang schedule ko ngayon kaya mahirap i-singit sa schedule ko ang pag-opera ko."

"May nahanap ka na bang donor mo? Ang pagkaalam ko ay mahirap makahanap ng donor."

Hindi siya agad nakasagot sa akin. Ibig sabihin wala pa siyang nakuhang donor. Baka siya rin ang mahihirapan kung hindi siya agad kikilos. Hindi ganoon kadali mag-hanap ng donor.

"Problema ko na kung paano ako makakahanap ng donor. Ang gawin mo na lang ay alagaan ang sarili mo para maging healthy ang bata. Huwag na huwag mo na ulit gagawin ang ginawa mo ngayon - ang mapalipasan."

"Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong oras ka babalik. Baka mag-saliksihan tayo kapag umalis ako kanina sa lobby. Bago ka bumalik ay balak ko na sana kumain na pero dumating ka na. At saka wala akong contact number mo kaya hindi ko alam kung paano ka tatawagan."

"Wait me here." Tumayo na ito at pumasok sa kwarto niya.

Ano naman kaya ang gagawin niya at nasabi niya iyon? May ibibigay siguro sa akin.

Assuming ka masyado, Athena.

Tapos na akong kumain at sakto ang balik niya sa kusina. "Give me your number."

"Huh?"

"I said, give me your number."

"Ah... Eh..." Binigay ko sa kanya ang contact number ko at maya-maya pa'y may tumatawag sa akin unknown number.

"That's my number. Save it." Sabi niya kaya sinave ko na yung contact number niya. "Huwag mo ko tatawagan kung hindi importante. Busy akong tao at susubukan kong hatiin ang oras ko sa trabaho at sayo."

"Bakit? I mean, hindi mo naman ako girlfriend para alagaan ako."

"Even you are not my girlfriend but you are carrying my child."

Tumayo na ako. "Salamat sa pag-kain."

"May bayad lahat na kinain mo."

"Huh? Anong kabayaran ang gusto mo?"

Tumawa ito. "Just kidding."

"Sabihin mo na. Ano ba ang kayabayaran ang gusto mo?"

"Nagbibiro lang ako. Kaya huwag mong seryo-" Huminto siya sa pagsasalita na may kumakatok sa pinto. "Sino naman kaya iyon? Wait lang."

Nag-lakad na siya para buksan ang pinto dahil walang pader nakaharang sa kusina at sala niya kaya makikita kung sino ang bisita ni Mason.

"Dad?! What are you doing here?"

Ama niya pala ang bumisita sa kanya ngayon - si Red De Luca.

"Ano itong naririnig kong makikipag collaborate ka sa GCA Group of Companies?"

Ang GCA Group of Companies ang pumapangalawang kumpanya sa buong mundo.

"Why not? Mr. Avellino needs my help."

"Kilala mo ba kung sino ang ama ng Gian Carlo na 'yan, Mason?" Nakita ko ang pag-iling ni Mason. "He is Gerald Avellino - the most dangerous person."

"Gaano kadelikado ang ama niya, dad?"

"Wala ako masyadong alam tungkol sa kanya pero ang bali-balita ay wala siyang sinasanto kahit sino. Kaya huwag mo na i-tuloy ang makipag collaborate sa kanya kung ayaw mong kukunin ko sayo ang kumpanya."

"You can't do this to me, dad."

"Sumunod ka sa akin, Mason." Bigla ang pag-tingin niya sa akin. "And who is she?"

Lumingon na rin sa akin si Mason. "She is Athena Concepcion. A friend of mine."

"Friends lang ba? Baka tinatago mo siya sa amin ng mommy mo."

"Dad?! Wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon. Tsk. Baka sa susunod sasabihin niyo sa akin asawa na."

Bakit ba ako nasasaktan sa sinabi ni Mason? Eh, wala naman talaga kaming relasyon. Nabuntis lang niya ako at ayaw ko ng dagdagan pa ang problema niya ngayon. Siya na nga ang nag-sabi kanina na hindi niya muna sasabihin sa pamilya niya ang tungkol sa akin at sa bata.

The Playful CEOWhere stories live. Discover now