TSW: Chapter 22

12.9K 260 4
                                    

(A/N: Oh galit ka naba, Caloy? Aarte pa eh! Sorry ha? Ngayon ko lang napost. Demanding na bakla!)

______________________________________________________
"Oh my gosh!"

The hell! Ano ba'ng problema ng huklubang lalaki na 'to. Ang sarap- sarap ng tulog ko tapos bubuhusan ako ng malamig ng tubig. Shit talaga!

"Ano ba'ng problema mo ha? Tyler naman!" hiyaw ko.

Nakakainis talaga eh! Anong oras na ba kami natulog? Baka alas dos na dahil kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin. Tapos ito ang gagawin niya? Gigisingin ako ng alas singko?

"Jogging tayo," yakag nito kaya mabilis ko siyang binato ng unan ngunit mabilis siyang nakailag.

"Ikaw na lang! Pagod ako Tyler, maawa ka naman," sumamo ko.

Hindi ko talaga kaya. Pilit talagang napikit ang mga mata ko. At para akong nakakadena sa kama at hindi ako makatayo.

"Baby, kailangan mo rin mag-exercise," sagot nito sa akin.

Hindi ko na siya pinansin at nahiga na lamang ako sa kama at nagtulukbong ng kumot. Wala na akong pakialam sa exercise na sinabi niya dahil antok na antok talaga ako.

"Shit!" muli kong hiyaw nang maramdaman kong binuhat niya ako at pinasok sa CR.

At halos mabuhay lahat ng dugo ko sa katawan nang maramdaman ko ang pag-agos ng tubig sa katawan ko. Bwisit!

Si Tyler naman ay tumatawa lamang sa harapan ko.

"Bwisit ka talaga! Curse you Tyler Drew Contreras!" muli kong hiyaw.

Wala na akong nagawa kundi maligo na lamang. Umalis naman si Tyler dahil magpapalit raw siya ng damit at medyo nabasa siya.

Nang matapos ako ay dumeretso na kami sa labas ng bahay. Talagang tamad na tamad ako. Sino ba kasing nagpauso ng exercise na 'yan!

"Huy! Ngiti naman d'yan," sabi ni Tyler pero inirapan ko lang siya.

Ito talaga ang kahit kailan ay hindi ko magiging hilig, ang mag-exercise. Okay nga lang sana kung hindi ako puyat o pagod eh.

Tamlay na tamlay akong naglalakad habang si Tyler ay nagjo-jogging. Sinabihan ko siya na mauna na lamang. Marami rin naman kabataan at matanda ang nagjo-jogging. Naisip ko lang, hindi ba sila tinatamad?

Sandali akong umupo sa isang bench malapit sa park. Nakita ko naman na tumigil si Tyler pero minuwestra ko ang kamay ko para sabihin na magderetso siya.

Ilang minuto na ang lumipas at hindi ko pa ulit nakikita si Tyler. Siguro'y pumunta hanggang dulo ng subdivision. Kaya naman lumakad na ulit ako para sundan ito.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko na ito na may kausap na babae. Talaga nga naman! Napakalapit sa babae eh. Akala mo'y gwapo.

"Tyler! Umuwi na tayo!" sigaw ko rito kaya mabilis kong nakuha ang atensyon nila noong babae.

"Kapatid mo?" rinig kong tanong noong babae.

Sapakin ko kaya 'yon na dalawang beses. Mukha ba akong kapatid ha? Letsugas naman oh!

Basta na lamang ako lumakad palayo sa kanila. Bwisit! Nag-iinit ang dugo ko sa babaeng 'yon. Isama mo pa ang asawa kong tanga.

"Baby," marahan niyang tawag sa akin ngunit hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

"Baby," muli niyang tawag.

"Ano?!" pabalang kong sagot dito.

"Ayst! Nagseselos kaba? Wala lang naman 'yon," sabi nito habang nakayakap sa akin.

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now