"Hindi na, nakakahiya naman po. Dito na ako," malugod kong sabi, sana naman makipag-cooperate na siya,


"Stephanie, even if I'm your boss, di ko hahayaang matulog ang isang intern sa labas," 


Napatitig tuloy ako sa kanya, nagpapaka-gentleman kasi itong si Carlo. Akala ko ba noong una wala siyang pakialam sa akin, pero ngayon mukhang inaalagaan niya ako. Siguro ganito din siya kay Gwen, kaya sanayan lang.


"Kayo ba ni Gwen, sabay ba kayong natutulog sa kama mo?" bigla kong tanong,


"At bakit nadamay nanaman si Gwen?" kunot-noo niyang tanong sa akin,


"Wala lang, close nga kayo sa public, ano na lang kaya sa private?" I slanted my eyes to him,


"No, we don't sleep together," he shook his head, "Madalang nga lang pumunta yun dito,"


"Sa hotel ba kayo natutulog?" I asked him again, mukhang na-papraning na ako.


Nakita ko tuloy sa mata niya ang pagkainis, nagtatanong lang naman ako kung hindi sila dito sabay natutulog, malamang sa hotel, baka ayaw niyang mabahiran ng katawang lupa ni Gwen dito.


"What question is that?" inis niyang sabi,


"Wala lang, just making sure." I said,


"Making sure of what?" 


"Na hindi kayo natutulog sa isang kama,"


"And why?" walang katapusan niyang tanong,


"Anong why why ka diyan?" napasingha ako, "Syempre ang awkward naman tumabi kayong dalawa tapos babae pa siya. Iisipin ng iba, mag-jowa kayo," I rolled my eyes,


Kung anu-ano lang ang pinagsasabi ko, napamura tuloy ako sa looban ko. I sounded like his girl friend na mukhang nagseselos. Eh ano naman sa akin kung magkatabi sila o hindi? Assuming lang siguro ako, looking psycho and crazy, 


Napailing-iling na lang si Carlo at di na muling nagsalita, akala ko papasok na siya sa kwarto niya ngunit bumalik siya sa sala na may dalang wines, at dalawang wine glass. Umusog ako ng kaunti ng tumabi siya sa akin, at inilapag ang dala sa mesa,


"Do you drink wine?" he asked me,


"Obvious ba? Beer nga nilalagok ko, yan pa kaya," inirapan ko siya,


"But you like beers than these?" he asked me again,


"Okay lang, di ko type ang wine, matamis eh,"


"My lips are also sweet," he said,


"Oo nga---"


Bigla akong napatakip ng bibig, at naibaba ang wine glass ng masabi ko kay Carlo ang salitang iyon, umaapaw nanaman ang kahihiyan, at bumabalik na naman ang nakaraan na pilit ko ng kinakalimutan. Carlo, stop making me ashamed in this situation, 

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat