TSW: Chapter 19

12.5K 245 6
                                    

TALIYAH'S POV

Is this the right thing to do? Be with him. Forget the reason behind our marriage.

I couldn't believe what I heard from Tom yesterday. Tyler bought me and married me, to get revenge of what happened to her girlfriend.

Was it my fault alone? Why do I have this feeling like I should be the one getting angry with that girl. She's the one I should blame because she killed my brother.

I love him, I do love Tyler so much. But whenever I remember my brother. My happy moments together with kuya, I automatically get mad. They stole the big happiness of my life, and that is to live with my brother.

I'm just wondering, was there a day Tyler thought that he was wrong for hurting me. Because in the first place, I never did a bad thing to him. And if he thought that her girlfriend died because of me, and lost someone near to his heart, so do I.

Nawalan din ako katulad niya. Namatay ang girlfriend niya, namatay rin ang kapatid ko. Ang pinagkaiba nga lang, ang girlfriend niya ang may kasalanan at nadamay lang kami.

Totoo naman diba? Kung hindi ba naman tanga't kalahati ang girlfriend niya para tumawid na lang sa kalsada, eh di sana buhay pa ang kuya ko.

Shit! Gusto kong gantihan ang babaeng 'yon. But what can I do? Eh patay na nga eh. Alangan naman hukayin ko pa siya sa lupa para lang masampal siya o murahin.

"Baby, tulala ka. Di ka nakikinig sa'kin," he snapped his finger in front of my eyes and I was automatically back into reality.

Kaharap ko nga pala si Tyler ngayon. Matalim niyang tinitigan ang mata ko at pilit itong hinuhuli.

Mahal ko siya. Iyan ang paulit ulit na sinisigaw ng puso ko. Bakit nahihirapan ako sa sitwasyon. Bakit pakiramdam ko, 'di ko makukuha ang hustiya ni kuya dahil sa lalaking mahal ko.

"Kagabi kapa ganyan, Taliyah. Naiinis na talaga ako," pagbabanta niya.

Gusto kong isagaw sa mukha niya ang nalaman ko. Gusto kong sumbatan siya, pero paano ko gagawin kung ang maaapektuhan ay ang relasyon namin. Ang relasyon namin na matagal kong inayos.

"I'm sorry," bulong ko nalang sabay tungo.

Talo ba ko? Ano ba'ng susundin ko? Kaunting tulong naman oh!

"Tell me, ano ba 'yan bumabagabag sayo?"

"Kasi..."

"Wait lang," paalam niya nang biglang may tumawag sa phone niya.

Tumayo siya at pumunta sa may sala. Halatang iritable ang mukha at problemado base sa buka ng bibig niya.

"Baby, mamaya na lang tayo mag-usap. May emergency lang sa kompanya," sabi nito saken at marahan akong hinalikan bago lumabas ng bahay.

Ni hindi niya man lang naubos ang pagkain niya. Hay! Nawalan na din ako ng gana kaya inayos ko nalang ang mga niluto niya.

Kung pwede lang na umalis ulit ako, ginawa ko na. Kaya lang nag-usap na kami. Walang tatakas sa problema. Pero 'di ko na alam ang gagawin.

Gusto ko nalang umiyak. Umiyak nang umiyak hanggang sa mawala ang sakit. Hanggang sa mapagod ang mga mata ko.

I found myself chatting with Claude. Sa ngayon kasi siya palang ang makakaintindi sa'kin eh.

Claude: Kausapin mo siya. Sabihin mo ang nalaman mo.

Sana ganoon nga lang kadali 'yon gawin. Paano ko 'yon gagawin? Sasabihin ko sa kanya na 'Alam ko na ang dahilan ng pagpapakasal mo sa'kin. Paano mo ito nagawa?' . Masyadong madrama 'yon para sa'kin. At isa pa, baka sa halip na maintindihan niya ko, mag-umpisa na naman ang galit niya.

The Sold Wife (Completed)Where stories live. Discover now