TSW: Chapter 40

11.9K 196 2
                                    

It has been two weeks since my birthday. Back to normal, I'm staying at our first home.

Tyler and I both decided to stay here. Well, maybe it was just my choice and he just supported me.

Sabi ko kasi sa kanya na sayang naman ang bahay na ito kung hindi namin titigilan. Maraming memories ang nabuo rito kaya ayoko naman bitawan na lang basta-basta.

Malapit lang din naman ito sa bago naming bahay. 20-30 minutes lang ay nandoon kana. Napag-usapan namin na kapag napanganak ko na ang anak namin ay 'tsaka lang kami lilipat doon.

"Baby, are you done?" tanong ni Tyler.

"Oo. Pumasok kana."

Ngayon kami magpapacheck-up para malaman ang gender ng anak namin. Talaga naman wala mapaglagyan ang excitement na nararamdaman ko ngayon.

"Shall we?" tanong nito nang makapasok na siya sa loob ng kwarto.

Kahit pagod kami dahil sa sunod-sunod na trabaho ay hindi namin ito puwedeng ipa-re-schedule. Nagbukas na kasi ang cake shop namin ni Daisy. Panglimang araw pa lang nito pero patok na sa mga tao.

Kahit pinagbabawalan ako ni Tyler na magtrabaho roon ay hindi ko napigilan kahapon dahil sobrang daming customer. Napagalitan pa ako ni Tyler dahil naabutan niya ako sa kusina na nag-i-slice ng cake.

Whole day ako roon kaya talagang napagod ako. Maging si Daisy nga ay napagalitan ni Tyler. Naawa tuloy ako roon sa isa. Pagod na nga sa trabaho, napagalitan pa ng magaling kong asawa.

"Nag-sorry ka na kay Daisy?" tanong ko sa kanya habang nasa biyahe kami.

"Should I really do it? It's no big deal." Ayan na naman siya sa it's no big deal na 'yan. Ayaw na lang ba'ng tanggapin na mali siya.

Kung ako lang naman ang papagalitan niya ay okay lang. Pero para idamay niya pa ang kapatid niya? Wala naman ginawa 'yung isa.

"Pinagalitan mo ang kapatid mo dahil sa akin. Pagod na nga at aligaga 'yung isa eh," pagtatanggol ko kay Daisy.

"Pinagbilin kita sa kanya. Walang kang gagawin roon kundi manuod. Nothing more, nothing less."

"Naawa lang naman ako kay Daisy. Hindi na siya magkadaugaga kung paano aasikasuhin lahat ng customers."

"Then she should have hired many employees." Halatang naiinis si Tyler at kahit ako ay ganoon.

Ano ba'ng akala niya sa cake shop namin? Itinayo noong 90's. Susme! Wala pa ngang isang linggo 'yon. Paano naman kami magha-hire ng maraming employee?

"Ewan ko sa'yo, Mr. Contreras. Ang hard mo sa kapatid mo," sabi ko at inirapan siya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin.

Napakasungit nito sa kapatid niya. Halos si Daisy na nga ang lahat ng nag-ayos ng cake shop namin eh. Hindi pala halos, dahil lahat siya talaga.

Mabilis akong bumaba sa kotse niya nang tumigil kami sa ospital. Nabibuwisit kasi talaga ako. Kanina naman okay lang kami, pero ang bilis mag-init ng ulo niya. Bahala siya!

Naramdaman ko na lang basta ang braso niya na nakapulupot sa baywang ko.

"Sorry."

Nanatili lang akong tahimik bago pumasok sa elevator. Sabi ko sa kanya, kay Daisy siya mag-sorry, hindi sa akin.

"Mamaya kakausapin ko siya. H'wag kanang mainis."

"Mas nauuna ka sa aking mainis."

"Oo na. I'm sorry."

Tumahimik na lang ako at hinintay na bumukas ang elevator. Mas naramdaman ko ang excitement.

Sari-saring tanong ang napasok sa utak ko. Ano'ng pangalan niya? Ibibili na ba namin siya ng mga gamit? Habulin rin kaya siya kung sakaling lalaki siya? At marami ba'ng manliligaw sa kanya kung babae siya?

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon