TSW: Chapter 12

14.4K 266 6
                                    

Unti unting nanlambot ang tuhod ko dahilan para matumba ako.

Deretso lang ang luha ko sa paglandas sa muka ko.

"Taliyah!! Okay ka lang ba?!! Taliyah!!" sigaw ni Tyler sa labas habang kumakatok pero tanging pag-iyak lang ang lumabas sa bibig ko.

Kanino ito?!! Bakit ito mapapalagay dito?!!

"Taliyah!!! T*ngina sumagot ka!!" muli niyang sigaw pero nanatili lang akong tahimik sa loob ng CR.

"Sisirain ko itong pinto!! Taliyah, ano ba?!!"

Ilang beses siyang sumigaw at paulit ulit din siyang kumatok pero nanatili akong nakayuko habang sinusubukan na tumayo at lumabas ng CR na ito na okay lang.

Pero lintek gaano ko man kagustuhin na tumayo wala akong lakas.

*KABLAGGG*

(A/N: Ang korni nung sound effects ng pinto)

"Tali--- bakit ka umiiyak?" hangos niya sabay luhod sa harapan ko.

Pero sa halip na sumagot mas lumakas lang ang iyak ko nung makita ko ang muka niya.

Bakit?! Bakit kada susubukan kong maayos ang lahat saka may gumugulo? Bakit parang ayos na ang lahat ayan na naman yung problema?

Bakit kailangan masira ang plano namin? Bakit kailangan kami pa? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami?

"Hey! Anong problema, Taliyah?" muli niyang tanong.

Bigla nalang akong yumakap sa kanya at siniksik ko ang muka ko sa leeg niya.

"Shhh.. Bakit kaba naiyak? Dapat masaya tayo ah?" pag-aalo niya saken habang hinahaplos ang buhok ko.

"Pwede bang lumayo tayo? Pwede bang maging tayo nalang sa mundo? Pwede bang maging masaya tayo ng panghabang buhay, pwede ba?" humikhikbing bulong ko sa tenga niya.

"Oo. Pwede. Kung gusto mo aalis na tayo ngayon. Bahala na ang mga organizer sa kasal bumalik nalang tayo sa mismong araw" sabi niya sabay layo sa pagkakayakap ko at hinawakan ang pisngi ko saka pinunasan ang luha doon.

"Napakaiyakin e! Tayo na bilis! May pupuntahan tayo" sabi niya saken sabay tayo at hinigit ako sa braso.

"Tingnan mo yang mascara mo, sira na." sabi niya habang akay akay ako papunta sa sofa.

Pinaupo niya ko at lumapit siya sa table niya at kumuha ng baby wipes? Srsly?

"Akin ito. Laging akong naglalagay ng baby wipes sa drawer ko incase na kailangan ko ng tissue" sabi niya.

Dahil alam niya din siguro na nagtataka ako kung bakit meron siya noon e halos babae lang naman ang nagamit non.

Lumapit siya saken saka siya lumuhod at pinunasan ang muka ko.

"Bakit kaya ang ganda mo? Nagtataka na tuloy ako kung anong itsura ng totoo mong mama. Maganda rin siguro siya" komento niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

Napangiti nalang ako ng palihim dahil sa sinabi. Ngayon lang siya naging ganito, ngayon lang siya naging totoo. Iba sa lalaking pinakasalan ko.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya saken.

"Kahit san, basta tayo lang dalawa" sagot ko.

...

"Baby, wake up. We're here" naalimpungatan ako dahil sa paghaplos saken ni Tyler.

"Andito na tayo" sabi niya habang titig na titig saken.

"B-bakit ganyan ka makatingin?" nauutal na tanong ko.

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now