Chapter 6: She Will

Start from the beginning
                                    

            “Oh, last one.” Marky pointed at the gigantic ferris wheel. “Uh, game ka bang sumakay sa ganyan, Nix?”

            “Aba. Game na game!” Confident na sagot ni Monic.

            Truthfully, hindi pa niya nae-experience na makasakay sa ganun kalaki at kataas na ferris wheel. But right now, she badly wanted to experience it. Sakto pa naman at magsa-sunset na. They’d definitely catch a perfect view from up there.

            After Marky bought two tickets, pumila na sila para makasakay sa ferris wheel. And Monic was being so giddy. Ngiting-ngiti siya at maya’t mayang tumitingala para tignan ang sasakyan nila. Sa excitement niya ay napapa-palakpak na siya—hindi nga lang niya ‘yun napapansin. Hindi rin niya napapansin si Marky na nag-e-enjoy na panoorin siya.

            “Dali Marky!” Pinipigilan lang niyang tumili nung turn na nila sumakay sa isang cab. Siya ang unang sumakay, and Marky followed. Agad din silang umupo on opposite sides. And slowly, papaitaas na sila nang paitaas.

            Malapad ang ngiti ni Monic habang nakatingin sa labas. She was very much looking forward sa view na makikita nila kapag nasa pinaka-mataas na part na sila. Sa excitement nga niya eh halos nalimutan na niyang may kasama pala siya.

            Minutes later, mas lumawak na ang view na nakikita niya. Wider sea with the sun setting on the horizon. Wider view ng mall. Wider view ng coastal area. Lumiliit ang mga tao at ang mga sasakyan, habang parang napapalapit naman sila sa mga malalayong building.

            Then her eyes turned to look downwards—sa lupa—and it hit her when she realized that they were now so many feet up from the ground—that they’d absolutely die kapag mag-malfunction ang ferris wheel at malaglag ang sinasakyan nilang cab.

            Monic’s mouth hung a bit open, trying to catch her breath. Ang excitement kasi na nararamdaman niya, napalitan ng sobra-sobrang takot. Nalulula siya. She felt like, if she’d make one move, mahuhulog sila.

            “Wow,” tumayo si Marky para mas maayos na tignan ang view ng sunset.

            Gusto naman sana itong sigawan ni Monic na huwag kumilos at baka malaglag sila. But all of her muscles had gone stiff, unabling her to make any movements.

            “Gusto mong magpa-picture dito Nix?” Nilingunan siya ni Marky, at nagulat ito na makita siyang parang estatwa at namumutla. “Uy Nix, okay ka lang?”

            Tinignan lang niya ito. Her eyes fearful.

            “Nix,” nag-aalala siyang nilapitan ni Marky. Pero pagkalapit nito ay hinawakan niya ito sa kamay para pigilan lang ito sa pagkilos. “Uy! Nanlalamig ka!”

            “H-huwag ka kasing malikot! B-baka mahulog tayo!” Super tensed niyang sagot.

            Natawa naman si Marky. “Nix naman!” Hinawakan din nito ang kamay niya at saka nag-squat sa tapat niya. “Relax, okay? Hindi tayo mahuhulog dito.” At natawa ulit ito.

            “T-tumigil ka nga kakatawa diyan! Tuwang-tuwa ka diyan samantalang ako, takot na takot dito. Tsk. ‘Yung puso ko nga, gusto nang lumabas sa dibdib ko d-dahil sa kaba!”

            “Huwag kang mag-alala,” natatawa pa rin si Marky. “Kapag mahulog naman tayo, sasaluhin kita. Sana nga lang saluhin mo rin ako.”

            Nanuyo bigla ang lalamunan niya. At ang puso niya, gusto pa ring lumabas ng dibdib niya—but for a different reason this time. Gusto pa rin nitong lumabas, hindi na dahil sa kaba, kundi para i-offer ang sarili nito kay Marky.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now